TRACK NO. 29 ♪

32 1 0
                                    

Is this it? Is this what they call graduation jitters? Hindi ako nakatulog simula kagabi, ever since natapos yung finals, hindi ko na halos naisip yung graduation, nung nag-apply ako for graduation ay medyo nagkaroon ng preference para sa akin, puro shoot and shows lang ang ginawa ko after finals, ni hindi na ako halos nakarating ng practice ng graduation.

Kinakabahan ako. Sobra. It feels like memories are flashing before my eyes. Naisip ko pa yung hirap sa pagpasok ko sa university, nung sinamahan pa ako ni mama. This is for her.

Buti na lang at nandito si Kianne para tulungan ako na makapag-adjust para sa graduation.

Hindi ako ga-graduate with Latin honors but so what? I'm still graduating, ni hindi ko alam kung paano ko nagawang maka-graduate on time kahit na sobrang dami kong ginawa for the past months lalo na this past few weeks.

Radio guesting. Print ad shoots. Photoshoots. Commercial shoots. Recording. Guesting. Mall shows. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin, halos hindi na rin ako nakapagpahinga, but it feels weird na hindi man lang ako nakaramdam ng pagod.

But right now, graduation is all I have in my mind.

"Ready ka na Tanga?" Napatingin ako kay Kianne at napangiti, sabay kaming ga-graduate ngayon. "Pupuntahan ko si mama bago ako dumiretso sa The Graduation Hall." Tumango lang siya, bibisita rin kasi siya sa tatay niya ngayon, napag-usapan na namin 'to dati.

"Anyway, congrats Tanga." Lumapit ako kay Kianne. "Congrats din Tanga." Hindi na ako nabigla na yinakap ako ni Kianne, simula kasi kanina ay pakiramdam ko ang nostalgic lang ng feeling, nung first year ako, ang iniisip ko lang ay kung kelan ako ga-graduate, ngayong ga-graduate na ako, ang naiisip ko lang ay yung mga na-experience ko through the years, and I realized it's all worth it.

Lahat ng iyak. Lahat ng puyat. Lahat ng pagod at pagsisikap. It's all worth it. Naririnig ko pa sa tenga ko yung tunog ng graduation sound. And I felt at ease. Ang sarap lang sa feeling na finally. Ga-graduate na ako.

"Pagkatapos mo na lang pumunta sa papa mo tayo pumunta kala mama, para masundo na rin natin si Tita Glends." Tumango lang si Kianne. Nung nag-Senior kasi kami ay kinontrata na namin na si Tita Glends ang makakasama namin sa graduation, yun nga lang ay nag-insist si papa na sumama and I feel so good that I don't want to be angry or anything, ayokong mag-cause ng kahit anong sakit o lungkot sa graduation day ko, today, all I will feel is happiness.

"Ooh-ooh!!! Tanga, buksan ko yung TV, nakatanggap ako ng notif sa group ng fansclub mo!" napatingin naman ako kay Kianne na nagkukumahog na buksan yung TV.

Agad niyang inilipat sa The Fame Channel at agad kong nakita si Isaac na nakaupo sa couch habang ini-interview. Naalala ko na naman tuloy yung pag-aya niya sa akin, sa 'date' namin, and honestly, hindi ko na alam kung paano ko pa papagandahin ang araw ko. Ang ganda na e. Feeling ko nasa Hawaii ako at sumasayaw ng Pearly Shell.

"Isaac, you've reached an all-time high popularity, nag-boost ang fame mo and you're in demand, sorry, you and Franze are in demand," narinig ko ang tilian ng studio audience, napangiti naman ako.

"Well actually, it's all because of Franze, I can say she's my angel," pangisi akong tiningnan ni Kianne. Pakiramdam ko tuloy ay mangangamatis na naman ang pisngi ko, feeling ko hindi ko na kakailanganin ng blush on para sa mamaya.

"Your angel, that is very interesting. Well, this is it, I am holding back, I don't want to ask this pero Isaac, the million dollar question is, what's the real score between you and Franze?" Bigla akong napaupo sa kama ko. Nakarinig ako ng malakas na tilian mula sa studio audience.

Naka-focus lang yung camera sa mukha ni Isaac na nakangiti. O gosh, alam kong sanay na akong nakikita siya but this time, he looks different, his smile is different. Napakagat ako sa lower lip ko, pinipigil ang kilig ko.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon