TRACK NO. 23 ♪

58 3 0
                                    

"Grabe friend, hindi ko alam kung totoo pa ba tong mga nangyayaring to, nai-stress na si acoe," napatingin ako kay Kianne. Napatingin ako sa salamin. Daming fingerprint. Dahil sa mga ganap ay marami ng fingerprint ang pinapalagpas ko. Anyway, ayos na ayos na ako, ready na para sa guesting ko mamaya.

Yep, you heard (read) it right, guesting. Yung tumatawag pala sa akin sa victory party ng Juliette ay yung coordinator ng The Noon Time Show, ini-invite ako para mag-guest sa show dahil na-pick up nila yung video ko from the internet.

Kinakabahan ako, iniisip ko kung paano kung pumiyok ako? Paano kung matapilok ako? Paano kung hindi ako magustuhan nung live audience?

"Pampalakas ng loob friend." Inabot niya sa akin yung cellphone niya, nag-download kasi siya nung isa pang video na nag-viral sa akin, yung Someday, may nagbi-video pala do'n at from the view, mukha ngang damang-dama ko yung kanta dahil sa pagpikit-pikit ko.

Nakuhanan lahat, yung pagtawag kay Isaac, yung pagtitigan naming, at ang epic fail kong pagkakakilig—I mean, pagkakapahiya dahil sa napatid ako.

Yung kilig ko everytime na naaalala ko yung nangyari, pakiramdam ko magko-kombulsyon na ako. Hindi nga ako tumama sa matigas na sahig kundi sa matigas na maskels ni Isaac bhave. Omgs! Kilig mats!!!

"Grabe, baka hindi na kita ma-reach niyan. Celebrity ka na." Napatingin ako kay Kianne, imbis na matuwa, mas na-pressure pa ako.

"Tanga, kinakabahan ako," hinawakan ko ang kamay ni Kianne. Nanginginig pa kamay ko sa kaba, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung magagawa ko ba ng maayos yung gagawin ko.

"Nako friend, kinakabahan ako para sa'yo." Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to.

"Nakausap ko na ang director, everything is already set," lumingon ako kay Mrs. Tuazon, tama siya, dapat kong i-take ang opportunity, it might not be my dream pero ilan ba ang sumisikat sa social media ng ganito? Maybe, maybe there's a reason why I am given this chance.

"Sige po." She's now my temporary manager.

"Ms. Franze, you're next, patapos na yung commercial gap." Biglang sumabog yung kaba ko dahil sa sinabi nung staff sa akin.

"Good luck Tanga, grabe, ngayon pa lang proud na proud na ako sa'yo!" sabi niya bago ako hampasin sa likod. Tumayo na ako at sumunod sa staff.

Inalala ko pa yung lyrics nung How to Save a Life bago ako tuluyang makarating sa backstage. O gosh! Sana wala akong makalimutang linya.

"Magandang tanghali mga Noon Peeps! Ang taas ng energy!" narinig kong sabi ng isa sa mga host, hindi ko alam kung sino, sa sobrang kaba ko hindi ko ma-recognize yung boses.

"Well, makakasama natin today ang Internet sensation na hinahangaan hindi lang sa ganda kundi sa talent pa."

"Oo naman yes, at hindi na natin papatagalin pa, today's hottest Internet sensation dubbed as The Girl, please welcome, Franze Galvez!!!" Kinabahan na ako lalo nung nahati na yung parang sliding na pinto sa harap ko.

Agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na ilaw, naglakad na ako papunta doon sa mark kung saan ako pi-pwesto.

Narinig kong nag-umpisa ng tumugtog ang banda, inilibot ko ang paningin ko, ang daming tao, o goodness, sana naman hindi ako madapa ng dahil sa kahit anong cord o mautot, ayokong ipahiya ang sarili ko ngayon.

I only get this one big shot at ayokong i-spoil dahil lang sa pagiging clumsy ko.

Step one, you say, "We need to talk."

He walks, you say, "Sit down. It's just a talk."

He smiles politely back at you

You stare politely right on through

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon