TRACK NO. 36 ♪

21 1 0
                                    

Tumakbo ako papuntang Recording Studio, buti na lang at walang tao. Naupo ako sa sofa at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Ang init. Damang-dama ko yung galit. It makes me want to cry. But crying is for weak. Pumikit ako. Huminga ako ng malalim.

"Uhmm...don't mean to intrude pero nauna kasi ako rito," napalingon ako sa magsalita. Si Romeo. Aalis na sana ako nang pinigilan niya ako.

Wala na rin akong enerhiya para umalis, naubos dahil sa galit ko, it's too tiring to be mad. Nakakaubos ng lakas.

"Kamusta ka?" Napatingin ako sa kanya. He stopped me to ask me a question with an obvious answer? Hindi ako sumagot. Hindi ako okay. Walang nasaktan at nagalit na okay lang.

"Natatandaan mo pa ba yung nawala mo yung wallet mo? Tapos huling album na 'yon na may special coupon?" Tumingin ako sa kanya.

"Well, it kind of reminded me of you being Juliette's biggest fan," seryoso ko siyang tiningnan. I remember it. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Paano kung hindi nangyari ang lahat, paano kung nanatili akong fan? Ano kayang nangyayari ngayon?

"That moment, sinabi ko sa sarili ko, wala na. Wala na akong pag-asa," lumingon ako sa kanya. The truth is, I'm not oblivious to his feelings for me. Alam ko ever since nakita ko ang picture ko sa wallet niya. I'm not that dense.

"Well, it's all an act, there's nothing going on between the two of us," sabi ko.

"But for you?" Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya. Yup, masasaktan ba ako kung hindi ko siya mahal? Pero paano kung bago umusbong yung pagmamahal na 'yon ay kay Romeo ko naramdaman yung pagmamahal para sa lalaki at hindi sa isang idolo. Iba kaya ang nangyari ngayon?

"I know what I will say will not matter much but I've seen how he looks at you and all I can feel is that it's game over for me, so I never made a move on you. I don't know what you think, because as a man, I can see that his feelings for you is nothing but real."

I should leave and think this through but the stupid me took over, as if impulse, I walk towards Romeo and kiss him. Thinking a man who loves me could make me feel something like how a man who do not love me could make me feel.

And I didn't feel anything.

♪♪♪

Walang imik akong kumakain sa dining room. Nasa table si Kianne na simula kahapon ay hindi umiimik. Ayokong lingunin si Dimitri, ayokong makita ang disappointment niya sa akin.

"Anak...uhmm, are you okay?" Napatingin ako kay papa. "Of course," walang gana kong sabi. I made it this far, ayokong bitiwan. At least mas okay na ang tingin nila sa akin ay bitchesang walang puso kaysa kaawaan nila. I don't need anyone's pity.

"I heard everything and what you said about Dimitri's band is not good," dire-diretsong sabi niya sa akin, parang biglang nagpanting ang tenga ko.

"Well, let me tell you what's not good. You pretending that you're a good dad when in fact you left us to pursue your own dream. My mom could forgive you, but not me. Just because I let you do things for me doesn't mean I forgive you and all is well. No it's not. You've never been my father for twenty years ans you never will be, because to me, you're just someone that I am obligated to call my father. Nothing more. Nothing less," marahas akong tumayo at umalis sa dining room.

Habang tumatakbo pataas ay naramdaman ko na naman yung sakit two years ago. This feeling that I want everybody to be as hurt as I am for them to understantd me. I am so surprise about me that I can barely recognize myself.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Kianne. I expect her to shout at me but she didn't. Kinuha niya lang ang maleta niya at nag-umpisang mag-empake.

I'm tempted to ask her but I can't. Naramdaman mo na ba na minsan kapag galit ka sa isang tao, parang galit ka sa lahat ng tao? That's exactly what I feel. I feel like everyone suddenly is using me. My father. Kianne. Galit. Galit na galit ako.

Matapos niyang mag-empake ay lumingon siya sa akin. "In case you're wondering, aalis ako kasi hahanapin ko yung bestfriend ko, malay ko ba kung nasaan na siya, naliligaw na yata. Sumikat kasi, feeling almighty." Sigaw niya sa akin.

"Nasaktan ka lang akala mo kung sino ka na. First time mo? So dahil masakit, kailangan saktan mo na rin ang iba? Gano'n ba? So kapag may nanakit sa'yo it's only right to hurt other people? Teka, iha, kilala mo pa ba ang sarili mo? Teka, sino ka? Kilala ba kita? Kasi alam mo...parang hindi na," biglang tumulo ang luha ni Kianne that I was caught off guard. Pinilit kong huminga ng malalim pero lahat ng self-control ko ay nawala.

Parang ulan na hindi mo inaasahan, bigla na lang akong umiyak. Yung ilang araw kong iniyak parang hindi pa yata maubos-ubos dahil eto ako ngayon, iyak ng iyak.

Saka ko lang naramdaman ang mainit na yakap ni Kianne sa akin. At mas lalong hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Parang gumagaan ang pakiramdam ko dahil sinasabayan ako ni Kianne sa pag-iyak habang yakap-yakap niya ako.

Akala ko kasi kaya ko, pero hindi pala. Hindi ko kaya ang sakit. Hindi ko kayang mag-isa.

Matapos ng outburst ni Kianne ay hindi na siya nagsalita. Umiiyak lang siya habang yakap ako. At wala rin akong tigil sa pag-iyak. 

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon