TRACK NO. 31 ♪

30 1 0
                                    

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, is there something more satisfying than feeling in love with the man who feels the same as you? And what's even more gratifying to know that the guy is the same guy you've always looked up to? Parang na-fulfill ko ang lahat ng fangirl fantasy.

To be seen.

To be noticed.

To be in love.

To be loved.

Narinig kong tumunog ang pagtunog ng phone ko, agad ko namang sinagot yung tawag ni Isaac.

"Good morning, sunshine." Napangiti ako, I love hearing his low, hoarse morning voice. "Good morning din." Bati ko, napangiti ako.

"I miss you," tinakpan ko ang mic ng phone ko at pa-impit na tumili. "Kyaaah!!!"

"May emergency ba?" Muntik pang madulas si Kianne dahil sa pagmamadaling lumabas sa CR ng kwarto namin, umiling lang ako sa kanya. Inirapan lang niya ako bago siya pumasok sa loob ng banyo.

"I miss you too." I can hear his smile. For a minute ay walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"God! I just want to see you right now." Agad akong bumangon and I flipped may hair. Marahan kong kinuha ang invisible kong korona sa tabi ng bedside lamp at inilagay sa ulo ko.

"Ako rin," pigil-kilig kong sabi sa kanya.

"Well, I'll be seeing you later for the shoot...uhmm...I just called because I wanted to hear your voice." Tinakpan ko ulit ang mic ng phone ko at napahawak sa dibdib ko. "OH MY GOD! ANG GANDA KO!" I mouth to the air, kahit wala namang nakakakita sa akin.

"Well, bye baby." And the next thing I heard is the busy tone. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ko. An gaga-aga parang tumakbo na agad ako ng marathon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nakakabaliw kiligin kay Isaac. Nakakabaliw siyang magpakilig. Partidahan, wala pa siyang ginagawa kinikilig na ako, paano pa kaya kung nag-effort pa siya.

"Tinapa, para kang tanga. Niluklok ng ka-tangahan ang aga-aga." Lumingon lang ako kay Kianne at nagpabebe wave sa kanya, lalo naman siyang nainis sa ginawa ko.

"Ang aga-aga badtrip ka...babe?" Bigla na lang siyang lumapit sa akin at biglang umupo sa tapat ko.

Akala ko sasabunutan niya ako o sasapakin pero bigla na lang siyang napahawak sa ulo niya. "Tanga, anong gagawin ko?"

Bahagya akong lumapit sa kanya, "Uy, bakit?"

Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Si Dimitri kasi..."

"Ano?"

"Wala, nalaman ko lang kasi na nagkakausap sila ng ex niya and...and...I think sila na ulit," napahinto ako. Doon ko lang napansin yung lungkot ni Kianne.

"I mean, hindi naman kami official or something, wala namang label, walang kami, wala akong karapatang magreklamo, pero may karapatan akong maramdaman 'to, kasi akala ko merong kami, pero baka akala ko lang 'yon." Hindi ko alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung maga-agree ba ako sa kanya or something.

Mahirap palang magbigay ng sensible advice when you feel different from the person.

"Anyway, mag-ready ka na, baka papunta na yung sundo mo para sa photoshoot," agad namang tumayo si Kianne papaalis ng kwarto.

Napaisip tuloy ako. Nagkaroon naman na ako ng boyfriend nung high school pero it never occurred to me that labels are important. Naisip ko tuloy yung kaming dalawa ni Isaac, kasi matapos ng halik na 'yon, I never asked, he never asked, I'm too afraid to ask, maybe he is as well, paano kung pareho lang din pala kami nung akala ni Kianne? Paano kung yung namamagitan sa amin ni Isaac ay isang malaking joke lang ng tadhana?

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon