"AHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko sa harap ng nakabukas na ref. It's quite relieving. Totoo nga na medyo nakakatulong. "Tama 'yan, another one," sabi ni Kianne habang hinihimas ang likuran ko. Pampakalma raw. So I oblige, "AHHHHHHHHHH!!!"
Pagkatapos kong sumigaw ay para akong napaos at napagod. Nakaka-stress at refreshing sumigaw sa harap ng ref. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa hiya, but I have to face it. The problem is between me and Isaac. Wala akong karapatang mandawit ng ibang tao.
Humarap ako kala Jackson. Nakangiti naman silang nakaupo sa stools malapit sa kitchen counter. Huminga ako ng malalim.
"I'm...sorry," my voice broke. Naiiyak na naman ako. Hiyang-hiya ako. Um-attitude pa kasi ako sa harap nila. Nakakahiya man, mas dama ko naman ang paggaan ng pakiramdam ko. It feels weird. Parang unti-unting nawawala yung nga bagahe ko sa dibdib.
Nakangiti lang sila habang nakatingin sa akin. "I didn't mean everything that I said, I'm sorry. I already talked to Mrs. Tuazon, I told her that I thought about the concert and I told her I can't handle it yet so I said they should let you guys have your concert, because you deserve it, for your fans...for us, fans," nakangiti kong sabi.
"Yown, akala ko nung isang araw hindi ka na namin fan. Fan mo pa naman kami. Nakaka-hurt ng feelings," natawa ako sa sinabi ni Charles.
"Saan mo ba hinuhugot ang English mo ngayon Tanga, napapadalas ka ah," lalo kaming natawa dahil sa sinabi ni Kianne.
♪♪♪
"I'm sorry," napatingin naman sa akin si Romeo. Hiyang-hiya ako sa inasal ko sa kanya. Ayaw ko pa namang ginagamit ako, at ginamit ko siya para sa sarili ko. Kung nandito lang si mama, baka nagalit na sa akin 'yon.
"Wala 'yon. Atleast, naranasan kong mahalikan ang isang Franze Galvez, 'di ba?" Pabiro niyang sabi. Napangiti ako.
"Aba dapat lang, mahal na ng TF ko," natatawang sabi niya. "Do you want to know something?" Napalingon ako sa kanya.
"Ako dapat ang nasa pwesto ni Isaac ngayon," nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Well you see, hindi lang ikaw ang nakatanggap ng offer from The Agency," nagulat ako sa sinabi niya. Jusko! Wala man lang akong kamalay-malay.
"Really?" Tumango-tango si Romeo. "But I didn't accept it, showbiz is not for me, so please don't make me regret my decision," sabi niya sa akin bago tumayo mula sa pagkakaupo.
"What about him?" Tumayo rin ako. "Him?" In denial kong tanong sa kanya even though I am perfectly aware kung sino ang tinutukoy niya.
"I want to forgive him, trust me, but how canI forgive someone who did not even ask for it?" Tuwing naiisip ko si Isaac, nakakaramdam ako ng galit.
"Why do people say sorry?" Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"It's to make them feel better," sagot niya sa tanong niya. "But that's selfish," napangiti siya sa sinabi ko.
"Then why did you say sorry to me?" Napatigil ako. Napangiti ako sa kanya. Nahuli niya ako doon.
"Why did I forgive you?" Napangiti ako. "To make you feel better," tumango-tango siya sa sinabi ko.
"Exactly. Feeling better is an after-effect on both sides, that's why people forgive even if the other person is not apologizing, to make them feel better," nakangiti niyang sabi bago ako mahinang tinapik sa balikat at umalis.
Napaisip ako sa sinabi ni Romeo. I want to forgive Isaac. But then I can't.
Pumasok si Kianne sa loob ng Recording Studio at umupo sa tabi ko. For a moment, walang nagsasalita sa aming dalawa kaya naman napatingin na ako sa kanya at bigla na lang siyang tumawa. Napatawa rin tuloy ako bigla.
"Hindi ko maalala kung sa past two years ng pagkakaibigan natin kung meron bang pagkakataon na umupo lang tayong dalawa and said nothing." Napaisip din ako. Kung hindi ko isasama ang cold week ko ay wala na akong maisip na iba. Kami na yata yung nag-aaway na nagbabati at the moment. Kami yata yung lahat na ng kwento ng buhay namin alam ng isa't isa.
"Wala," sabay naming sabi. Natawa na naman kaming dalawa.
"Tanga, napatawad ba ng mama mo ang papa mo?" Nagtataka ko siyang tiningnan although tumango ako bilang sagot.
"Bakit sa palagay mo?" Tumingin ako sa harap. May recording equipment at may glass panel kung saan papasok yung singer to record the song. "Kasi sabi ni mama, ang pagpapatawad ay isa sa mga dahilan kung bakit siya naging masaya," naalala ko bigla yung sulat ni mama sa akin dati.
"Basic, 'di ba? Alam mo feeling ko kaya hirap kang magpatawad kasi may daddy issues ka. Hindi ko sinasabing patawarin mo ang papa mo. Hindi naman p'wedeng tanggap ka lang ng tanggap, dapat marunong ka ring magbigay ng patawad na hinihingi mo." Napalingon ako kay Kianne. Bakit ba natataon ang mga words of wisdom ng babaeng 'to at the right moment?
Ngayon ko lang naibuhos ang mga luha ko sa harap ng isang estranghero. Matapos ng pag-iyak namin sa hindi ko malaman na dahilan ay agad akong umupo sa sidewalk. Umupo rin siya sa tabi ko.
"Sulat 'yan ng mama mo sa'yo?" Tumango lang ako sa kanya.
Dahan-dahan kong binuksan ang sulat ni mama sa akin. Naisip ko pa kung kelan niya isinulat iyon.
Para sa mahal kong anak na si Franze,
Isa sa pinakamasakit sa lahat ay hindi ang unti-unting pagpatay ng kanser sa akin kundi ang makita ang nag-iisa kong anak na nahihirapan.
Nagising na lang ako isang araw at alam kong malapit na akong pumanaw. Hindi ko mapigil ang pagbalom ng aking luha tuwing iniisip ko na mag-iisa na ang aking anak. Kaya kahit masakit sa bawat turok. Kahit masakit sa bawat operasyon ay hindi ko ipinapakita sa'yo pero mukhang hindi yata epektibo dahil isang beses ay naabutan kitang umiiyak sa palikuran. At iyon na marahil ang pinakamasakit na bagay na aking nakita sa buong buhay ko. Masakit sa akin bilang ina na isipin na baka kinabukasan ay maabutan mo akong hindi na humihinga. Iyon...iyon ang kinakatakutan ko. Kaya patawad anak, patawad sa bawat luhang ako ang sanhi. Patawad anak. Pero hinihiling ko na sa bawat luhang iyan ay katapat ng pagtibay ng iyong puso, dahil lagi lamang akong nandirito, sa piling mo kahit wala na ako.
Tanda ko pa rin ang araw na iniluwal kita sa mundong ito, iyon na marahil ang pinakamasayang araw ng aking buhay. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Kamukhang-kamukha mo ang ama mo. Sana nakita ka niya, tiyak na magagalak siya. Patawad anak, alam kong gusto mong makilala ang iyong ama, sana ay magkatagpo ang inyong landas. Isa sa aking mga hiling na magkakilala kayo. Kung sakali man, sabihin mo sa kanya na hindi ako kailanman nagtanim ng poot sa puso ko dahil ang pagpapatawad ay isa sa mga dahilan kung bakit ako naging masaya kasama ang aking anak.
Sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay dahil iyon din ang pangarap ko sa buhay. Hindi ko man masasaksihan ang mga magagandang bagay sa buhay mo sa mga susunod na taon, lagi akong masaya at nagpapasalamat sa Panginoon na ikaw ay aking anak.
Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita anak at proud na proud ako sa'yo. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit kinaya ko ang nagdaang mga taon. Ikaw ang lakas ko, dahil ikaw ang pinakamamahal kong anak.
Nagmamahal,
Ang iyong mama
Napabuntung-hininga ako. Marahan akong napapikit at naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
"Tanga, don't let your pain define you, let your pain be a part of you that you'll forget it's pain, and with that memory, you'll become stronger than you used to be," mahinahon niyang sabi sa akin.
"At Tanga..." lumingon ako kay Kianne na tipid na ngumiti sa akin. Pinunasan niya ang luha ko. "...bakit ka ba galit kay Isaac? Alam mo ba ang dahilan? Kasi sa nakikita ko, kahit ikaw, hindi mo alam kung bakit." Doon na tumayo si Kianne at iniwan akong mag-isa sa Recording Studio. Doon napaisip ako. Bakit nga ba ako galit?
Hindi ko rin alam.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.