Kabanata 27

6 0 0
                                    

Kabanata 27

Choose me

Isang taon na naman ang lumipas. Parang kailan lang. Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon ay balik eskwela na naman. Ang iba ay nagre-reklamo pa na kulang ang Christmas break at gusto pa nilang matulog magdamag.

Noong bagong taon ay hindi kami magkasama ni Dannsen dahil hindi siya pinayagang umalis sa kanilang bahay kaya sa tawag lamang kami nagcelebrate ng bagong taon. Pero kahit ganoon ay naging kontento naman kaming dalawa. There is always a thing in between us. It's always the spark that keeping us, it's the love that we have.

Kahit na naiinis siya at walang magawa ay naging masaya naman kami sa tawag lang.

We talked about something, iyong mga pagkakapreho namin sa mga bagay-bagay. Nagtataka nga ako minsan kung bakit alam niya ang mga bagay-bagay tungkol sa akin, minsan ay gusto ko siyang tanungin, ngunit iyon naman siguro kapag interesado ka sa isang tao hindi ba?

Aalamin mo ang lahat ng gusto at ayaw nito.

Mas naging madaldal siya kapag nagkaka-usap kami, pero may oras talaga na napaka-suplado nito at hindi manlang makangiti. Kahit ganoon ay walang nagbago sa nararamdaman ko.

"It's impossible!" asik ni Andrei.

Nananghalian kami. Wala ang mga boys at hindi ko manlang alam kung saan nagpunta. Pero ang hinala ni Andrei ay sinamahan si Jace.

Kanina pa ako nag-aabang ng text galing kay Dannsen pero naalala kong nasa akin pala ang cellphone niyang hiniram niya kanina.

"Ano ba kasing nangyari sa babae ni Jace?" si Ace.

"Panget siguro taste no'n!" asik ni Andrei.

Inis na inis ito dahil habol nang habol si Jace sa babaeng hindi pa namin nakikilala. Siguro ay napaka-ganda noon para maging ganito kapursige si Jace.

"Ewan ko sa mga babae ngayon, masyadong mapili."

Nagkibit balikat ako. Hindi naman natin masisi ang taong ayaw. Siguro may dahilan naman iyong babae.

"Wait, Ela?" si Andrei.

Nilingon ko naman siya bago ko isubo ang ice cream.

"Bakit?"

"It's Dannsen's birthday next week!" utas nito sa akin.

Sa fourteen na ang birthday niya.

"Anong plano mo?"

Nag-isip muna ako. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang mai-surprise siya. Alam kong hindi siya mahilig sa mga ganoon pero gusto kong maging memorable ang birthday niyang iyon na kasama ako.

"Hindi ko pa nga alam," sagot ko.

Suminghap si Andrei at tinitigan ako tsaka nag-isip.

"I-surprise nalang kaya natin siya? Sa bahay nila?" suggestion nito.

"Sabihan nalang natin ang mga boys," ani Andrei.

"Pwede rin."

"Sure akong uuwi ang Mama niya para i-celebrate 'yon," si Andrei.

Bigla naman akong kinabahan. Kung ganoon ay unang beses 'yon na makikita ko ang mama niya at ako na bilang girlfriend ng anak niya.

"Ako na ang magsasabi sa mga boys. Since next week pa naman 'yon marami pa tayong time para makapag-prepare."

Kinindatan lang ako ni Andrei matapos noon. Ngumiti lamang ako sa kanya. Napansin ko naman ang aking katabi na tahimik. May pinagmamasdan itong lalaki sa kabilang lamesa. Tingin ko'y grade twelve iyon.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon