Note: Hi, I wrote this back in 2015 and I realize na this part may be sensitive to some people, and for that, I'm so sorry. I can't omit this as this is part of the story. So if you're reading this, and you feel the same as her always remember, you are loved. Never forget that. Okay?
---
Malakas ang hampas ng hangin sa aking mukha, tinatangay maging ang mahaba kong buhok at ang aking may kaluwagang damit. It's funny how a usually crowded place is just dark and lonely. Pucha! Nakikisabay pa.
Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko, pero bago ko pa ito mapunasan ay tinangay na ito ng hangin. Wow, fucking dramatic. I feel dead inside. Ilang oras na akong nakatingin sa ilog. Kanina pa pero wala man lang dumadaan, parang sinasadya ng tadhana na mapag-isa ako.
Hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta kanina, pero nang mapadaan ako sa ilog na 'to, parang hinihila ako. Akala ko ba kapag nakatingin ka sa nature ay napapagaan nito yung pakiramdam mo? Pero bakit mas naaalala ko pa kung bakit ba ako nandito?
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Punyeta! B-bakit ngayon pa? Akala ko kaya pa...akala ko...akala ko lang pala 'yon.
Napahagulgol ako lalo, parang naninikip ang dibdib ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung saan ba yung sakit. Hindi ko na alam kung saan yung sakit na dapat kong pigilin. Napasapo ako sa dibdib ko. Kanina pa walang tigil ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi ko na nga yata alam kung paano hihinto, ni hindi ko nga alam kung may luha pa ba akong iluluha.
Mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.
My mom died few hours ago, I know na dapat nando'n lang ako hanggang sa huling sandali, pero nang lumabas ang doktor mula sa hospital room, at malungkot na umiling sa akin ay agad na tumakbo ang paa ko paalis, profanities were rushing in my mind.
Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, siguro kahit saan ay higit na mas okay kaysa sa ospital na 'yon. Kung saan ipapaalala sa akin kung anong nawala sa akin.
Bakit hindi ko agad nalaman na may sakit si mama? Bakit...bakit? Hinayaan kong hindi ko napansin na unti-unti ng kinakain ng sakit ang mama ko? Bakit hindi ko napapansin ang iniinda niyang sakit habang pilit siyang ngumingiti sa akin? Bakit...bakit hindi ko sinabing mahal ko siya bago siya mawala? Bakit hinayaan kong lumagpas ang mga sandali? Bakit?
I feel my senses go numb. Nanunuyo ang lalamunan at labi ko. Parang wala ng mailalabas na luha ang mga mata ko. Hindi ko na alam kung umiiyak pa ba ako o hindi. Hindi ko maramdaman ang pisngi ko.
Then a thought occured to me, there's no purpose for my life anymore, pangarap kong maging isang architect pero para saan pa yun kung wala na ang mama ko? Ano pang saysay ng pagpupursigi ko sa pag-aaral? Paano ako bubuo ng dream home kung wala na yung taong kasama ko sa pagbuo ng pangarap na 'yon? Yung taong sumuporta sa pangarap ko? Paano na bukas? Paano sa susunod na linggo? Hindi ko na alam. Just better end it now, hindi ko na nakikita ang bukas sa buhay ko.
I don't even know where my dad is.
I took a small step towards the edge of the railings. Maging ang tuhod ko ay nanghihina na. Saka ko lang naaalala na hindi pa pala ako kumakain simula kanina.
Kanina pa ako nakatayo rito sa railings pero walang dumadating para pigilan ako. Hinahayaan akong mag-isa and the idea of ending my life is continuously growing inside of my mind, getting imminent in my head, standing out among all the good words in my head.
"Franze, pakatatag ka. Alagaan mo ang sarili mo. Mahal ka ni mama at lagi mong tatandang proud na proud ako sa'yo."
Naalala ko na naman ang sinabi ni mama sa akin bago siya mawalan ng malay, bago dumating ang mga doktor at nurses, umiyak pa ako ng palihim habang naghihiwa ng apples, hindi ko alam kung bakit nagsasabi si mama sa akin niyan, hindi ko alam, hindi ko alam na iyon na pala ang huli.
I don't have anyone except my mom, now I have no one and my mom is gone...I-I should be gone too.
Unti-unti akong tumapak palapit sa dulo ng railings...unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko, palapit ng palapit...hanggang sa...hanggang sa naramdaman kong wala na ako sa railings, at first I thought I miscalculated the width of it, that I am already in the air, unti-unti ay mararamdaman ko ang impact ng pagtama ng katawan ko sa tubig, but I felt that I was on the ground, I felt hands around my right arm.
May humila pala sa braso ko pabalik at sa isang iglap ay napayakap ako sa kanya.
"Whoah! Miss don't...don't do that." I heard a screechy voice. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig, para akong nahimasmasan, para akong nagising. I was just about to commit suicide until a stranger saved me. Inangat ko ang paningin ko sa kanya, pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. What happened?
"Gusto kitang tulungan, pramis! Pero mali-late na ako sa gig namin, eto na kasi ang break na hinihintay namin e. Wait!" Kumapa-kapa siya sa bulsa niya at maya-maya pa'y may inabot siyang tissue sa akin.
"Punasan mo luha mo miss. Sorry wala akong panyo, pamunas ko sana ng pawis sa kamay 'yan e. Sige ah." All through out his sentence ay nakatunganga lang ako. I was too stunned to say anything, ni hindi ko nagawang ipunas sa luha ko yung tissue na ibinigay niya sa akin.
Mga ilang hakbang ay patakbo siyang bumalik sa akin.
"Nako-konsensya talaga ako miss kung iiwan kita rito. Ganito na lang. Ibibigay ko sa'yo itong isang pick ko, 'pag nagkita tayo ulit, ibigay mo sa akin 'yan, para masigurado kong hindi mo tinuloy yung binabalak mong gawin kanina at kahit hindi ko alam kung bakit gusto mong magpakamatay gusto ko lang sabihin sa'yo na may kakilala akong babae na namatayan ng tatlong anak, nabaliw yung asawa niya at may cancer siya ngayon, pero nagagawa pa rin niyang ngumiti ngayon." Napatitig ako sa kanya.
"Huh?"
"I mean, many people had it worse kaya isipin mong mas maswerte ka pa rin sa kanya. Hindi ko minamaliit kung ano man ang pinagdadaanan mo, ang akin lang, baka you have to look around, maybe, just maybe, there's still a reason for you to live, there might be a chance for you tomorrow. You'll never know what will happen tomorrow. Malay mo, malungkot ka ngayon, but tomorrow, maybe you're not. Ang gulo ko, ang gusto ko lang sabihin miss, think of the person dearest to you, think what will that person feel kapag nalaman niya that you wanted to end your life? O siya! Pakabait ka ah." Inilagay niya sa kamay ko yung pick niya atsaka tumakbo paalis.
I was there, standing, too surprised to move. Naisip ko si mama, napahagulgol ako ng sobra, I'm sorry, ma. I'm sorry. I'm imagining the look on my mom's face kapag nalaman niya kung ano yung binalak kong gawin and it's awful.
That night, I was saved. He saved me. Kahit hindi niya ako kilala.
Unconsciously, sumunod ako sa kanya at matapos kong lumiko sa nilikuan niya ay nakita ko siyang papaakyat ng stage, hindi ko man lang namalayan yung liwanag na nanggagaling sa lugar na 'to. Piyesta pala kaya sarado ang daan. Kaya pala walang dumadaan.
Madami palang tao, hindi ko lang napansin o pinansin.
Tiningnan ko yung lalaki ng mabuti. Nakakulay itim siyang damit at nakababa ang kanyang buhok na umaabot sa mga kilay niya.
"Hello! Ako si Isaac, ako ang leader at vocalist ng banda namin, we are called Juliette and we will be performing the song that is close to my heart. And I wish that the girl I met kanina, is listening. Sana ma-enjoy niyo ang performance." Nag-umpisa na silang mag-perform. Punung-puno ng buhay ang lugar, ang mga tao, hindi gaya ko.
In that moment, I was just there standing, frozen on the spot.
Pumailanlang ang How To Save a Life ng The Fray.
Naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko.
Napatingin ako sa hawak ko.
Tissue ng Jollibee at isang kulay puting pick. Tumulo ang luha ko.
Because that night, I know one thing, he saved my life
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.