Maraming nagtatanong kung paano kong nagagawang maging Architect, mag-release ng album, mag-concert, mag-shoot ng movie, commercials and ads, at ngayon, magpinta. And guess what? I have my very first exhibit.
Dahil sa sobrang busy ko sa pag-aartista ay hindi ko ma-practice ang pagiging Architect kaya naman naisip ko na para hindi ako pumurol ay magpipinta na lang ako, little did I know that I will have an exhibit.
Everything is for sale, at lahat ng proceeds mapupunta sa The Foundation, they help people with cancer. Everything is for sale except one, my dream house, but still open 'to for exhibit, but for everyone's eyes only.
Napangiti ako. The past year is gone with a blur. Nakakapagod yet I'm happy and relieved.
Pina-renovate ko yung dorm ni Tita Glends, and of course nando'n ako minsan para manuod sa common room, nakaka-miss din kasi, buti nga at yung nga bagets ay mga seryoso na sa kanilang senior year sa college. Wala na akong masyadong ka-kumpetensya.
Si Jackson and Charles are composers. Sila yung mga sumulat ng kanta ko sa album ko. Sabi pa nila, trust with the hitmakers and truth be told they made the album a hit. And Jackson, naging girlfriend niya yung fan niya doon sa Grand Romeo Day, biro niya pa, magmahal ng fangirl dahil guguluhin niya ang buhay mo, your life will turn into a beautiful mess that when you look back, you won't regret anything. As for Charles, malay ko bang type niya pala si Ate Denise, ayun ang bruha, kay Lenniel lang daw siya tapos inagaw ko pa. Pero sa pagiging pabebe niyang 'yon, magiging sila pa rin pala in the end.
Si Dimitri, ayun nag-aaral pa. He's younger by two years sa akin. He's taking up Film, turns out, aside sa pagiging musician ay gusto niya palang maging director na sinuportahan ng bruha kong kaibigan, siya raw kasi ang artista.
My dad? Well, heartthrob pa rin. Siya yung tinaguriang crush ng nanay mo noon, crush mo rin ngayon. Gwapo at mukhang bata pa rin. He's still active in showbiz, let's just say that I am getting some special care dahil sa kanya.
My mom? Ayun, parang sa palasyo na nakatira. Nagpagawa ako ng museleo para kay mama. Disenyong palasyo because forever she is the queen to me.
At si Kianne, dahil sa mabubulaklak niyang salita ay naging manager siya ng mga 'bagets' na star at isa ako sa mga hina-handle niya. I have to admit, magaling talaga siyang mag-manage. And I'm so happy na hanggang ngayon parang baliw na kaibigan pa rin ang turing niya sa akin and with that I mean, nalalanghap ko pa rin ang enerhiya ng apat na sulok ng Earth.
"Miss Franze..." Pareho kaming tumawa sabay sabi ng 'yuck'.
"Anyway, Tanga, may gustong bumili ng Dream House mo. Sinabi ko ng hindi for sale, ang kulit pa rin. Ikaw na nga ang kumausap. Mabibigwasan ko lang 'yon e." Napahawak pa siya sa sentido niya. As usual, mainitin pa rin ang ulo niya.
Nagpunta naman ako do'n kung saan naka-hang yung Dream House ko. Wala namang tao. Baka umalis na. Napatingin ako sa doon sa Dream House at napangiti.
"I want to buy that piece, how much is that?" Napatigil ako. Narinig ko rin ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Pero ang narinig ko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Because I remember that voice.
Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at halos panawan ako ng ulirat. And just like the old times, wala ng tigil ang puso ko sa pagtibok ng mabilis.
He's breathtaking. Just the same as the man I remember from a year ago. Those eyes that seems to drown me everytime I look at it. His high nose. His lips. And the dimples on his cheek. Napangiti ako. My inner self is already jumping up and down that I have to bite my inner cheek to stop smiling.
"But it's not for sale." Napangiti siya sa sinabi ko. Napatingin ako kay Kianne na kilig na kilig akong tintingnan. For a moment, hindi na ang mga painting ko ang pini-picture-an nila, kundi ako at si Isaac.
"That's all right, I will live there anyway," nagtataka ko siyang tiningnan.
"Live there?"
"Only if..." Napatingin ako sa kanya at unti-unti niya akong nilapitan. "Only if?" Tanong ko na hindi na napigilan ang pagngiti.
Bigla na lang pumailanlang ang kantang 'You' niya, with his voice. Lalo akong napangiti.
"Only if you'll live with me there," lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Doon na hindi nakapagpigil ang mga mata ko at naramdaman ko na naman ang nagbabadyang mga luha ko.
"Yes, you and I."
END
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.