Kabanata 10

9 0 0
                                    



Kabanata 10

Remember me


Sa umagang iyon ay napakasigla ng mga estudyante, unang araw ng Intramurals ay napupuno ng masisigla at aktibong estudyante.

"Woahhh!"Maingay na sigawan ng mga ito.. Nagsitipon sila sa covered court na masigla at nag-aabang na sa pag umpisa ng program.

Ang ibang babae ay may mga dalang pompoms na tila excited sa pagcheer ng kanilang teams. Hindi mapagkakailang excited silang umpisahan ang unang araw ng Intramurals.

Hindi pa man kami nakakaapak ng stage ni Dannsen ay todo hiyawan na sila, ayaw mag paawat at gusting-gusto ng umpisan ang opening remarks sa umagang iyon.

Kinabahan naman ako nang makita ang dami ng estudyante naghihiyawan at hindi magkanda-ugaga sa kanilang pwesto. They formed a line in every teams, there are four teams composed of every grade level.

"Are you ready?" out of the blue na tanong ni Dannsen. Nakapwesto na kaming dalawa sa stage sa may platform na para sa aming dalawa.

"Kinakabahan ako," mahinang sambit ko. Tinitigan niya ako habang may kaba sa aking mukha.

"Breathe," he said.

Tinitigan ko siya gamit ang koryusong mga mata... Ngunit kalaunan ay ginawa ang gusto niya.Huminga ako ng malalim.

"Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?" I asked.

He scanned the energetic and discordant audience.

Bigla namang sumulpot sa gilid namin si Ma'am Reyes. Ipinaalam niya sa amin na pwede na kaming mag- umpisa. Huminga akong muli ng malalim.

Kaya ko to.

"Let's start?" tanong niya sa akin. Tumango ako ng dahan-dahan bilang tugon at doon ay nag- umpisa kami.

"Goodmorning Montessorians!" sabay at masigla naming bati sa lahat. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging masigla kahit na napipilitan lang siya.

"I am Dannsen Lao," pagpapakilala niya sa sarili. Nilingon ko siya na nasa aking tabi. Our elbows are almost touching.

Naghiyawan ang mga estudyante, sino ba naman ang hindi si Dannsen kaya 'to. Ngumiti lamang ako.

"Eleonora Valentina Fulgencio," sabi ko ng nakangiti. Pinagmasdan ko ang masisiglang mukha ng mga estudyanteng prenteng nakahilera.

"And we are your Emcee for today," sabay naming bigkas.

"It's our pleasure to welcome everyone to Montessori School Intramurals 2017," I pleasantly said.

Naghiyawan ang mga ito sabay wagayway ng mga pomspoms at banners na dala.

"May we call on Mr. Ambrosio for words of welcome," sabi ni Dannsen, walang kangiti-ngiti sa labi. Paano niya nagagawang mag-tunog masigla na hindi pinapakita sa ekspresyon? Kakaiba naman.

Iilang words of welcome ang narinig namin mula sa mga importanteng tao na naririto ngayon sa loob ng eskwelahan upang masaksihan ang nakakapanabig na Intramurals. Mas malakas ang hiyawan ng mga lower years dahil excited na excited sila sa kung ano man ang mangyayari sa araw na ito.

Hindi maitatanggi ang saya sa mukha ng mga batang gusto ng ibahagi ang kanilang talento pagdating sa sports.

"It is not all about winning but on how you played the game." Pagtatapos ng aming opening remarks sa umagang iyon. Matapos ng mga ilang mahahabang speech galing sa iilang guro at ilang panunumpa ay siyang-siya sila na natapos na ito.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon