"Move on ka na Tanga, nagi-imagine ka lang," hindi na ako sumagot kay Kianne. Nanlulumo na ako, puyat, gutom at umasa lang naman ako.
Actually, naniniwala na ako na hindi talaga totoo yung nangyari kagabi, alam mo na Architecture student, creative masyado. Napaka-creative ko lang to the point na on point lahat ng detalye.
Na-prove ko pa lalo na hindi totoo ang lahat dahil pinaalala sa akin ni Kianne na sikat masyado ang Juliette para hindi mabalitang may nakasuntukan or anything si Isaac. Atsaka, may bad colds siya. Atsaka celebrity siya, may road manager na kasama lagi 'yon, yung kagabi, wala. Sila-sila lang, ano 'yon trip nila?
Kaya isang malaking CONFIRM, nagi-imagine lang ako.
"O Tanga, paalam na. Mami-miss kita ng sobra! Sumulat ka ah," muntik ko na siyang itulak sa hagdan sa kadramahan niya, buti na lang walang hagdan sa paligid.. Magkaibang building kami, hindi kami same ng college. Marketing student si Kianne at ako naman ay Architecture student. Pero wala talaga siyang klase ngayon, magpapasa lang siya ng take home exam niya sa isa sa mga professors niya.
"Oo na. Pakabait ka Tanga ah. Kita-kits beh," pagpapaalam ko sa kanya at nagmamadaling tumakbo papunta sa room namin bago pa mag-bell.
Nagkukumahog ako habang bitbit ko yung mga plates na tinapos ko last week pa para hindi ako matambakan ng gagawin, sure akong papaulanan na naman kami ng requirements dahil malapit-lapit ng matapos ang first sem.
"Franze!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Romeo, papalapit sa akin. Naalala ko tuloy bigla yung utang namin, wala pa akong pambayad, baka naniningil na.
"Uy, Romeo. Sorry talaga ah. Wala pa kasi akong pambayad e," inunahan ko na. Hindi naman kasi ako sanay na may utang.
"Hindi okay lang. Sabi ni papa, lagi naman daw kayo doon bumibili kaya libre na raw iyon sa inyo," hindi ko masyadong na-gets yung sinabi niya kasi ang ingay sa hallway pero syempre ang matanglawin kong tenga nakuha yung "libre" na word.
Kuminang ang mga mata ko dahil doon.
"Seriously?" Ngiting-ngiti kong tanong sa kanya. Ayokong may utang pero kapag libre, ibang usapan na 'yon. Ibang ligaya ang hatid no'n sa akin. Same feeling kapag gutom ka at may free taste sa Supermarket.
Nahihiya siyang tumango sa akin. Nagiging cute na rin tuloy siya sa paningin ko.
"Oo nga pala," napansin kong may kinuha siya sa bag niya at agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Oh my gulay! Yung wallet ko!" Bastos man pero agad kong hinablot ang wallet ko para i-check kung nandoon pa yung pick ni Isaac. At para akong nabunutan ng tinik dahil sa nakita ko itong kumakaway sa akin.
Agad akong napatingin kay Romeo. "Oh Romeo! Oh Romeo! Hulog ka ng langit! Kahabagan ka nawa!!!" Hindi ko talaga napigilang mapayakap kay Romeo. Ikaw ba naman, maka-meet ka ng taong may hatid na good news at super good news, ewan ko na lang. Nako! Baka sa tuwing makikita ko siya, umasa na ako na may bitbit siyang good news.
"Salamat talaga!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Labas ngipin pa.
"Hindi ba ikaw yung laging tumutulong sa College Council ng buong College of Engineering and Architecture?" Tanong niya sa akin, tumango lang ako ng medyo OA, sumakit tuloy bigla ang leeg ko.
"Ayun, kaibigan ko kasi si Grant, tapos dahil masipag ka naman daw sa college, inimbitahan nila ang Juliette sa College Week natin," napatigil ako. Bakit nararamdaman ko na may bitbit siyang ultimate good news?
"And they agreed to do it." Nanlambot ang tuhod ko. Punyeta! Para akong nag-Zumba ng tatlong oras ng walang tigil, sobrang bilis ng kabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Novela JuvenilOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.