"Oh. My. God! Oh. My. God!" Unti-unting napunta ang dalawang kamay ni Kianne sa bibig niya with the perfect 'O' shape, nanlalaki din yung mga mata niya, parang nung sinabi ko kung sino ang pumatay kay Lila Stangard sa How to Get Away with Murder, mas todo nga lang ang reaksyon niya ngayon.
"Totoo?" I nod. I nod, well, more like bobbing my head up and down like a crazy person, at talagang napapadalas ang English ko nitong mga nakaraang araw.
"Friend, it's you already." Dahil sa kilig ay bigla na lang akong nagpagulong-gulong sa kama, kasi kahit ako hindi pa rin makapaniwala, from a fan to girlfriend. Real quick, man.
Yep, opisyal na. Walang ligawang naganap but I mean, bakit pa papatagalin ang lahat kung alam niyo naman na ang nararamdaman niyo para sa isa't isa? Em so hapiii!
"Grabe friend, meron pa kayong taping mamaya sa The Talk Show, nako friend, rebelasyon 'yan, partidahan, everytime na may ginagawa kayo nagti-trend, na-visit mo na ba yung latest stream ng More Than Words niyo ni Isaac? Palong-palo!! More than 10 million streams, I mean, ano 'yon? Nakakaloka, at kaka-release lang no'n. Digital King and Queen na kayo. More than a month na pero #1 pa rin sa iTunes Philippines." Hindi siya makapaniwala, tumango-tango lang ako.
"Yep, meron pala kaming bagong kakantahin, I Was Made for Loving You."
"Friend!!! Pak na pak!!!" Bigla siyang sumampa sa kama ko at naghawak kamay kami habang tumatalon-talon sa kama.
Nung nakapaghunus-dili na kami ay agad kong kinuha yung phone ko sa tabi ng bedside lamp at pumunta sa Twitter para tingnan kung ilan na yung tweets para sa interview namin sa The Talk Show nang mapansin kong isa sa mga trending topics ay ang #Juliette2Disband.
Nang makabukas ako ng article ay agad na tumambad sa akin ang mga salitang, "Juliette to disband after the leader, vocalist of the group, Isaac breakthrough with the Internet sensation turned National Sweetheart, Franze known as the Labuyo Couple, according to sources, they've been talking about this even before Franze shot to fame..." click here to read more...
Binasa ko yung buong article, agad na lumapit sa akin si Kianne at agad na binasa yung article. Matapos ay tiningnan niya akong nagtataka. "Totoo ba 'to?"
"Hindi ko alam, baka hoax, tsaka sikat si Isaac ngayon, it's hard to take the band out, atsaka mahal na mahal niya ang banda, there's no way na iiwan niya 'to." Napabuntung-hininga si Kianne. "Well, nung okay pa sa amin ang lahat ni you-know-who, nabanggit niya sa akin na napag-usapan nilang ibang band members na baka mag-disband sila," agad akong lumapit kay Kianne.
"You know, na-overheard kasi nila si Tuazon girl at si Isaac, hello dingding lang naman." Pagpapaliwanag ni Kianne sa akin.
"Alam ba ni Isaac 'yon?"
Umiling si Kianne bago nagsalita, "naisip kasi nila na hayaan na lang nila na si Isaac yung magsabi sa kanila ng personal, ayaw nilang pangunahan si boy, although ayaw nila, pero kung aalis si boy sa banda, wala naman silang choice, siya ang life ng band, aminin natin 'yon."
"Hindi aalis si Isaac, mahal na mahal niya yung banda." Nagkibit-balikat lang si Kianne. "Hindi ko alam, feeling ko kasi hindi yun yung nakikita nila Dimit—you-know-who, feeling ko kasi nakikita nilang masaya siya kasama ka, naisip ko na baka iniisip nila na okay na kay Isaac na mag-solo."
Napaupo ako sa kama ko, alam na ba ni Isaac to?
At you-know-who? Ang daming alam ng Tanga na 'to.
♪♪♪
Ready? Wala pa si Pick Piko, but he is a very famous host, usually hindi talaga niya mini-meet first yung mga ini-interview niya but dont worry, he knows everyone so just be yourself," tumango lang kami ni Isaac habang inaayos ng staff yung lapel sa amin.
Kinakabahan ako, medyo bold kasi magtanong si Pick Piko, that's why he is famous, feeling ko kaya niyang i-interview yung leader ng mga terorista ng hindi man lang nakakaramdam ng kaba.
Naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Isaac sa kanang kamay ko kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Don't be afraid, don't worry, first time ko rin." Napangiti ako sa kanya, this past few days is just a pure bliss, ang sweet ni Isaac at maaalalahanin, exactly what I would've imagine him as a boyfriend. "Thank you," nakangiti kong sabi sa kanya.
Maya-maya pa'y sinabihan na kami na magu-umpisa na ang shoot, live kami today kaya naman kailangan kong maging mahinahon at kailangan kong mag-isip, mamaya ay mapahiya ko na naman ang sarili ko.
Napatingin ako sa stage, may couch doon, isang mahaba at isang maliit, yung pang-isang tao lang, nakatayo sa tapat no'n si Pick Piko habang nagsasalita, tungkol sa mga current issues ngayon.
"Please welcome, the National Sweetheart, Franze and the leader-vocalist of Juliette band, Isaac." Medyo napalingon pa ako kay Isaac habang inaalalayan niya ako papuntang gitna, all smiles lang kami habang naglalakad papalapit kay Pick. Agad naman kaming kinamayan nito at umupo sa couch.
"Hello Franze," nakangiting bati niya. "Hello po."
Humarap naman siya sa studio audience, "Ohh look at her, she's a sweetheart, isn't she?" Agad namang humiyaw ang mga audience agreeing with him. "Hello, Isaac."
"Hello din po, hello sa inyo," nagwala naman ang audience dahil sa charm niya, naisip ko tuloy kung nasa bahay lang ako at nanonood ng TV ay baka kasama na ako sa mga tumili.
"Before we get started, I want you to know that I am a fan of the Labuyo Couple, so tell us about it more," tumingin ako kay Isaac bago ako sumagot. "The term 'Labuyo Couple' started at the Game Show where I accidentally said 'labyu' instead of 'labuyo'." Napangiti naman si Pick sa sinabi ko.
"That is so cute. It says in our research that you've always been a fan of Isaac, how does your fan story started?"
"Uhmm..." lumingon ako kay Isaac. "...it started when I met him accidentally, after yun ng gig nila sa isang piyesta, I uhmm...thought that they were never good enough to be famous until I realize I am mistaken, kasi the next day, I found myself listening to How to Save a Life non-stop, doon ko na-realize that I've liked them, I'm just in denial about it." Nakita kong napakunot ang noo ni Isaac, he knows I am lying.
"Wow! That is very interesting," tumapat naman si Pick kay Isaac and asks him questions, naiinis ako kasi parang hindi tumitigil yung bilis ng tibok ng puso ko, it's as if I've done something terrible, yeah, nagsinungaling ka lang naman.
Ayokong isipin nila that I tried to end my life before, because saying that would lead to a why, and I'm doing a great job not dragging my mom into this, I hope he understands.
"Isaac, our sources say that your band will be disbanded before the end of the month, is it the truth?" Doon lang ako nagising sa pag-iisip ko, napatingin pa ako kay Isaac.
Habang nakagiti ay sinagot niya ang tanong, "it's a lie, there's no such thing as Juliette disbanding." Tumango-tango si Pick sa sinabi ni Isaac.
"Let's talk about your movie deal, how are you feeling na isang award-winning director ang magdi-direct ng movie niyo?"
"Sobrang masaya po pero at the same time, pressured po dahil hindi namin alam kung anong dapat i-expect lalo na po ako dahil sa ngayon lang po ako sasabak sa pag-arte, but thanks to The Agency because they've been giving me a workshop since then." Lie. I'm not good with lies, mabilis akong kabahan. Iyon yung sinabi ni Mrs. Tuazon sa akin na dapat kong sabihin, the movie is supposed to be offered to Kateniel but instead ay in-offer nila ito sa amin, dapat ipakita ko sa lahat na ready na ako. And we deserved it.
Maya-maya pa'y patapos na ang interview, umupo ako ng maayos. "Now, for my last question, everyone has been curious, yes or no, kayo na bang dalawa off screen?" Napatingin ako kay Isaac, hindi ko alam kung sasabihin ko bang 'oo' pero naramdaman ko na lang na biglang hinawakan ni Isaac ang kamay ko, naka-intertwine yung mga daliri ko sa mga daliri niya, naramdaman ko ang init ng palad niya, nakatingin siya sa mga mata ko, nakangiti bago niya sabihing, "yes, she is my girlfriend, and I am his boyfriend."
Wala na. Everyone is shouting. Lahat kinikilig pero yung malakas na tibok pa rin ng puso ko yung nangingibabaw. Shet lang! Isaac, why you do this to me?
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.