TRACK NO. 13 ♪

48 4 0
                                    

"Wala pa?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Gretch. Yung VP ng council. Kahit ako nagpapanic na. Kanina pa namin hinihintay ang Juliette pero hindi pa rin sila dumarating. Nag-umpisa na kasi yung program.

Pinaalala ko pa sa manager nila at tumango lang ito sa akin.

Kinakabahan ako, hindi kasi namin ini-expect na magkakaroon pala ng media ngayon. Simula kasi nung issue ni Isaac nung nakaraang linggo, nanatiling tikom ang bibig ng The Agency. Ngayon lang ulit magpapakita ang Juliette at si Isaac, ang daming reporters na nakaupo at halos lahat ay nag-aabang na sa Juliette.

Kinakabahan rin ako na baka kapag nalaman nilang maraming media ay hindi na sila tumuloy. Kinakabahan ako. Ayoko kasing kung hindi sila darating ay mas maraming magalit sa kanila at mas maraming mang-bash sa kanila, ayoko 'yon baka mang-eskandalo pa ako kung nagkataon, ayoko namang ngayong college at huling college week ko pa ako gagawa ng kabulastugan.

Simula elementary pa naman hanggang high school consistent na meron akong good moral character, ngayong college pa mawawalan?

"Wala pa," ako kasi yung nag-aabang sa kanila e. Kahit si Kianne, hindi na magkanda-ugaga kahit hindi niya college dahil napi-pressure siya sa akin.

"Hinay lang Tanga, pati ako napi-pressure sa'yo," nagmamadali siyang sumunod sa akin. Inaabangan ko rin yung pagdating ng Juliette sa labas kaso no show. Hindi ko naman alam number ng manager nila para itanong, atsaka nakakahiya ring magtanong lalo pa't for free nila gagawin ito, graduate kasi rito ang both parents ni Isaac.

"Sorry Tanga, kinakabahan kasi ako e," kahit nga sarili ko hindi ko na naasikaso. Hindi kasi namin na-follow-up after nung confirmation ng Juliette na magpi-perform sila sa college week namin.

Ang dami ring estudyante, at kahit exclusive para sa college lang namin ay hindi napigilan yung taga-ibang college kaya mas nilakihan na lang namin yung fee, all proceeds naman ay mapupunta para sa mga bata this Christmas.

"Oh my Ghad! Ayun na ba 'yon?!" Sigaw ni Kianne kaya agad akong napatalon at napatingin sa tinuturo niya. Puting van papunta sa direksyon namin.

"Oh my gulay! Sila na" Napatigil ako. Bigla kasing lumiko yung van. Oh my gulay! Napatingin ako sa relo ko. Malapit-lapit na na sila yung mag-perform.

Napatakbo na ako papasok sa venue ng program which is yung school gymnasium lang din naman. Ang daming nakaparadang sasakyan sa labas, sasakyan ng mga reporters. Kahit sila Ate Linds pumunta rin, kahit na ang higpit nung mga gwardya. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok.

"Franze!!! Sila na next!!!" Pami-mressure ni Gretch sa akin. Oh my gulay! Bakit ako ang napi-pressure? Hindi naman ako officer. Oh my gulay!

"Wala pa rin Gretch," kulang nalang umiyak na ako. Amoy uligma na siguro ako.

Kung ano ang uligma, hindi ko rin alam, ang ganda kasing pakinggan para sa mga hindi magagandang bagay.

"Nasaan na sila? Ini-introduce na sila," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Grant.

"Grant, wala pa sila. Hindi ba na-inform yung MC?" Tanong ko. Umiling naman ito at ang weird lang dahil kahit na nakaka-pressure na ang moment ay nakangiti pa rin ito. Punyeta! Mas lalong nakakakaba.

"Tubig oh. Wag kang masyadong magpagod," napatingin ako kay Romeo na posturang-postura, naka-slick back pa. "Salamat," wala sa sarili kinuha ko pa pati yung panyong hawak niya para punasan yung pawis ko.

"Ay, ang sweet oh. Kung hindi lang ako pressured baka kinilig na ako," sinamaan ko naman ng tingin si Kianne, ngayon pa talaga niya naisip na mang-issue ah.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon