Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng ngiti ni Isaac. "Hi" Napahinto siya. Kumaway ako sa kanya. Hindi ko alam pero na-awkward ako the way na tinitigan niya ako.
Feeling ko, ewan. Hindi ko alam kung napapangitan ba siya sa akin o nagagandahan o sobrang nagagandahan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong sabihin.
Nakatitig lang siya sa akin. Mas lalo lang akong nahiya. Pakiramdam ko sobrang pula na ang mukha ko. Shet! Akala ko kapag tinitigan ako ni Isaac, magpo-pose pa ako pero punyeta, sa kaba ko baka matapilok ako anytime.
"Hi, you're pretty." Nahigit ko ang hininga ko. You're pretty raw. You're pretty raw teh.
Pinilit kong pigilin yung sarili kong tumili dahil una, may camera at pangalawa, ayokong mapahiya na naman sa harap ni Isaac.
"T-thank you..." Tiningnan ko siya and he's smiling at me. That smile.
"Sige, iiwan ko na kayo ah," napalingon ako kay kuyang cameraman at ngumiti lang ito sa akin.
Pagkaalis niya ay napalingon ako ulit kay Isaac. Halos maubusan ako ng hininga ng unti-unti siyang lumapit sa akin na nakangiti pa rin.
"Hi, pretty. I'm Isaac," inilahad niya yung kamay niya sa harap ko. Hindi gaya ng mga dati naming pagkikita na halos lagi siyang bad mood sa akin. Ngayon, ngiting-ngiti siya.
"Hi, hands" Nahiya akong sabihin bigla yung salitang 'handsome'. "I MEAN I'M FRANZE." Shet! Bakit ko sinigawan si Isaac, pero nakangiti pa rin siya sa akin.
Nakipag-shake hands ako at shet, shet talaga. Not the softest but feeling heaven pa rin.
"Tara?" Lumapit siya sa akin. "Okay lang ba?" Nagtataka ko siyang tiningnan, saka ko lang na-realize na ang tinatanong niya ay kung okay lang daw ba akong maalalayan niya papunta sa upuan.
Tumango lang ako at naramdaman ang kamay niya sa likod ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapatili. Ramdam ko ang init ng kamay niya sa likod ko at shet lang, kilig na kilig talaga ako.
Nang makaupo ay ngumiti siya sa akin.
"I'm really honored to have you as a fan," pag-uumpisa niya. Shet! Yung boses niya, ulam na ulam na.
"T-thank you," napatingin ako sa screen sa harap.
"So Franze, you look really familiar. I'm not sure. Have we met before?" Napaisip ako. Inisip ko na baka magpi-pick up line siya at sasabihing 'ikaw na ba ang future ko?' pero naalala ko na na nagkita na kami. Ilang beses na.
"I work sa The Agency. Remember the girl? Yung...basta laging ipinapahiya yung sarili niya sa'yo." Nahihiya ko siyang tiningnan.
Tumango-tango naman siya sa akin.
"I remember you now, I'm really sorry about the stuff that I said," nakangiti niyang sabi.
"Wala 'yon," nakangiti kong sabi sa kanya.
"They say that we have to enjoy this, so feel free to sing, maganda boses mo. Have you thought of being part of a band or something?" Tanong niya sa akin. Bahagya siyang lumapit sa akin and for a moment, nakalimot na naman akong huminga.
"H-hindi e. Kasi hindi naman ako naniniwala talagang maganda boses ko." Nakatitig pa rin siya sa akin and I swear to God, magsisimba ako mamaya, magpapasalamat at hindi pa ako pinapanawan ng ulirat.
"But really, ang ganda ng boses mo. And I like the song you sung that time," napangiti ako.
"It became my jam, after ko siyang marinig from a special person." Tumango-tango siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.