TRACK NO. 09 ♪

62 4 0
                                    

Naiinis ka na ba? Kasi tuwing nakikita ko silasiya parang laging first time. Sorry. Hindi ko mapigilan. Everytime na nakikita ko siya, parang first time.

Yung katawan ko, ang bilis mag-react sa kanya. Ang bilis. Yung puso ko, maramdaman lang ang presensya niya, magwawala na agad. Yung tuhod ko, makita lang siya, nagiging jelly ace na. Ewan ko ba. May iba siyang epekto sa akin.

Gaya ngayon, na malapit na siya sa akin.

Pakiramdam ko, abot-kamay ko siya.

"Okay lang 'yan Franze, normal na 'yan, kaya mo 'yan," napalingon ako kay Leo. Hindi ko maintindihan yung sinabi niya.

"Huh?"

"Dumaan tayong mga fangirl sa ganyan, naiintindihan kita," narinig kong tumawa sila. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na rin si Isaac. Shet! Yung puso ko, yung pintig hindi ko mawari, jusko! Yung ilong ko singhot na singhot ang aroma ni Isaac—shet Franze! Aroma talaga? Feeling mo shampoo si Isaac?

Narinig ko naman yung pagtawa ni Isaac. Yung malalim at sexy niyang pagtawa na sa imagination ko lang naririnig.

"Okay lang 'yan," nakarinig ako ng nakabibinging tilian nung bigla akong may naramdaman na braso sa balikat ko. Punyeta! Punyeta! Punyeta!

Sobrang nahihiya ako kaya hindi ako makalingon pero shet, sa imagination ko lang 'to nararanasan. Teka! Totoo ba talaga 'to? Totoo ba talagang nakaakbay si Isaac sa akin?

"Wow! Mukhang panalo ka na kaagad Franze, uwian na mga bes may nanalo na," hindi ako makapag-react kay Leo. Hindi ako makagalaw. Para akong high school  na napili para mag-report pero may stage fright.

Narinig ko ulit ang tawa ni Isaac, hindi ko na napigilang mapalingon sa kanya. At aba't punyeta! Kinilabutan ako sa naramdaman ko. Shet! Yung pagnginig ko hindi na normal.

P'wede na ba akong matunaw? Para akong ice cream na binilad sa araw. Yung ngiti niya palang p'wede na akong mamatay, pero 'wag naman. Maraming beses ko pang gustong i-relive ang memory na 'to.

Punyeta! Yung isip ko wala ng ibang maisip kundi 'shit, shit, shit' pero yung puso ko wala namang tigil sa pagsasabi ng 'Isaac, Isaac'. Pero yung ngiti niya kasi, yung ngiti niya e, 'yan yung ngiti niyang nakaka-inlove.

Am I even making sense? Parang wala ng sense ang mga naiisip ko. Punyeta lang!

"Pasensya na at puputulin muna natin ang ligaya ni Franze," napatingin ako kay Leo na pabiro akong inirapan.

"Tama 'yon," tumatawang sabi ni Ate Linds, doon ko lang napansin na nandito na pala siya.

Napalingon ako kay Isaac, at unti-unti ay nawala na yung brasong nakaakbay sa akin. Nakangiti pa rin siya. Shete lang! Parang aparisyon siya. Shet!

Para akong lutang habang naglalakad papunta sa pwesto ko. Ilang beses pa akong nababangga dahil tuliro ako, hindi ko maalis yung tingin ko kay Isaac.

"So...sino ba ang ating winner?" Tanong ni Leo kay Ate Linds.

"Hindi ko sure, wala pa ako kanina pero sabi sa akin ni Sarah, napagdesisyunan na ng officers kung sino ang nanalo," tumingin siya kay Ate Sarah.

"Hindi na natin papatagalin pa, ang nanalo ay si Dana!" Tuwang-tuwang tumayo si Dana, yung babaeng volunteer sa orphanage.

Tumayo siya sa tabi ng Juliette na nakangiti sa kanya.

"So sino ba ang crush mo sa kanilang lahat?" Tanong ni Leo sa kanya. Itinapat nito ang wireless mic at nahihiyang sinabi ni Dana kung sino ang crush niya.

"Si...si J-jackson," paimpit siyang tumili. Napatawa ako. Obvious na obvious ang kilig niya and I swear, kung ako ang tinanong ng ganyan. Baka maglupasay ako sa sahig.

"Jackson, so Jackson okay lang ba na makahingi kami ng kiss galing sa'yo bilang isa sa mga prizes na makukuha ni Dana?" Nanlaki ang mga mata ko! Punyeta! Kung ako ang nanalo, dapat...dapat...napatingin ako kay Isaac.

Nakangiti siyang nakaharap kala Jackson. Oh my gulay! Napalingon naman siya sa gawi ko, bigla naman akong nahiya kaya iniwas ko tingin ko. Shems! Nakakakilig siya tumitig.

"Sure, no problem," simpatikong sabi nito. Maraming nagtilian na Romeos. Kasama na ako do'n. At halos himatayin sa kilig si Dana nung halikan siya ni Jackson sa pisngi with matching yakap pa.

Oh my gulay! Nakakakilig! Isang certified fangirl dream na naman ang natupad. Iniisip ko, kelan kaya ako mahahalikan niyung pick, nasaan na yung pick? Agad akong kumapa-kapa sa gamit ko. Punyeta! Bakit nakalimutan ko? Hindi ko matandaan kung saan ko nilapag. Ang alam ko lang, inalis ko sa wallet ko 'yon sa kabang baka mawala na naman ang wallet ko.

Matapos ibigay kay Dana ang iba pa niyang prizes ay mas lalo akong nanghinayang kaya ayoko ng i-detail pa kung anong natanggap niya. Nakaka-bitter kasi.

Surprise pala ni Ate Linds ang pagdating ng Juliette sa Grand Romeo Day, buti na lang at sa bandang unahan ako nakaupo. Nakahiram rin ako ng digicam sa isa sa mga ka-dorm ko. Aba! Pampalit DP rin 'to. Gusto kong ibuyangyang sa mundo ang encounter ko with Juliette, pero ang pangit pakinggan ng word na 'buyangyang'.

Anyway, hindi ko masyadong ma-gets yung mga sunod na mangyari dahil nakapako lang ang buong atensyon ko sa Juliette. Basta isa-isa silang nagsalita. Hindi ko nga rin naintindihan yung sinabi ni Isaac. Masyado akong naka-focus sa pagbuka at pagsara ng bibig niya. Kung paano magtaas-baba ang Adam's apple niya. Kung paanong bumagay sa kanya ang simpleng plain gray shirt at nakatiklop ang sleeves. Grabe! Siya na talaga, siya na ang pinaka-hot na nilalang sa Earth.

Namalayan ko na lang na nagpapaalam na sila. Nagpapaalam na sila at wala akong nakuhang litrato. At kung meron man, puro sahig at puro parang alien dahil sa pagiging blurred. Nginig kamay si acoe.

Punyeta! High na high ako sa itsura, presensya, boses at postura ni Isaac to the point na hindi na ako aware sa mga nangyayari sa paligid. Punyeta lang! At hanggang pag-uwi ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga nangyari kanina. Napahawak ako sa balikat ko.

Punyeta! Dama ko pa! Dama ko pa ang braso ni Isaac sa balikat ko! Shet! Amoy ko pa. Amoy ko pa ang kanyang aroma. Double shet!

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon