Kabanata 16

7 0 0
                                    

Kabanata 16

Barrette

Ilang araw na ang lumipas nang mapagtanto ko iyon sa sarili. Walang pagdududa, walang pag-aalinlangan.

"Hindi kasi ganyan 'yan!" inis na utas ni Andrei sa kaniyang nobyo.

Nasa canteen kami mag tanghalian. Abala ang mga kasama ko sa paggawa ng assignments nila. Wala akong ginawa kundi tingnan silang nahihirapan sa subject na Calculus.

"Gayahin mo kasi yung sa explaination ni Sir!"

Inis na inis na si Andrei dahil kanina pa niya tinuturuan si Casper ngunit hindi niya pa rin makuha kung paano ito. Hindi na tuloy naka-concentrate si Andrei sa sariling assignment.

Pinagmasdan ko sila habang ganoon na nag- aaway. Kahit ganoon ay ang pa rin cute nilang tignan na magka-sintahan. Kahit na away-bati ay hindi pa rin sinusukuan ang isa't isa.

Napalingon ako sa banda ni Dannsen nang nakitang nakatitig na rin ito sa akin. Ilang segundo lang iyon siya na ang unang umiwas, napayuko nalang ako.

Ngayong alam kong may nararamdaman ako para sa kanya, hindi ko maiwasan ang sariling hindi maisip si Phoebe. Gustong-gusto niya si Dannsen. Hindi ako pwedeng makisali.

Gaano ba kalambot ang aking puso na pati ang sarili ko'y pagkakaitan ko? Paano ko nakikitaan ng kabutihan ang iba at iparaya ang mga bagay na gustong-gusto ko?

"Bes!" tawag sa akin ni Ace.

Nilingon ko ito habang papalapit sa aming pwesto. Napakunot-noo ako dahil sa dala- dala nitong brown envelop. Iniabot niya iyon sa akin na mayroong malapad na ngiti.

"Ano 'to?"

Binuksan ko iyon habang nagtataka, at napagtantong grado ko pala iyon. Bigla akong kinabahan para sa sarili ko dahil makikita ko na ang mga grado ko noong unang semester. Nagdasal ako sa isip ko na sana ay pasado lahat iyon.

Unti-unti ko na iyong inilabas sa envelop, nakapikit ang isang mata habang unti-unting nailabas ang makapal na papel na may mga numerong nakalatag. Bumuntong hininga ako at tiningnan iyon.

Sumilay naman ang aking napakalaking ngiti dahil ang tataas ng mga gradong nakuha ko.Siguro akong matutuwa sila Lola at Lolo nito. Syempre pati na rin sila Mama at Papa na nakamasid sa akin.

Para po ito sa inyo...

"Nasa first place ka na naman, Bes, congrats!"

Napalingon naman sila Andrei dahil sa sigaw ni Ace na umalingawngaw. At tsaka pinagkaguluhan nila ang card ko.

"Ela!"

Nakita ko si Lucas na papalapit sa akin. Malapad ang kanyang ngiti. Sigurado akong nakuha na rin niya ang kanyang card.

Tumayo ako upang salubungin siya ng pagbati, ngunit bigla niya akong niyakap. At syempre dahil sa tuwa ay niyakap ko siya pabalik. Nararamdaman ko ang iilang titig sa amin ni Lucas.

"Congrats!" utas niya.

Ngiting-ngiti kaming pareho. Pero nilingon ko ang kinaroroonan ni Dannsen nang maramdaman ang paggalaw sa banda niya. Napalinga- linga ako sa paligid upang hanapin siya ngunit wala na akong nakitang Dannsen.

Bumuntong hininga ako. Hindi niya manlang ako binati.

"Dahil diyan, you should have a makeover later!" excited na sabi ni Andrei sa akin. Niyugyog niya ako tsaka niyakap-yakap.

Napailing nalang ako. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya para sa mukha ko. Nangiti nalang ako.

***

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon