TRACK NO. 22 ♪

57 3 0
                                    

"Baliw na ba dis gurl?" Napalingon naman ako kay Kianne. "HUH?"

"Baliw na nga dis gurl." Hindi ko na lang siya pinansin at napahawak ako sa labi ko. It was very brief yet I feel like it was for a minute. Napapa-English pa ako dahil sa kilig.

"Tara na, baka hinahanap na nila tayo." Sumama lang ako kay Kianne papalabas ng CR.

Pinilit kong kontrolin ang puso ko, grabe kasi ang tibok nito, pwede pala yung mabilis yung tibok ng puso mo, tapos nonstop. Walang tigil. Tuloy-tuloy lang. Simula pagbaba namin hanggang makarating sa venue. Heart, behave.

"Behave ka Franze, dapat parang walang nangyari." Huminga pa ako ng malalim. Nakangiti akong pumunta sa venue, inaantay na lang yung mga nagbanyo lang tapos hahatiin na ng Juliette yung cake na p-in-repare para sa kanila.

Napansin ko naman yung executive na nandoon at nakangiti, napansin ko rin yung ibang members maging si Isaac, parang okay naman na ang lahat or is he faking it?

"Congratulations on your record breaking success!" Bati nung executive sa kanila. Nagpalakpakan kaming lahat. Tuwang-tuwa naman ang mga members bago nila hipan yung candles sa cake.

Mas lalo pang lumakas ang palakpakan ng lahat.

Nag-umpisa na ang lahat na kumuha ng pagkain, kumuha na rin naman ako, nagugutom na rin kasi ako e. Nakakapagod kayang magtititile at kiligin right after. Tao lang, napapagod din. No charets!

Pagkatapos ay umupo na ako sa mga naka-ready na sofa, napansin ko na magkausap sina Dimitri at Kianne. After ko kasing marinig yung usapan nila nung nakaraan ay hindi ko na sila ulit naabutan e, ano bang meron sa kanilang dalawa? Maasar nga sila.

"Franze? Franze right? You are the girl, right?" Napatingin naman ako doon sa kumakausap sa akin, yung executive na nakita kong nakikipagtalo kay Isaac.

"I'm Camille Tuazon, one of The Agency's executives, I have watched your video, and I must say, that kind of talent should not go unnoticed." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"S-salamat po," awkward kong sagot sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya, lalo pa't hindi maganda ang first impression ko sa kanya.

"Say, I want you to train, nag-viral ka na e, hindi na mahirap na i-market ka." Dire-diretso niyang sabi sa akin. Pakiramdam ko tuloy para akong produkto na ima-market.

"Pag-iisipan ko pa po, graduating po kasi ako e." Pa-kyeme kong sagot sa kanya.

"Well, if I were you, I wil act fast, mabilis magbago ang trend sa social media, you are lucky enough that a video that is a month and a half old is still viral at this point. You have to act fast, Franze. Take the opportunity while you have it, here's my calling card, if ever you decide, basta within this week ah. Enjoy the party." Nakangiti niyang sabi bago tuluyang umalis sa tabi ko.

Hindi ko naman kino-consider ang sarili kong sikat. Kahit marami ng nakakakilala sa akin, sa school o kahit saan ako magpunta. Pakiramdam ko, malayo pa ang lalakbayin ko bago ko ma-consider na sikat nga ako.

Napatingin ako sa calling card na binigay niya.

She's a good talker. Kasi kahit ako, napaniwala na somehow I have to take the opportunity. Hindi naman kasi ako kumakanta ng madalas dahil pakiramdam ko naman ay hindi naman ako gano'n kagaling, pero sa galing ni Mrs. Tuazon magsalita, kahit sino naman mapapaniwala niya.

"Good evening everyone. Remember the viral girl? Apparently, she's here with us. Franze, will you sing a song for us?" gulat naman akong napatingin sa harap. Ay! Ang bilis ng pacing. Nakita ko si Mrs. Tuazon sa harap, lahat naman ay napatingin sa akin.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon