Kabanata 18

7 1 0
                                    

Kabanata 18

I Enjoy

Mahapdi ang aking mga mata nang natuyo ang luha rito. Nakahiga lang ako sa aking kama habang naiisip iyong nangyari kanina. Matapos kong mapagtanto na ang batang lalaking iyon ay posible palang parte sa mga alaalang nawala sa akin.

Kanina ay lumabas ako ng aking kwarto upang ihatid sa gate ang mga kaibigan matapos mag paalam na uuwi na sila. Pagbalik ko sa loob ay sinalubong ko agad si Lola.

"Lola?"

Napatingin ito sa akin na nagtataka. Seryoso ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.

"Lola, may alam po ba kayo na palagi kong nakakalaro noon?" sabi ko. Nag babaka-sakaling may mai-kwento sa akin.

"Apo, magpahinga kana muna," wika nito. May pag-aalala pa rin sa kanyang mga titig.

"La, gusto ko pong malaman." Nagpumilit ako. Naiiyak ko siyang tinitigan habang hawak pa rin ang mga kamay niya.

"Apo-" hindi ko siya pinatapos.

"La, kung may alam po kayo sabihin niyo sa akin. Huli na po ito, pangako." Itinaas ko ang aking kanang kamay. Mukha man akong desperada ngunit kailangan kong malaman.

Napabuntong hininga ito tsaka bahagyang nag-isip. Inaalala kung mayroon bang alam na istorya.

"Hindi ako sigurado Apo, pero dati ay palagi kang dinadala ng iyong ina sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan," sabi nito. Unti unti namang nabuhayan ang aking loob dahil sa impormasyon.

"Nasaan na po ito ngayon?" tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko ay matagal na silang wala rito sa probinsya." Hindi ito makatingin ng maayos sa aking mga mata.

"Alam niyo po ba kung ano ang pangalan ng kaibigan ni Mama?" Tila nahihirapan na si Lola sa pag-iisip ng mga bagay-bagay ngunit heto ako, nangungulit upang malaman ang nawala sa akin.

"Hindi ko na ito matandaan, nakalimot na ako lalo na sa pangalan," sabi ni Lola at tiningnan ako tsaka siya humingi muli ng paumanhin. Ilang taon na iyon at matanda na si Lola kaya hindi nakakapagtakang hindi na niya naaalala ito.

Napabuntong hininga ako dahil kahit isang pangalan o address ng kaibigan ni Mama ay wala akong nakuha. Bumalik ako sa aking kwarto na may luha sa mata. Bakit ba kasi nawalan ako ng alaala? Sana ay hindi ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Inisip kong muli ang palaging imaheng pumapasok sa isipan ko. Iyong nakangiti na batang lalaki. Napakapamilyar talaga ng batang iyon.

Hindi na rin siguro ako naaalala noon. Dahil kung mahalaga siya at ganoon din ako sa kanya, siguro'y hinahanap niya rin ako ngayon? Siguro ay wala lang ako sa buhay niya. Siguro iniwan na niya ako at kinalimutan.

***

"What the hell?" utas ni Andrei kay Casper habang nag-uusap ang dalawa.

"Lasing siya nang maabutan ko sa Spot," sambit ni Casper.

Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila kahit kanina pa sila malakas na nag-uusap malapit sa akin. Nasa silid kami nila Casper. Wala ang halos kalahati nilang ka-klase na nasa labas lang.

Wala na namang klase dahil abala ang mga guro sa meeting para pag-usapan ang paparating na Christmas party at programme.

"I don't know. I just got a text from a friend that he's at the Spot that time," sagot ni Casper. Pinanuod ko silang dalawa na nag uusap. Sino ba iyon?

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon