Kabanata 32

4 0 0
                                    

Kabanata 32

I miss you

"Opo, Tita. Bibisita nalang po ako bukas pagkatapos ng klase."

Ibinaba ko ang telepono matapos ang tawag na 'yon. Nasugod si Dannsen sa ospital nang mawalan siya ng malay habang nasa sementeryo pa kami.

Nang mawalan siya ng malay habang yakap ko ay hindi na magkanda-ugaga ang aking loob. Ginising ko pa siya ng ilang ulit ngunit walang tugon mula sa kanya kaya nataranta ako na tinawagan si Tita upang ipaalam ang nangyari at para matulungan ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin sa mga oras na'yon. Basta-basta nalang siyang nawawalan ng malay.

Nasa ospital pa rin siya at chinecheck ang resulta ng mga test. Masyadong nag-alala si Tita kaya hindi maiwan-iwan ang anak. Nag-suggest akong bukas ay nandoon ako. Ako naman ang papalit sa kanya.

Overfatigue ang sinabi sa amin ng doctor noong isang araw. Sobrang napagod sa mga gawain. Gusto ko ng asana siyang pagalitan ngunit naawa naman ako sa lagay niya. He seems so tired. Ang tigas din kasi ng ulo, minsan kapag nasa school ay nagba-basket ball kahit na kakatapos lang kumain.

Gusto ko nga sanang pumunta ng hospital ngayon ngunit walang mag-aasikaso sa bahay at iniinda pa ni Lola ang kanyang rayuma kaya walang kikilos at gagawa ng gawaing bahay.

'Di bale at nangako naman akong bibisita bukas pagkatapos ng aking klase.

Umaga ng lunes ay maaliwalas ang paligid. Mahinahon ang daloy ng estudyanteng palakad-lakad sa hallway. Parang wala silang inaalala. Napag-uusapan na rin ang mangyayaring senior ball ng grade twelve na gaganapin sa unang linggo ng Marso.

Grade twelve lang ang kasali doon pero excited din ang iba para ro'n. Parte 'yon ng pagtatapos sa senior high kaya lahat naman ng tutuntong ng grade twelve kalaunan ay mararanasan ang napaka-espesyal at memorableng araw na 'yon.

Hindi na rin ako makapag-hintay na mangyari 'yon sa aking buhay high school. Ang maranasang mag-suot ng magagara at bolgahang mga gowns; ang iyong kapareha; at ang pinaka-magical na slow dance kung saan yayayain ka ng iyong kapareha na sumayaw sa marahang kanta.

O 'di kaya'y yayayain ka ng mga gustong sumayaw sa'yo.

Naiisip ko palang na ilang buwan nalang at grade twelve na ako at graduating na sa high school ay mas lalo akong na-eexcite lalo pa't kasama ang mga kaibigan at syempre si Dannsen.

Nangingisi nalang ako dahil sa mga naiisip.

Napapatingin ako sa mga naglalakad sa hallway. Sariwa ang hangin sa labas kaya nandito ako tsaka hindi ko halos nakakayanan ang mga usapan sa silid patungkol sa madalas na pag-absent ni Phoebe simula noong nangyaring pag-konpronta niya sa akin.

Nababanggit paminsan-minsan ang aking pangalan dahil doon at ayaw ko ng pakinggan pa. Ayaw ko ng maalala. Tapos na'yon at nakakawalang gana kapag naalala ko. Maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niya. Dahil na rin sa mga kwentong ginagawa niya para may maipagmalaki sa iba.

They called Phoebe psycho. May problema raw sa ulo kaya nagkaganun.

Hindi ko naman sila masisisi kung ganoon ang iisipin nila. Wala na akong magagawa dahil nangyari na. Nag-aalala lang ako kay Phoebe dahil sunod-sunod ang pag-absent niya nitong nakaraang araw. Alam kong nasasaktan siya, pero sana naman ay 'wag niyang pabayaan ang sarili at pag-aaral niya.

"Ang lalim naman ng iniisip natin..."

Napa-pitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses.

"Lucas."

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon