TRACK NO. 10 ♪

56 3 0
                                    

Sem break na. This means, work, work, work. And I've never been so excited working kung hindi lang ako magta-trabaho sa The Agency.

"Nako! Nakaka-excite naman. Marami pa namang pogi do'n sa building," kinikilig na sabi ni Kianne habang inaayos ang curl ng buhok. At kahit hindi ako mahilig magpaganda, aba, tinotodo-todo ko na.

Halos one week na kasi ang nakakalipas at hindi ko pa rin nakikita si Isaac. Although alam ko namang sikat na sikat sila, umaasa pa rin akong makikita ko siya. After kasi netong sem break ay kapag wala na lang kaming pasok makakapasok.

Pumayag naman ang management since si papa naman ang backer namin. Although hindi pa alam ng The Agency kung bakit niya kami pinasok, okay na rin. Ayoko ng special treatment.

"Nako Tanga, nilalang ka ba talaga. Ayusin mo naman 'yang foundation mo, hindi pantay," hopeless akong napatingin sa kanya. Nakakainis! Hindi ako marunong e. Sanay kasi akong nasa backstage lang, tulong-tulong lang.

"Ayusin mo nga ng magkasilbi ka," biro ko sa kanya. Marahan niyang hinila ang buhok ko.

"Sampalin kita diyan ng matauhan ka e," inirapan niya ako pero inayos pa rin naman niya ang make-up ko.

Hindi pa rin ako nakaka-move on three weeks ago since Grand Romeo Day, inspired ako masyado kaya naman ganado akong nakapag-review para sa finals namin nung nakaraang linggo. Saktong-sakto na nawalan na kami ng klase after ng hell week.

Hindi ko sure kung pasado ako, malalaman ko na lang siguro kapag may nakapag-encode na ng grade.

"Ayan Tanga, tapos na, baka 'pag nakita ka ni Isaac lapain ka na niya," agad ko namang hinampas sa braso si Kianne.

"Grabe ka! Napaka-dirty ng isip mo. Keep it up," nagtawanan kami.

♪♪♪

Wala naman kami talagang masyadong inaasikaso, errand girl lang talaga. Minsan mapapaisip ako, sana hindi talaga ako pumayag na mag-heels e, pero tuwing naiisip ko naman na baka makita ako ni Isaac, aba dapat ibang level yung beauty ko.

"Ang sakit na ng paa ko, may band-aid ka ba diyan?" Bulong ko kay Kianne. Sakit na kasi ng paa ko e.

"Wala e," nakangiting sabi ni Kianne. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya. Napansin kong nakatingin siya sa isang lalaki do'n sa The Agency, long hair na medyo kulot at medyo makapal yung labi.

"Pero baka siya meron," malandi niyang tinuro yung lalaki. Inirapan ko lang siya.

"Nakakahiya kaya magtanong," bulong ko sa kanya.

"Edi ako na lang. Hihihi," malandi niyang sabi sa akin at agad na lumapit doon. Palibhasa hawig ni Harry kaya landing-landi mode siya e.

"Want a drink?" Napatingin naman ako sa nag-abot ng coke-in-can sa akin.

"Yow Romeo! Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Naka-postura rin siya.

"Intern ako rito, doon sa The Land Developer. Nakita kasi kita kanina, kaso hindi ko sigurado kung ikaw ba talaga kaya hindi kita tinawag," tumango-tango ako. Sabagay, hindi naman talaga kasi ako nagdi-dress e, pero para maakit ko si Isaac, kahit magpanty't bra ako, g lang.

"Uy, pasabi kay Grant, sorry talaga ah. Hindi ko siya matulungan." Hindi kasi ako makahanap ng oras para makatulong kala Grant, ako pa naman yung dahilan kung bakit inimbita nila yung Juliette na mag-perform.

"Ayos lang, halos tapos na rin naman na ang lahat. Si Grant pa ba?" Napatawa ako. Teka! Iniisip ko kung bakit intern na siya? Tapos na ba siya? Last sem pa yung OJT nila ah.

"Teka! OJT mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, tapos na talaga ako. Kaso kaka-exam ko pa lang last October, wala pang results, may kilala si papa rito kaya pinasok ako as an intern habang hindi pa lumalabas yung results," mahabang paliwanag niya. Tumango-tango naman ako.

"Ano bang feeling" Napahinto ako.

Punyeta!

Nakita ko for the first time in eight days si Isaac. At punyeta, ang gwapo niya. Nakakakilabot sa kagwapuhan ang nilalang na 'to. May suot pa siyang hat na parang bakasyunista. May shades pa siya.

Nakita ko siyang papalapit sa akin and within few strides ay nasa harapan ko na siya.

"Okay ka lang?" Tumango-tango lang ako kahit hindi ko alam kung ano ba yung tinanong niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng daliri niya sa mga daliri ko at ang pagdaloy ng kuryente sa balat ko.

Kinuha niya yung coke-in-can ko. At pakiramdam ko, hihimatayin ako. Punyeta! Punyeta lang talaga.

"Thanks," nakita ko ang paglagok niya ng coke ko. Ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya habang umiinom. Ang muscle niyang naka-flex habang iniinom ang coke. Shet! Ang macho niya. Para siyang nagshu-shoot ng softdrinks commercial.

Matapos niyang ubusin ang coke ay ibinalik niya sa akin, wala sa sarili kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya at marahang pinunasan yung natira sa labi niya. Para akong na-hyponotize sa kanya. Napatitig siya sa ginawa ko. Although hindi ko sure dahil naka-shades siya. Pero inisip ko na lang na napatitig siya sa akin para everybody happy.

"What the" Natabig niya yung kamay ko sa pagkabigla. Para naman akong nagising at nahimasmasan.

Nanlaki ang mga mata ko. Punyeta! Oh m gulay!

"Sorry!!!" Agad akong tumalikod. Napansin kong nakatingin halos lahat sa office. Yung iba nakangiti pa. Oh my gulay! Kinuha ko yung kulot kong buhok para takpan ang mukha ko. Oh my gulay! Nakakahiya. Nakakahiya! Shet! Shet! Shet!

Agad akong tumakbo paalis. Punyeta! Punyeta! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Punyeta!

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon