TRACK NO. 33 ♪

22 1 0
                                    

"I know you're anxious, don't be. I understand why you lied." Nakahinga naman ako ng maluwag matapos niyang sabihin sa akin 'yon. Napangiti rin ako.

Kinakabahan kasi ako na baka usisain niya yung mga sagot ko sa mga tanong ni Pick kanina pero simula kanina ay wala naman siyang sinabi hanggang sa etong malapit na kami sa bahay.

"Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya. Pawis na pawis na ang kamay ko pero ewan ko ba kung bakit hindi ako nahihiya na hawakan ang kamay ni Isaac. Parang ayoko na kasing bitawan. Baka kasi kapag binitawan ko malaman kong isang mahabang panaginip lang pala ang lahat. No, no, no, no, check!

"Are you tired?" Napatingin ako kay Isaac. "Medyo, hindi pa rin ako masanay-sanay sa buhay ko ngayon. Nakakapagod pero masaya."

Marahan niyang inilagay ang kamay niya sa ulo ko at inihilig sa balikat niya. Naramdaman ko yung pamilyar na warmth ng katawan niya at ang firm niyang balikat. Somehow, in this situation, I feel peace. Gosh, sarap mabuhay.

Narinig ko na lang na hina-hum niya yung How to Save a Life ng The Fray. Napangiti ako. Parang eto yung naging theme song naming dalawa.

He saved me. And he told me, I saved him. We saved each other. Although, hindi ko alam kung paano ko siya iniligtas.

Sinabayan ko siya sa pag-hum. Strangely, sa kantang 'to pakiramdam ko yung koneksyon namin ay sobrang lakas. I'm totally drawn to him that I don't know what a day would feel like kung wala si Isaac sa buhay ko.

Matapos ay nanatili akong nakahilig sa balikat niya. Naramdaman ko ang braso niya sa balikat ako at unti-unti niya akong inilalapit sa kanya. Napahilig ako sa dibdib niya at doon ay narinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Do you hear that?" Napaisip ako kung ano ba yung tinutukoy niya. "My heart beating fast..." Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. "My heart beating fast for you...God, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka sa buhay ko. I don't know what will I do if something happens between the two of us." Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang tumingin sa akin. At that moment, seryoso ko rin siyang tiningnan.

"But in case I did something awful...God, no. I'm sorry." Inilayo niya ang tingin niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. He felt so unsure about what he wants to say kaya naman marahan kong iniharap ang kanyang mukha sa akin.

I can see frustration written all over his face, there's a crease between his eyebrows, his eyes confused, he felt uneasy. Ngumiti ako sa kanya.

"If that time comes, I just want you to know that I will always love you, you're my man and I love you." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko but I'm too drunk with my emotions that I don't even feel embarassed.

"I love you so much, you're my sunshine." Mababa ang boses niya. Almost a whisper, but I heard it. It feels so amplified in my ears at kung tao lang ang puso ko, literal na nagtatatalon na ito.

And then in a moment the space between us is gone, I can feel his breath on my face, I can feel a tingling sensation as he carefully caress my face until his hand is on my nape, I can feel the heat in his hand. My eyes are half-open. I can see his eyes drawn with mine.

His other hand intertwined with mine. Our heartbeats in sync. He runs his thumb in my cheek once more, "I love you." I hear him whisper and before I knew it, our lips met.

His kisses are gentle. Nararamdaman ko na naman ang circus ng mga paruparo sa tiyan ko, they're summersaulting. His lips are so soft and he's guiding me. I close my eyes and feel his lips more.

Ang buong atensyon ko ay nakatuon sa labi niya. Its every movement that is matched by my lips. I don't even know what to do yet my lips move on its own. I'm just drunk. I'm drunk.

With every kiss, a part of me ignites. With every touch, a part of me longs for more. I'm crazily in love with my man.

After a minute that feels like forever, I open my eyes. His eyes is longing. Napangiti ako. It's no longer confused. All I can see is me, his eyes reflecting me. And with that thought ay lalo akong nakaramdam ng saya, how good it feels to see your reflection in your love's eyes, with that resolve, I whisper back, "I love you too."

"Why don't you try to listen to me for once? Why are you so dense?" Naputol ang moment namin ni Isaac nung may narinig akong sigawan mula sa loob ng bahay. Doon ko lang na-realize na nakapasok na pala sa loob ng bahay yung sasakyan.

Hindi naman laging may ganap na ganito lalo pa't executive village 'to.

"Sorry at ang dense ko ha. Sorry na po," I heard Kianne. Agad akong lumabas ng sasakyan at pumunta sa kitchen kung saan nanggagaling yung sigawan.

"Will please listen to me?" Nakita ko si Dimitri na nakasandal sa kitchen counter habang nasa tapat ng nakabukas na ref si Kianne.

"I'm all ears!!!" Sigaw ni Kianne. Mukhang hindi nila napansin yung pagpasok namin sa bahay dahil patuloy lang sila sa pagsasagutan.

"I mean, listen to me okay. Jennica and I are over. Why can't you fucking understand that? Are you that stupid?" Marahas siyang nilingon ni Kianne. For a moment, natakot ako na baka maalis sa leeg niya ang ulo niya.

"And why do I need to understand that? What's in it for me?" Nakita ko pang umirap si Kianne. Nakakatakot i-beastmode si Kianne. Ilang instances ko pa lang siyang nakitang magalit. At isa na ito sa mga pagkakataon na 'yon.

"My God!!! You're so dense Kianne!!!" Singhal ni Dimitri na humakbang papalapit kay Kianne at tumigil rin. Parang aligaga na hindi alam kung anong gusto niyang gawin.

"Sorry kung dense ako!!! Punyeta!!! Mas dense ka!!! Manhid ka, Dimitri!!!" Medyo nagtataka na ako kung bakit nasa harap ng nakabukas a ref si Kianne.

"Then tell me what you feel!!! Because right now I don't know what you feel." Napahawak na si Dimitri sa kitchen counter.

Feeling ko dapat umalis na kami ni Isaac sa kitchen pero hindi ko mapigilang maki-usyoso. Yung inner tsismosa ko nangingibabaw. Atsaka, ang saya kasi nila panuorin.

"You tell me!!!" Sigaw ni Kianne habang pinapaypayan ang sarili habang nakatapat pa rin sa bukas na ref.

"What are you even doing in front of the refrigerator?" Out of the blue na tanong ni Dimitri. "Nagagalit ako e!!! Gigil mo si ako!!! Ang init ng ulo ko, gusto kong kahit papano malamigan man lang ang feeling ko kasi feeling ko anytime puputok na ako sa galit!!!" Sigaw ni Kianne at kinabahan ako dahil halos lumabas na yung litid niya sa pagsigaw.

"God! You're insanely amazing right now!!!" Hindi ko alam kung bakit kinilig ako sa sinabi ni Dimitri.

"I know right, and to give you back your question, tell me what you feel. Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin? Ha, Dimitri? Ha?" Parang provoked na tanong ni Kianne.

To my surprise ay hindi sumagot si Dimitri, he just walked towards Kianne. After a few strides ay nakatapat na siya kay Kianne. Akala ko sasapakin ni Dimitri si Kianne, buti na lang pinigilan ko ang sarili kong lumapit, kundi masisira ko lang yung moment.

"Well, I'll tell you." At sa isang iglap ay naglapat ang mga labi nila.

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my God! Na-shookt ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahan ang mga ganap. At mas lalong hindi ko inaasahan na mawi-witness ko ang eksenang ito, ako, ni Isaac at higit sa lahat, ng ref na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin.

Napatingin ako kay Isaac na nagulat rin pero pareho kaming napangiti. Well, now is the time to give them some privacy, kahit na-witness naman na namin ang talagang kailangan ng privacy.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon