"May alam akong secret, hindi ko sasabihin..." Paulit-ulit kong kinakanta 'yan sa loob ng sasakyan. Nagtataka naman nila akong tinitingnan. Kanina pa kasi ako nakangisi. Kahit si Kianne oblivious sa kung tungkol saan yung sinasabi ko.
"May alam akong secret 'di ko sasabihin..." pag-uulit ko.
"Ano nga? Paulit-ulit ka, nana-irita." Napatingin ako kay Kianne na nakaupo sa tabi ko. Magkalayo sila ni Dimitri, para siguro hindi mahalata. Pero obvious naman sa titigan nila sa isa't isa. Sparks fly naman kasi.
"Alam ko ang secret...alam ko ang secret..."
Tumingin ako kay Isaac na nakatingin sa labas habang nakangisi. One thing is for sure, may pagkapilyo si Isaac. Siya kasi nagsabi sa akin na asarin ko sina Kianne and I happily oblige. Saka masaya makita ang nabi-bwiset na nahihiyang mukha ni Kianne.
"Alam niya...alam niya..." Turo ko kay Isaac. Napatingin naman silang lahat kay Isaac.
"You know what?" Takang tanong ni Charles sa amin. Siguro feeling nila ang weird-weird na namin ni Isaac. Napatingin sa akin si Isaac at sabay kaming napangisi.
"They're weird." Maikling sabi ni Jackson. Parang tinubuan kami ng buntot sa ilong.
"At alam ni ref, alam ni ref..." Nakakunot pa rin ang noo nilang lahat. Maging si Kianne at Dimitri. Clueless masyado.
Biglang sumingit si Isaac, "Then tell me what you feel!!! Because right now I don't know what you feel." Tumingin ako sa kanya. "You tell me." Sabay tumawa kami ni Isaac at nagungutya akong tumingin kay Kianne na nanlalaki na ang mga mata.
"May nag-kiss sa—" Bigla na lang tinakpan ni Kianne yung bibig ko. Muntik na akong hindi makahinga sa pagkabigla. Akala ko matutunaw ako dahil parang may laser beams na lumalabas sa mga mata ni Kianne, binibigyan niya ako ng silent threat pero imbes na matakot, lalo pa akong natawa.
"OO NA!!! NAG-KISS KAMI SA HARAP NG NAKABUKAS NA REF NI DIMITRI!!! LIPS TO LIPS!!!" Sigaw niya, muntik na akong mabingi sa lakas ng sigaw niya, feeling ko tuloy kahit yung nagkakape sa Starbucks na malapit ay narinig din siya.
Natigilan silang lahat at nalipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Dimitri na pulang-pula ang mukha abot hanggang sa tenga niya.
"Nabuyangyang na ang katotohanan, happy?!!!" Gigil na sigaw ni Kianne na binitawan na ang pagkakatakip sa bibig ko. Hindi ko mapigilang humagalpak sa tawa. Doon na sila pinutakte nina Jackson ng tanong.
Natatawa lang ako kahit na ang sama-sama ng tingin ni Kianne sa akin.
Napatingin ako kay Isaac na ang laki din ng ngiti. Papunta kami ngayon sa site ng shoot para sa MV ng More Than Words. Naisip kasi ni Mrs. Tuazon na it's about time na gawan ng MV ang More Than Words dahil sa nalaglag sa #1 spot ang kanta namin dahil na rin siguro sa katagalan na simula ng lumabas ito at dahil na rin sa sunud-sunod na summer album na lumalabas.
Sa akin naman ay wala lang iyon dahil sa nasa-Top 10 pa rin naman yung single namin pero ayon nga kay Mrs. Tuazon, being at the Top 10 is as good as being a loser. I guess she's right.
Isinakto niya pa na nagkaroon ng bagong show si Kate with another actor, experimental loveteam dahil sabi nga nila ay laos na ang Kateniel. Nagti-trend din kami dahil sa dami ng hate messages na dahil daw sa amin kaya nagkanda-labu-labo ang Kateniel, dahil daw sa maitim na budhi ni Isaac para sirain ang loveteam nila. Hindi ko na lang pinapansin kahit galit na galit ako. Sabi kasi ni Isaac, haters make you famous. And I know that it's not true. Malayong-malayo pa sa katotohanan dahil ang Isaac ko, is not a user.
Isaac 'ko', kinilig naman ako sa naisip ko.
Napatingin ako kay Isaac and he mouths, 'I love you', napangiti ako. And he's the sweetest. Whenever he has the chance, he says how much he loves me. At eto naman si ako, kilig na kilig.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.