"I'm still stuck in the moment with you..." Pagkagising ko palang sobrang good mood na, feeling ko nakainom ako ng isang litrong energy drink at feeling ko buhay ako for 24 hours.
"Tanga! Lookie-lookie!" Agad naman akong lumapit kay Kianne, napatingin ako sa cellphone niya, nakita ko na may article tungkol sa amin ni Isaac. Napangiti ako, dahil sa sobrang oblivious ko sa ibang bagay dahil kay Isaac, hindi ko na namalayan na may ibang tao na pala do'n. Napangiti ako. Ang ganda kasi nung pagkakakuha nung isang picture namin ni Isaac, para kaming nagshu-shoot ng MV.
"Grabe Tanga! Ibang level na nararating ng fame mo, aware ka ba na meron ka ng fans club?" Nagtataka ko namang tiningnan si Kianne. "Oo 'te, love na love ka nilang lahat! At padami na sila ng padami, lalo pa't nalaman nila na magiging regular ka na sa The Variety Show, kayong dalawa ni Isaac." Napangiti ako. Kami. Kaming dalawa ni Isaac.
Pakiramdam ko nakakabit na ang pangalan ko kay Isaac.
"Uy, tanga. Okay ka lang?" Napalingon ako kay Kianne at tumango-tango.
"Anyway, ngayon pala kayo magri-record ng kanta niyo ni Isaac, sasama ako as always," bigla namang tumayo si Kianne at lumabas ng kwarto namin.
March na. Malapit na kaming mag-Finals, buti na lang at medyo nakakapag-aral pa ako. Napalingon naman ako sa drawer kung saan ko nilagay yung binigay ni Tita Glends sa akin, yung dream house ni mama, ilang beses na rin ako na-tempt na tingnan yun, alam niyo na para magawan ko na ng modifications if ever, pero ayoko, kailangan kapag Architect na ako.
Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya naman lumabas ako papuntang kitchen.
Pagpasok ko ay napansin ko si Dimitri at Kianne na magkalapit, nung napansin nilang pumasok ako ay bigla naman silang naglayo sa isa't isa.
Pangisi akong lumapit sa ref para kumuha ng tubig. Pangisi kong tiningnan si Kianne na hindi naman ako tinitingnan. Napangiti ako. Something fishy. Something fishy.
Napapansin ko rin kasi hindi na gaya ng dati na para silang aso't pusa kapag nagkikita. Parang...may spark na.
"Teka anong amoy 'yon?" Nakita kong suminghot-singhot din sila. "Anong amoy? May nasusunog ba?" Pareho silang naghahanap.
"Amoy fishy. Something is going on." Imagine using Toni's voice. Biglang namula ang pisngi nilang dalawa. Nakangisi ko silang tiningnan. Habang papalabas ng kitchen. Nakita ko pang may hawak na baso si Kianne.
♪♪♪
Ang kulit naman dis gurl, wala nga!!! Nakangisi ko lang na tiningnan si Kianne na pakiramdam ko ay onti na lang, tutubuan na ng sungay sa inis sa akin.
Wala naman akong sinasabi simula kanina ah.
Pero yung tingin mo kasi mapanghamak!! sigaw niya. "Chill, hindi na. Eto naman."
"Teka! Naaamoy mo ba 'yon?" Nagtataka na naman akong tiningnan ni Kianne. "Alin?"
"Something ano...something fishy?" Nakangisi kong tiningnan si Kianne. "FRANZE!!!" Natawa ako. Nauto na naman kasi si Kianne.
"Nandito na us!" pakanta kong sabi sa kanya, padabog niyang binuksan yung pinto sa side niya.
Dumiretso kami sa Recording Studio sa The Agency.
Doon ay nakita kong kinakausap na ni Mrs. Tuazon si Isaac at nandoon na rin yung buong Juliette, napansin ko pang nagkatinginan sina Kianne at Dimitri, napangisi ako nung lumingon sa akin si Kianne, isang matinding irap lang ang binigay niya sa akin.
"Hi, Franze," bati ni Mrs. Tuazon sa akin, bahagya akong yumuko at ngumiti ako sa kanya.
"We will record after lunch so better practice the song with Isaac and the band."
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.