Kabanata 19

10 1 0
                                    

Kanabata 19

Sleep over

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone dahil sa tawag ni Andrei. Andami na naman niyang chismiss na ibabalita daw sa akin kaya ito ako napilitang bumangon at kausapin siya.

"Umagang umaga irita ka kaagad."

"Hay naku! Nakakainis kasi eh, kahit saan kasi pumunta iyang si Dannsen ay nandoon din siya!" irita niyang sambit sa kabilang linya.

"Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niyang pagbuntot?"

Eto na naman tayo, makikinig na naman ako sa mga hinaing niya patungkol kay Phoebe.

Kahit ako naman ay hindi ko nakakayanan iyong mga ginagawa niyang paglapit kay Dannsen ngunit ano ba ang magagawa ko? Wala naman akong dapat na ikainis dahil sino ba ako? Mag-kaibigan lang naman kami at pwede naman siyang magka-gusto sa kung sino ang gustuhin niya kahit pa si Dannsen.

Kung gusto rin niya si Phoebe...wala akong magagawa.

"Hindi mo naman siya mapipigilan kung gusto niya talaga iyong tao," wika ko.

Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya iyong kahapon na nangyari, na magkasama kami ni Dannsen sa Mall. Na kaming dalawa lang.

Nahihiya kasi ako baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at masabi niya pa sa buong mundo. Alam ko kasi na gustong-gusto niya ako para kay Dannsen. Pero may babalik din bang pagtingin?

"Eh bakit gusto ba siya? Teka lang bakit parang hindi ka sang ayon sa akin?"

"Give up ka na ba?" Give up? Saan? May pinaglalaban ba ako rito? Parang wala namang dapat na ipaglaban.

"Hindi naman sa ganoon, pero wala akong magagawa kung iyon ang gusto niya." Napabuntong hininga ako.

"Anong wala? Marami kang pwedeng gawin!" She hissed. "Ikaw lang ang may ayaw!" asik niya sa akin.

"Alam mo sa palagay ko may something talaga sa inyo ni Dannsen, eh, 'di niyo lang inaamin."

Wala akong alam sa sinasabi niya. Wala namang something sa amin, mag-kaibigan lang kami.

"Sandali, nag-text si Casper," sabi niya sa linya.

"Linta talaga, oh," bigla niyang nagmura. Napakunot naman ang noo ko.

Hindi ko na tuloy maayos ang mga tinutupi kong mga damit dahil sa pag-uusap namin.

"Bakit?" tanong ko.

"Nandoon nga ang bruha. Kasama nila si Phoebe ngayon sa gym!"

Ahhh...

"El?"

"Nandyan ka pa?"

"Hmm?" Natigilan ako sandali.

"Hayaan mo ako ang bahala mamaya, tingnan natin kung makalapit pa siya kay Dannsen," sabi niyang naghahamon.

Dapat hindi ako apektado ng ganito. Mag kaibigan lang kami.

"You're always denying your true feelings. Alam mo bang kapag tinatago mo 'yan mas lalo kang mahuhulog sa kanya," pangaral niya.

Minsan talaga nagpapasalamat ako na may dumating na isang medyo matinong kaibigan. Iyong si Ace kasi hindi maasahan kapag pinairal ang bibig. Siguro kung alam niya na may pagtingin ako kay Dannsen ay nalaman na ng isa. Wala kasing tigil ang bibig.

"Stay positve lang, sa tinagal-tagal ko ba namang kasama 'yong tao, eh..." may binulong-bulong siya sa roon.

"Love will find it's way. So don't lose hope. Eleonora Valentina pa naman 'yang pangalan mo,"tawa niya. Napangiti naman ako dahil doon.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon