"I LOVE YOU ISAAAAAAAAAAAC!!!" Isang putol litid na sigaw ang pinakawalan ko. At alam kong rinig niya iyon dahil napatingin siya sa akin at ngumiti. "KYAAAAAAAAAH!!!" Nangingisay na ako sa kilig.
"Tanga! Magtahan ka! Ano bang ginagawa mo?! Nakakahiya ka!" Sinamaan ko lang ng tingin si Kianne at inilibot ang tingin ko sa VIP area. And guess what? Wala namang nakatingin sa akin dahil lahat ay nakikisigaw rin. Tiningnan ko si Kianne na sinundan pala ang pagtingin ko sa paligid.
"Okay, sige. Sumigaw ka na." Walang energy niyang sabi sa akin kaya naman bumalik ulit ang tingin ko sa harap at sumigaw ng sumigaw.
Yep, ngayon ang Valentine Concert ng Juliette at nasa VIP area kaming dalawa ni Kianne. Binigay kasi sa amin ni papa yung dalawang complementary tickets ni Dimitri at sa VIP area yun kaya naman sobrang lapit namin sa kanila.
"This song, well, this song is close to my heart. This song reminded me of a girl..." Nagtataka akong tumingin kay Isaac. Girl? May girlfriend ba si—napahinto ako sa pag-iisip nung tumingin siya sa gawi ko, sa akin. Sure ako dahil nung mag-meet ang paningin naming ay ngumiti siya sa akin. Napangiti ako. Feeling ko kasi alam ko na kung anong kakantahin niya.
"...two years ago, I saved a random girl, I was actually a bit embarrassed to say na matapos ko siyang tulungan ay umalis ako agad to pursue our career, ever since that day, hindi na siya nawala sa isip ko, thinking that she might have ended her life after all..." nakita kong napangiti siya. Ang tahimik pa nung paligid, hindi rin ako nagsasalita, kahit naman hindi niya sinasabi, alam kong ako yung tinutukoy niya.
"...just few months back, we met again, after two years, and that's when I felt that kind of happiness, I mean how can you be happy for a stranger but yes, I felt genuinely happy, so I am going to sing this song for you, you're here right now. I know you're listening," bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"Para sa'yo 'yan Tanga, go angkinin mo na," narinig kong bulong ni Kianne sa akin.
"Hindi na kailangan Tanga. Hindi ko na kailangang ipangalandakan ang ganda ko, oh usog ka ng konti." Umusog naman siya pero nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Natatapakan mo ang buhok ko," hindi ko mapigilang mapahagikhik sa banat ko. I feel tremors on my whole body, like something that is about to explode, from happiness, from kilig, from everything, and yet he did that just by looking at me, smiling at me, and well, dedicating a song for me.
At naubos ang English ko dahil sa kilig. But so what? He's dedicating a song for me and for me only...o 'di ba? Sinaid ko na ang baon kong English.
♪♪♪
Picture? Picture? Lala punyeta!!! Bakit hindi ako nakapagpa-picture sa kanya? BAKEEEET?! Feeling ko iiyak na ako ng dugo. Napapailing na lang sa akin si Kianne.
Madami na kayong naging pic. May album ka pa nga di ba? Diyan sa phone mo, na tinitingnan mo gabi-gabi na kahit ako mauurat na sa'yo."
"Pero wala kaming picture ngayon. Magkaiba 'yon! Huhuhu!!!"
Lumabas na kami ng CR at papauwi na kami, mukhang hindi sasabay sa amin si Dimitri. Narinig ko kasi na every tapos ng concert nila ay may victory party, no matter how small the concert or gig.
"Hello, miss. Pwedeng magpa-picture?" Tinuro ko pa yung sarili ko. Para kasing nangyari na 'to, hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
"Yep, ikaw po yung sa viral vid 'di ba? Sobrang ganda po ng boses mo, grabe!" Nagpa-picture naman ako sa kanila although nakakahiya dahil hindi ako um-outfit today dahil alam kong mandirigma mode ako ngayon.
"Ang ganda mo naman, kahit wala kang make-up." Papuri sa akin nung babae. "Salamat," tumingin ako kay Kianne na inirapan pa ako, bitter kasi, hindi siya sinabihang maganda kahit may suot siyang choker.
"The viral girl? You're that girl right? You look so pretty, can I have a picture with you?" Medyo nabigla ako. Hindi ko napansin na nandito pala si Gretchen Fullido, na-starstruck ako sa ganda niya. Marahan pa akong tumango.
Lumapit siya sa akin at kumuha ng picture naming dalawa.
"I think we will be meeting often soon." Tumango lang ako kahit hindi ko naman naintindihan kung anong ibig sabihin niya.
"Hey sis, hey sissy's bestfriend." Napatingin ako kay Dimitri na binati ako.
"Hi!!!" Over sa energy na bati ni Kianne kay Dimitri with matching beautiful eyes pa.
"Will you stop doing that?" Naiinis na sabi nito sa kanya.
"Doing what?" Pinagdikit niya yung forearm niya at inilagay sa bandang baba niya. Nagpa-cute pa siya lalo. Nakita ko naman ang inis na ekspresyon ng stepbrother ko.
"Anyway, kumain na ba kayo? Gusto mo bang sumama sa victory party ng banda?" Mas mabilis pa sa alas dose ang pagtango ko, feeling ko mapuputol na ang ulo ko.
♪♪♪
Dahil kakatapos lang ng concert ay traffic pa sa mainroad, paano kami makakasunod sa The Victory Place?
Sis, tara na? Napatingin naman ako kay Dimitri.
Sabay na kayo sa van, wala kayong masasakyan, napuno namin ang The Concert Hall, maraming tao masyado." Nakangisi nitong sabi. Napatingin naman ako kay Kianne na mukhang nayamot.
"Sige."
Agad kaming pumunta doon, agad akong umupo sa bandang gitna nung van, wala pang tao kaya naman umayos na ako ng upo, tumabi si Kianne sa akin.
"Tulog muna ako Tanga, na-drain yung energy ko kakasigaw." Paalam ko sa kanya bago nag-ayos sa pagtulog.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Thank God dahil nakapasa ako sa lahat ng midterm exams, Finals na lang at malapit na akong gumraduate.
At—hindi ko na mapigilan ang antok kaya umidlip na ako, at naramdaman ko na lang na nakapatong yung ulo ko sa balikat ni Kianne. At s'yempre kahit matutulog na ako, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa narration ng mga ganap habang nakapikit ako. Pero dahil din sa pagod ay nakatulog na—
♪♪♪
Awkubscis hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Kianne, pero feeling ko ginigising niya ako. Pero teka, bakit parang ang tigas ng balikat niya? Napahawak ako sa braso ni Kianne, bakit parang may muscles? Naggi-gym ba siya?
Wake up, sleepyhead.
Inangat ko yung ulo ko. "Sandali lang naman Kian—" Napatigil ako. Bakit nakikita ko yung mata ni Isaac? Ang huli kong naaalala sa mga mata ni Kianne ay panget, bakit sobrang ganda ng pares ng matang nakikita ko?
Nag-loading pa yung utak ko saka ko na-realize kung ano yung nangyari. Nakatulog ako sa balikat ni Isaac? (At nahimas ko ang braso niya na may maskels!) Omgs. Omgs.
"Jeez, man. Just kiss her already."
3 seconds.
Nope. I think 1 or it's a millisecond, hindi ko alam kung gaano katagal or gaano kabilis, hindi naman ako nagbibilang, pero naramdaman ko 'yon. Naramdaman ko yung pagtulak sa ulo niya, nakatapat sa ulo ko, naramdaman ko yung pagtama ng ilong ko sa ilong niya, naramdaman ko yung paghinga niya sa labi ko at higit sa lahat naramdaman ko yung labi niya sa labi ko.
Sumabog na ang puso ko. Narinig ko pa ang ingay, parang may kumakantyaw na ewan, pero hindi ko sure kung meron ba dahil napako lang ang tingin ko sa mga gulat na mata ni Isaac.
Doon ko napansin ang mainit na pakiramdam sa kamay ko. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko, wait, akin ba 'yon, napatingin ako sa kamay ko, nakahawak sa kamay ni Isaac. Kay Isaac ba 'yon? Mabilis ang pulso niya, dama ko.
Napatingin ako sa kanya.
And I swear, eto ang pinakanakakakilig-slash-pinakamasayang pakikipagtitigan ko sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.