"Simangot na simangot? Umayos ka nga," sabi ni Ate Denise sa akin. Hindi ko napigilan pa ang sarili ko na sumimangot pa lalo.
Medyo tanggap ko na e. Medyo tanggap ko na na hindi ako ang nagwagi, hindi ako ang nanalo sa romantic date with Isaac pero punyeta, bakit ngayon pa na walang pasok ako yung date? Ang mas malala pa, isa ako sa mga organizers na nag-aayos ng date niya?
Ang sakit sa puso. Feeling ko maiiyak ako anytime.
Parang nakita mo si crush na may kausap na magandang babae. And in this instance, siya rin yung crush na tinutukoy ko.
May pasok si Kianne ngayon kaya mag-isa lang akong nagmo-moment dito. Titingin-tingin kay Isaac sa malayo, although wala pa siya. May taping pa siya. May guesting kasi ang Juliette today.
"Sorry ate, nakakaiyak kasi," nasabi ko na lang habang inaayos yung mga nagkalat sa van kung saan nakalagay yung mga gamit para sa date. Bibihisan din kasi yung girl mula sa sponsor ng event na 'to.
"Okay lang 'yan girl. O siya, anytime soon darating na yung mga ka-date nila, diretso mo yung mga damit doon sa tent ah," sabi ni Ate Denise bago umalis para asikasuhin yung ibang mga kailangan pang gawin.
Pumunta na agad ako sa tent para ayusin yung mga damit, sana lang chararat yung ka-date or hindi yung ideal type ni Isaac. Come to think of it, never pa niyang sinabi sa TV kung anong ideal type niya. Well, kahit naman na hindi niya sabihin, alam ko namang mga kagaya kong babae ang type niyaayy, nag-iisa nga lang pala ako, kaya ako lang ang type niyang girl. Hihihi.
Napahawak naman ako sa bulsa ko, nakapa ko yung pick. Kinuha ko ito at parang tangang kinausap ito.
"Vhave, paano ba 'yan? Mami-miss mo ang one-half ng buhay mo dahil hindi mo ako makaka-date. Wag kang malulungkot ah?" Nakakainis, kasi hindi rin kami makakasilip dahil sa isang KTV gaganapin ang date, kakantahan ni Isaac yung girl at magki-kwentuhan sila.
Fan sign. Selfie. Hug. Kung p'wede na rin ang kiss. Lahat 'yon wala. Nawala dahil second place ako. Second! Huhuhu.
"Lagi rin kitang nakakalimutang ibalik sa kanya. Nung time na nagperform kayo sa school, nagpanic ako. Ikaw kasi e, grabe ka ngumiti," nakapangalungbaba na ako sa parang tokador na may ilaw-ilaw sa gilid.
After kong mag-perform nung college week namin, which ginawa ko lang talaga para magkaroon sila ng mas mahabang oras, tapos balak ko na talagang ibigay sa kanya yung pick, alam mo na, kilig-kilig moment ang kaso yung ngiti niya, wala na. Nakalimutan ko na, muntik na akong mawalan ng ulirat.
"Your voice is angelic." Namula na naman akong pisngi ko nang maalala ko yung sinabi niya sa akin.
Hindi naman talaga ako naniniwala na maganda ang boses ko, pero dahil sa sinabi niya, feeling ko p'wede ko ng kabugin si Regine Velasquez. Sobrang pretty ng dating ko. Lalo pa't ang gwapo at ang macho ng dating ng boses niya. Ang lalim at parang kinakantahan ako. Shet! Imagine-in ko pa lang na yung boses na yun ang gigising sa akin every morning, punyeta, punyeta talaga!
Pero...pero ang first step ng love story namin...na-unsyami.
Napabuntung-hininga ako.
"A-ate...d-dito raw po ba?" Agad akong napabalikwas nung may pumasok na babae sa tent.
Napansin kong nakasuot siya ng makapal na jacket at namumula ang ilong. Bigla na lang siyang bumahing na siya namang ikinagulat ko.
"Ikaw ba yung makaka-date ni Isaac?" Marahan siyang tumango bago ako pinaulanan ng virus. Maya-maya pa'y dumating na rin yung ibang makaka-date ng members ng Juliette, lahat sila excited na excited.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.