Kabanata 47

4 0 0
                                    

Kabanata 47

Butterflies

"Are you okay? Bes? Okay ka lang bang talaga?" pag-aalala ni Ace isang araw.

He's crying dahil sa nalaman niyang alam ko na. Alam na niya noon pang nalaman niyang kababata ko si Dannsen. Even Andrei knows it already, but they keep it from me, to protect me.

I don't blame them; they know how vulnerable I am when it comes to my love ones. Pinoprotektahan nila akong huwag masaktan that I envy them that I can't be strong for myself.

I asked myself, when will I be brave? Magsisimula ba akong maging matapang kapag wala na akong ipaglalaban? Kelan pa ako masasanay sa sakit kung heto palang ay bugbog na ang katawan ko?

Siguro nga ay hindi nauubusan ng sakit na nararamdaman ang mga tao. Lahat tayo ay kailangang damhin ang sakit dahil parte iyon ng ating buhay. Nabuhay tayo sa mundo upang maging masaya, malungkot, masaktan at muling bumangon...upang lumaban sa bagay na walang kasiguraduhan kung mananalo ba tayo.

We endure pain for us to learn, to be independent, and to be brave. It can mold us into another person, to be the other side of us-the better one. Siguro nga hudyat na talaga ito para sa akin. Na ako naman ang magtatanggol sa sarili ko...para sa mga taong mahal ko. Palagi nalang kasi ako ang pino-protektahan, eh.

"Oo, Ace. 'Wag ka ng malungkot, alam kong makakabangon ako. At gagaling naman si Dannsen, eh!" natatawa kong sabi para pagaain ang loob niya.

"Pero paano kung-"

"Ano ka ba? Sabi mo sa'kin no'n 'di ba, bawal ang mga nega! Ikaw ang nagiging negative ngayon. Smile ka na! Miss na kaya kita," sabi ko.

"Loka ka! Naiiyak talaga ako!" sabay singhap niya.

"Ikaw ha! Nagiging iyakin ka na! Siguro nabasted ka na naman 'no?" biro ko.

"Hay naku! Loka-loka ka talaga!" sabay kaming naghalakhakan.

Ilang araw akong hindi nagparamdam sa hospital simula ng araw na nalaman ko. Alam naman ni Tita kung bakit--dahil masakit. Mas masakit para sa kanya pero pinakamasakit para sa akin.

Dannsen don't deserve to be sick. Kung ako ay unti-unti ng nasasanay sa sakit, siya rin ngayon at hindi ko kayang makita siyang iniinda ang sakit niya.

I've searched about cerebral aneurysm at ang sabi roon ay pwedeng makuha ng isang tao ang sakit sa cigarette use, brain hemorrhage, family history, at iba pa. Nagkaroon si Tita noon, pero bakit kay Dannsen pa? Hindi ko naman sinasabing dapat kuya nalang niya ang nakakuha pero bakit nakuha pa niya? Bakit si Dannsen pa?

Sabi ni Tita ay nagpumilit si Dannsen noon na bumalik dito sa Aklan dahil sa akin. Pumayag naman si Tita dahil akala niya ay maayos na ang lagay ni Dannsen dahil umi-epekto ang treatment na ginagawa no'n sa Shanghai. Alam ko namang kaya ni Dannsen na labanan. Pero bumabalik ang lumulobo sa kanyang artery, at sabi ni Tita ay kailangan ng surgery na ayaw gawin ni Dannsen.

Hindi naman siya duwag, alam kong kaya niya kaya sasamahan ko siya sa lahat. Nasa tabi niya lang ako kung sakaling matatakot siya. Ako ang magiging matapang para sa aming dalawa, para malagpasan niya ang lahat.

Inaayos ko ang magulo kong kwarto ng sabado. Nagpalit ako ng bed sheet at binago ang ayos ng mga lamesa. Kesa magmukmok ako, nag-ayos nalang ako. Wala naman akong mapapala.

Tumungo ako sa aking bookshelve, nahagip ng paningin ko ang libro ni John Green. Naalala ko ang tanong sa akin ni Dannsen nang mabasa niya 'tong libro.

Hindi naman natin malalaman kung kelan mawawala ang isang tao sa akin. Kung sakali man, alam kong hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon