Kabanata 21

6 0 0
                                    

Kabanata 21

Friends

I think I like Ela.

Hindi 'yon naalis sa isip ko sa pag-tulog hanggang sa pag-gising. Kuryosong-kuryoso ako kung kanino galing. Nant-trip lang siguro ang nagsulat noon dahil sa kalasingan. Wala namang magtatangkang magsulat noon. Imposible lahat.

Iniwala ko ang mga iniisip. Hindi na ako makapag-concentrate sa klase dahil lang doon.

Binuklat ko 'yong libro sa isang subject. Ni-review ko ang sagot ko sa pinapasagutan sa'min ni Ma'am. May hindi ako siguradong sagot kaya nag-aalinlangan pa ako sa problem na 'yon.

"Phoeb?" tawag ko kay Phoebe na nakikipag-usap sa iba naming ka-klase. Nilapitan niya naman ako.

"Yes?"

Medyo maliwanag ang awra ng mukha niya ngayon, ngunit nangingibabaw talaga iyong pulang lipstick sa labi. Lasing siya noong kela Vein kami, naparami na rin kasi ang nainom niya.

"Alam mo ba itong problem? Paki-tingnan kung tama ang pagkakasagot ko," paki-usap ko sabay inabot ang answer sheet.

"What can I get in return?" nangisi niyang sambit.

Hindi ko talaga mapigilan ang hindi mapatingin sa kanyang labi na mapula.

"Huh?"

"Uh...tulungan mo nalang ako kay Dannsen..." sabi niya sa mahinang tono. Napatigil ako.

Bakit ko naman gagawin 'yon?

"Ha? Para saan?"

Pumupungay ang kanyang mga mata dahil sa excitement na nararamdaman. I never thought that she's too obsessed to Dannsen. The point that she'll ask for my help. Kahit na wala naman akong maitutulong.

"Pwede mo kaming i-set ng date?" ngising suhestyon niya.

Nanlumo naman ako roon. Bakit sa akin pa siya mag-papatulong? Hindi naman ako expert doon, tsaka paano ko iyon magagawa?

"Uhh... Kasi-"

"Ayaw mo?" agap niya.

"Ha? Hindi naman sa ganoon!" agap ko ring sagot.

"Oh 'yon naman pala eh, sige na!"

Niyugyog na niya ang braso ko na parang bata para lang masunod ang gusto niya. What Phoebe wants, Phoebe gets.

Paano ba ito? Isang date? Sila lang? Imposible yata iyong pinapagawa niya sa akin.

"Hmm...Uh..."

"Mag ka-text ba kayo ni Dannsen?" tanong ko.

Hindi ba awkward pag 'di sila close tapos mag di-date sila? Pero kung sabagay nakikita ko naman na nag-uusap sila ni Dannsen. Tsaka nararamdaman kong maayos naman sila sa isa't isa base sa nakikita ko.

"Oo, I always text him, nag re- reply naman siya," she confidently answered. Ngumisi ito sa akin nang makasagot sa tanong ko, tila ba ipinagmamalaki.

So, magka-text sila ni Dannsen. Ano naman ang pinag-uusapan nila? Araw-araw ba nilang kausap ang isa't isa? Kami kapag may importanteng sasabihin lang nag-kakaroon ng rason para kontakin ang isa't isa.

Pero sila palagi... Napayuko naman ako sa nalaman... Ah... Ganito pala ito...

Iba pala talaga kapag nakikita mo ang isang babaeng nagpu-pursige na makuha ang lalaking gusto niya. Ano kaya ang nadarama niya kapag nakakasama niya si Dannsen? May paru-paro rin bang tila hindi magkandamayaw sa kanyang sistema? May kuryente rin ba doon?

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon