"Can you feel this magic in the air, it must've been the way you kissed me? Fell in love when I saw you standing there, today was a fairytale!!!" sabay pa kami ni Kianne kumanta.
Medyo nagha-happy-happy kasi since bukas pa naman yung team building naming and since hindi naman kami umiinom, nakikigulo na lang kami sa kanila. Ang siste tuloy, parang kami pa yung lasing. Kontrolado naman yung inuman nila since maaga ang call time bukas.
"Wait lang Tanga. Maglalakad-lakad lang ako." Tumango lang si Kianne nung nagpaalam ako. Videoke queen kasi, kapag may videoke hindi mo na siya mapapatigil sa pagkanta kaya ang ending, ako na lang mag-isang maglalakad-lakad sa dalampasigan.
Medyo malamig at kakaunti lang yung tao since private resort ito, karamihan ay nasa kanya-kanyang pavillon, although hindi private yung dagat na part ng buong beach resort.
Niyakap ko ang sarili ko, kahit may suot akong varsity jacket (jejedays) ay nilalamig pa rin ako. Nagpalit na rin kasi ako ng shorts. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan, presko yung hangin at nakaka-relax naman talaga.
"No! I will not go solo. I started with a band, I will go through everything with my band!" Napalingon ako sa sumigaw. Lumapit ako ng bahagya dahil na rin sa tsismosa instincts ko.
"Listen here, Isaac. You will accept the offer one way or another, baka gumising ka one day, wala ng may gusto sa banda niyo, you and your band will be no one." Nairita ako agad sa narinig ko, teka, si Isaac ba 'yon?
"Well, it's better that way!" Sigaw ni Isaac at marahas siyang tumalikod doon sa babaeng kausap niya.
Patuloy sa mabilis na paglalakad papuntang dalampasigan si Isaac, hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala siya. Anong ginagawa niya rito? At sino yung kausap niya?
Dumampot siya ng bato at marahas niyang ibinato sa dagat iyon. For a while, naawa ako sa bato.
Hindi ko alam kung anong kapal ng mukha ang sumapi sa akin at lakas-loob akong lumapit kay Isaacc.
"Kung may pakiramdam lang ang dagat, baka nagreklamo na 'yan sa lakas ng pagkakabato mo." Napalingon naman siya sa akin. Napangiti ako. Shet! Ang gwapo pa rin kahit na nakakunot ang noo niya at halos magsalubong na ang mga kilay niya.
Medyo matagal-tagal siyang tumitig sa pretty face ko, parang may iniisip bago siya napabuntong-hininga. "Hello, Franze." Pinilit kong hindi ipakita ang kilig ko sa kanya. Feeling ko sasabog na ang puso ko, pangalan ko pa lang ang nababanggit niya pero para ng kampana ang puso ko na walang tigil sa pagkalembang.
"Hi, Isaac." Nakangiti kong bati sa kanya. Sinagot naman niya ng ngiti ang bati ko sa kanya.
"I don't mean to intrude but I accidentally heard some parts of it." Naks! English, nagamit ko na yata yung baon kong English para sa sentence na 'yon ah. Accidentally nga ba? Kahit lumapit talaga ako?
Tumingin siya sa akin at muli ay parang nag-iisip. Maya-maya pa'y bumalik ang tingin niya sa dalampasigan at bumuntung-hininga ulit. "Well, that's Mrs. Tuazon, CEO ng The Agency, she want's me to go solo." Napalingon ako sa kanya. Edi, maganda, I thought. That means mas maraming airtime para kay Isaac kapag may TV guesting siya, pero syempre hindi ko sinabi yon, ayoko naman na magalit siya sa akin. Baka hindi ko kayanin, no charets!
"Bakit daw?"
"She thinks that it's an impractical time for a band, lalo pa't wala ng masyadong tumatangkilik sa mga banda ngayon." Huh? Feeling ko nga sikat na sikat ang mga banda ngayon e.
"Pero iba kayo, mas dumami nga ang bilang ng fans niyo e." I defended. Pakiramdam ko kasi, nasaktan ang ego ko bilang isang fan. Parang kanina lang, ang bilis magbago ng isip ko. Si Isaac kasi e.
"Yep, but not with the numbers that they wanted, we only sold half of the copies we sold during our debut, kahit sa mga events and even for the concert, they think it's too risky, they think na kung ako lang, I might be able to pull it off," napatingin ako kay Isaac. Gusto ko sanang magbiro pero hindi ko magawa. Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya.
"They want me to sing pop songs, I don't have a problem with it as long as there's my band, I'm going to do it. I've been doing a lot of things to improve our industry stand, but it's hard." Napabuntong-hininga siya.
I never understood the depth of his love for his band. Akala ko dati malapit na siyang mag-solo dahil sa dami ng guestings at cameos niya sa mga movies.
Na-realize ko tuloy bigla na tuwing may interview siya at kapag tinatanong siya tungkol sa plano niya in the future, laging ang sagot niya ay may 'kami' at 'our band'. Laging sila, dahil para sa kanya kung walang 'kami' walang 'ako'.
Nahiya ako bigla. Nahiya ako na naisip kong mas okay na hindi kasama ang ibang members ng Juliette dahil lang sa gusto ko ng mas matagal na airtime para kay Isaac.
"We've had our fair share of hardships, failed contests, we took a lot of detours, hindi naging madali yung pinagdaananan namin hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan namin, and I can't just think about disbanding the band, because it feels like I was disbanding with my family."
Nahiya ako dahil akala ko kilala ko na siya. Hindi pa pala. Nahiya ako dahil ngayon ko lang naintindihan kung gaano niya kamahal ang banda niya. I guess, there are a lot of things you may not know with a band or idol you think you know everything about.
Sa isang iglap, ayoko na na mag-disband sila. Ayokong makitang malungkot si Isaac.
He's very responsible, loving, caring, sensitive—shet, husband material talaga tong si Isaac, lalo tuloy akong na-inlove.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.