"Oh my goodness, I can't believables!" Parang nakita niya akong namatay at muling nabuhay, hindi makapaniwala si Kianne.
Tumango-tango lang ako habang pigil ang kilig ng bonggalord. Paimpit akong tumingin sa cellphone ko. Nag-selfie kami ni Isaac, at buti na lang mabait siya at meron siyang ShareIT, ang linaw ng kopya, HD. Shet! Pang-DP!
"I know right," nakangisi ko siyang tiningnan. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng kinwento ko. Hindi siya sure kung maniniwala ba siya or hindi pero nung napakita ko na yung phone ko na may picture with Isaac, halos hindi na niya ako tinigilan ng tanong.
"Shet, tanga. Confirmed! Inggit na inggit ako sa'yo, like super, jowa na ni Harry si Kendall shet, I can feel it," naiiyak niyang sabi sa akin. Tinapik-tapik ko siya sa balikat.
"Pero I'm so happy for ya, nigga, shet ka!" Hinampas niya ako sa mukha. "Aray naman, sakit ah," pero iba pa rin ang ngisi ko sa kanya.
"Alam ko nemek kune se rept fkdhe fhxhdvsnx djdhchjk," nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Wala akong naintindihan sa sinabi mo." Sarcastic na ngumiti sa akin si Kianne.
"Ako rin."
♪♪♪
"Grabe na ito, ba't may gano'ng ganap kayo ni Isaac? Hmm?" Tanong ni Ate Denise sa akin. Humarap ako sa kanya with matching pa-pretty pose. "Dasal lang. Dasal lang," natawa naman sila sa sinabi ko.
"Alma Moreno is dat yu?" Natatawang tanong ni Kianne sa akin.
"So ano ngang nangyari? Lahat kami nagulat," tanong ni Kuya Pio sa akin.
Paanong gulat? Pagbibiro ko. Sabay-sabay naman sila sa pagpilit sa akin tungkol sa nangyari sa videoke-han.
Pinalapit ko sila sa akin, excited naman silang lumapit sa akin, "secret." Tawa lang ako ng tawa habang napasimangot naman sila. Curious na curious sila sa kung anong nangyari sa loob ng karaoke.
"Ano nga kasi, para duma-moves rin ako kay Lenniel," kinikilig na sabi ni Ate Denise.
"Ano nga? Dali na," binangga ako ni Kianne, yung parang kinikilig. "Secret nga," binangga ko rin siya. Competitive kasi ako.
"Share mo nahala sorry Tanga!!!" Napalakas ang pagbangga ni Kianne sa akin kaya naman nabuwal ako sa upuan ko. Napaluhod ako sa sahig, buti na lang at hindi ako naduwal ng todo. May isang pares ako ng sapatos na nakita, nakita ko na ang sapatos na 'to e, nakita ko
"Okay ka lang?" Napaangat ang tingin ko sa lalaking nagmamay-ari ng sapatos. Oh my gollywow!
"Franze?" Nakangiti niyang sabi but I was smitten. Kung may nagbabayad lang sa akin tuwing nai-starstruck ako kay Isaac, baka mas mayaman pa ako kay Bill Gates.
Ahhuhmo-oo naman, shet, nauutal ako, first time ko lang magsalita?
Tinulungan akong tumayo ni Isaac, para akong nasa telenovela. Pigil ako sa paghinga, prim and proper in the outside pero naglulupasay in the inside. Yung kilig ko umaabot sa kaibuturan ng aking pagkababaeokay, ang pangit pakinggan non pero hindi ko alam kung anong tamang way para i-describe ang kilig na nararamdaman ko.
Good to hear, so paano? See you around? Nakangiti siyang umalis sa harapan ko, kahit na yung ka-member niya sa banda ay takang-taka kung bakit parang may bulalakaw na nahulog sa lupa na tinuka ng manok na nahulog sa bundok, I mean, kung bakit sa isang iglap ay naging mabait sa akin si Isaac.
Wow, just wow. Ibang level ka na Tanga, seryoso? Ilang beses ka bang bumisita sa Quiapo?
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.