TRACK NO. 06 ♪

72 3 1
                                    

Hindi ko alam kung anong number ni papa. Hindi ko naman naisip dati na kakailanganin ko siya sa buhay ko. Well, alam kong hindi ko siya kailangan sa buhay ko, nabuhay ako ng dalawampung taon na wala siya, ngayon pa kaya? Na matatapos na ako sa pag-aaral, ilang kembot na lang?

Ang iniisip ko lang naman ay si mama, yun yung gusto ni mama bago siya mawala. Gusto niyang tanggapin ako ni papa (although parang baliktad dahil ako ang dapat tumanggap kay papa). Baka kaya siguro bigla na lang namamatay ang ilaw ko sa CR dahil hindi mapanatag si mama.

"Uy Tanga! Ano bang iniisip mo diyan? Yung tissue na naman ba?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ito yung isa sa mga rare instances na pareho kami ng break. Finals na, siya, hindi nagre-review, ako naman, hindi sanay nagka-cram mag-review, naaaning ako bigla kaya everytime na nagle-lesson, inaaaral ko kaagad, mahirap din kasing pumetiks lalo pa't working student kami.

"Ewan ko sa'yo Tanga!" Medyo mainit din ang ulo ko, paano ba naman, suspended ako ng isang linggo dahil kay Kahon. Ginamit niya kasi yung pag-alis ko sa station ko ng walang paalam, pati na rin si Kianne nadamay.

"Bakit? Masakit ba na ginamit mo yung tissue na bigay ni Isaac?" Sinamaan ko siya lalo ng tingin. Tuwing naaalala ko yun, naaasar lang ako.

"Tumigil ka na!" Singhal ko sa kanya pero parang wala lang naman sa kanya yung pagsigaw ko.

"Ikaw naman kasi. Binibigyan kita ng isang rolyo ng tissue nung time na yun, tapos ayaw mo. Ayan tuloy nung na-jebs ka, no choice ka, nagamit mo tuloy," natatawang niyang sabi sa akin.

Inuntog-untog ko ang ulo ko sa bag ko. Nakakainis talaga! Kung meron lang na kahit ano do'n sa CR na 'yon! Kahit ano lang, hindi ko gagamitin yung tissue. Iniyakan ko 'yon, habang jumi-jebs, habang nililinis ko ang *censored* ko. Huhu. Umiiyak talaga ako.

"Maiba nga ako, paano ka ba nag-umpisang mahumaling sa One Direction?" Takang tanong ko sa kanya.

"Change topic ka ah. Ayaw mo bang maalala ang bantot ng kahapon?" Pang-aasar niya sa akin. Minsan hindi ko alam kung paano 'tong nanalong Miss Marketing ng college nila e. Sabagay, maganda naman siya kaso ang babantot ng lumalabas sa bibig niya.

"Dali na!" Hinila ko pa yung buhok niya. "Aray! May paghila ng naganap gano'n?" Bago pa siya makapagsalita ay dumating na si Grant, yung Council President ng College of Engineering and Architecture, yung tinutukoy ni Romeo.

"Hi Franze! Hi Kianne!" Nakangiti niyang bati sa amin. Si Mr. Smiley Face, kaya nanalo rin siya, pero bukod do'n, responsible naman siyang Council President kaya no wonder nanalo siya.

"Franze, gagawa kami ng mga kakailanganing props and stuff para sa College Week natin after sem break, kung may available time ka, nasa Council Room lang kami. Sige, bye," nakangiti niyang pagpapaalam sa amin.

"Alam mo minsan, hindi ko alam kung eng-eng ba 'yan o sadyang masipag lang," sabi ni Kianne habang sinusundan ng tingin si Grant.

"I go for masipag. 'Yang 'eng-eng' na 'yan, running for Latin honors lang naman. Kaya kung lahat ng eng-eng katulad niya, sige, eng-eng na rin ako," ngumuso lang si Kianne.

"Talaga? Bigla tuloy siyang naging cute sa paningin ko," inirapan ko lang siya. Baliw talaga.

"Anyway, ano na palang balak mo with your papa? Di ba naisip mo ng sabihin sa kanya na pumapayag ka na? Na iiwan mo na ako?" Sabi niya, habang ini-emphasize yung 'iiwan mo na ako' phrase, pero alam kong ayos lang sa kanya. Sinabi niya na sa akin kagabi na hindi siya tatangis kapag umalis na ako.

"Hindi ko alam. Wala naman akong number ng papa ko. Kung alam ko lang na mababago nung sulat yung isip ko, edi sana tinanong ko na kung anong number niya."

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon