Kabanata 42

3 0 0
                                    

Kabanata 42

Scars

Kakaiba ang pakiramdam na palaging kasama ang taong gustong-gusto mong makapiling araw-araw. It felt something special with the person you love and desire the most. Para bang wala ng mas hihigit na saya ang nararamdaman mo araw-araw. It seems so perfect, it seems like I'm really in the fairy tale.

I thought I was just dreaming everyday because of Dannsen being by my side. Parang panaginip na nararamdaman mong totoong-totoo ang tibok at malakas na pintig ng iyong puso. Parang panaginip na masakit kapag nagmulat ka na. Pero napapawi ang pag-iisip kong panaginip lang lahat kapag nahahawakan ko siya, kapag nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan, at kapag naririnig ang tila magandang awit sa bawat pagbigkas ng mga salita.

It seems surreal, but this is reality. I'm here...with him.

As month of June and July passed, we, the seniors are getting busier with almost requirements and activities. Our schedule is always full, na hindi na namin maisingit ang ibang bagay na personal o kahit makapagpahinga saglit. Graduating from this school is quiet tough. Marami ang mga gawain, parang lahat ng subject ay major. Nagkaka-time na nga lang ako ng weekends pero sandaling oras lang. Marami ang paper works, mga hand written lalo na sa mga sulatin sa Filipino.

School facility is very organized too. Lucas' indeed a great leader. He's always busy with meetings and task that was ordered to take care by him. Madalas ko na nga lang siyang makausap, 'yong maikli at nagmamadali pa. Kagaya nalang kaninang umaga, halos hindi na niya ako marinig dahil sa pinagka-kaabalahan.

"Lucas, magtatanong lang sana ako kung ano ang maganda-"

"El, may ginagawa ako. Wait lang," singit niya sa sinasabi ko.

Ipapakita ko lang sana ang nasulat kong tula para sana sa school paper. Malayo pa naman ang pag-publish pero pinaghahandaan ko na hanggang sa may oras pa ako. Minsan na rin akong nagpatawag ng meeting para sa aming tema pero hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasang makakapagkuha ng interes ng mambabasa. Kahit sariling opinyon ko ay nare-reject ko.

"Uhhh... Ganoon ba, sorry," mahinahon kong sabi.

Napaangat siya ng tingin sa akin at nagkasalubong ang kilay dahil sa pangungunot ng noo. He's writing something, list of penalties and school regulation yata ang mga 'yon. Abala nga talaga siya.

"Ano ba 'yan? Importante ba?"

Ibinaling niya ulit ang tingin sa papel at nagsulat ulit. Niyakap ko ang notebook ko tsaka napakagat sa ibabang labi. Hindi ko na dapat siya inaabala sa ganitong oras. Wrong timing ang pagtatanong ko.

"Ela, ano na?" may himig ng iritasyon ang boses.

Natakot ako bigla sa tono niya. Nangungunot na ang noo niyang bumaling ulit sa akin ang tingin. From being irritated his expression softens when he saw my eyes.

"Sorry, Lucas. Hindi na dapat kita inaabala nito. Ayos lang, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo...hindi naman importante," ngumiti akong tipid.

His expression is still soft. I can see his dark brown eyes with guilt, but I'm fine. I know how busy he is. Sandali pa't may nagtawag sa kanya galing sa pinto. Pinapatawag daw siya sa office, marahil ay trabaho na naman 'yon para sa kanya. He must be tired pero gawa pa rin nang gawa.

"Titignan ko 'yan. Kapag 'di ako busy lapit ka sa'kin...susubukan ko," he eyed me.

" Sorry, Ela, but I need to go."

He left me there hanging. Sumama na siya sa babaeng tumawag sa kanya. Napangiti ako ng mapait.

Parang naging ganoon ang routine naming dalawa. Talagang busy siya kasi hindi na niya ako napapansin kaya ako nalang ang umiintindi.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon