TRACK NO. 17 ♪

51 3 0
                                    

"Apir tayo, sumakit ang ulo ko, sumakit ang tuhod ko, sexbomb, sexbomb, sexbomb!" Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon pa kami na-LSS ni Kianne sa kanta ng Sexbomb Dancers na Spagheti.

Napatingin na lang kami kay Ate Denise matapos niyang hilahin yung earphones namin ni Kianne.

"Whut da hull?" Napatayo si Kianne at pumamewang sa harap ni Ate Denise.

"Rinding-rindi na kaming mga tao dito sa bus sa inyong dalawa, buti sana kung something na makaka-jam kami, pero Spagheti? Serious ba kayo do'n? Kung hindi kayo titigil, ako ang pipigil sa inyo." Napatingin ako kay Kianne at nakita kong napataas ang kilay niya and she crossed her arms.

"Gawin mo! Gawin mo!!!" sabi ni Kianne with matching mulagat ng mata.

"Humanda kayo! Matitikman niyo ang batas ng isang api!!!"

"Hindi ako natatakot!" Sagot ni Kianne kay Ate Denise.

"Bendita, tama na 'yan," lumingon sa akin si Kianne.

"Manahimik ka Agua, laban namin 'to ni Amor," lumingon naman siya kay Ate Denise, "Amor." Ngumisi siya. Tumitig ng masama si Ate Denise sa kanya. "Claudia."

"Grabe! Ang lalakas ng tama niyo, hindi ko alam kung anong tinira niyo," umiiling-iling na lang si Kuya Pio bago bumalik sa pagbabasa ng libro niya.

"Kamusta ba pag-arte namin? Feeling mo ba may chance na ako na maka-partner si Lenniel?" Tanong ni Ate Denise sa amin.

"Practice pa ate, tapos onting facial expression pa, walang-wala na si Kate sa'yo," tumango-tango pa si Kianne bago tumingin sa akin.

"Spagheti pababa, pababa ng pababa. Spagheti pataas, pataas ng pataas, spaghetti—"

"Si Isaac!" Napaupo agad ako ng sabihin ni Kuya Pio yun. Natigil tuloy si Kianne dahil tumigil rin ako.

"Wala si Isaac, gano'n? Iniwan mo lang ako sa ere?"

"Genen telege."

"Isaac o ako?"

"Isaac." Maikling sagot ko.

"Wow, walang isip-isip ah. Ipinagpalit mo ang two years and counting laban sa two years and counting, napatingin ako kay Kianne.

Genen telege.

♪♪♪

Wow!!! hindi ko mapigilan mamangha, ang ganda rito. Nasaktuhan pa na pagabi na, sobrang ganda ng sunset, saktong-sakto sa bandang dagat, kinuha ko yung chipipay kong cellphone at itinutok sa dagat, appreciative kasi sa mga scenery na kasing ganda ko. Sino pa bang magdadamayan?

"Tsk, ang labo pa rin," napa-iling na lang ako. Nakaka-stress naman, ang labo-labo ng camera ko, VGA kasi.

"Gusto mong kuhanan kita?" Napalingon ako sa nagsalita. "Romeo?" takang tanong ko.

"I'm close with Pio kaya nakasama ako sa outing slash team building niyo," napatango-tango ako sa sinabi niya. "Kaso chipipay cam ng phone ko." Pinakita ko pa sa kanya yung phone ko.

"Yung akin na lang." Nakangiti siyang sabi. Ay! Taray naman dis boy, Apple ang phone. Nakaka-intimidate naman pero okay lang at least may pamalit na ako sa cover photo ko.

"Hala ako rin!" Bigla naman akong tinulak ni Kianne.

"First time ma-picture-an?" Tumingin lang sa akin si Kianne atsaka ako inismiran.

"Maldita ka ah!" Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at tumalon sa kanya kaya naman napadapa siya sa buhangin.

"Mwahaha! Akala mo ah. Malditaray ka gurl ah!"

"Hampaslupa ka!!!" Bintuk-batukan pa ako ni Kianne pero dahil jirbaks ako, naiiwasan ko yung mga hampas niya.

"Miss, ikaw yun 'di ba?" Napalingon ako doon sa nagsalita. Luminga-linga pa ako dahil hindi ko sure kung ako ba yung kinakausap ng babae.

"Ako ba?" Patanong kong bulong kay Kianne.

"Ikaw yata Tanga." Bulong na sagot ni Kianne sa akin. "Ako ba?" Tanong ko doon sa babaeng nagsalita.

"Opo, ikaw. Pwede po ba?" Kahit hindi ko alam kung anong tinutukoy niya ay tumango na lang ako at nagpa-picture with them.

"Anong meron?" takang tanong ko kay Kianne matapos umalis yung babae.

"Ewan ko. Baka akala niya nandito sa beach si Majinbu," napatingin ako sa katawan ko. Ohmayghad! Yung bilbil ko. Agad kong ibinaba ng todo yung t-shirt ko para mag-transform into dress.

"Lapastangan ka!!! Palibhasa kapatid ka ni Chucky!!!" inismiran ko pa siya. Puma-meywang lang siya at tinaasan ako ng kilay. "May kapatid ba si Chucky?" Maldita niyang tanong sa akin.

"Meron! Ikaw!"

"At ano namang pangalan niya aber?" Pangcha-challenge niya sa akin. "Ano pa? Edi Chaka!!" Agad naman akong tumakbo dahil nakita ko kaagad ang pagta-transform niya into Chuky's sister aka Chaka.

♪♪♪

Napatingin ako sa cellphone ko. Ahhhh, kinikilig pa rin ako tuwing naaalala ko si Isaac at ang halik niya sa noo ko, feeling ko kahit buhok ko nag-init dahil sa hiya at kilig.

"Daydream pa bes?" Napatingin ako kay Kianne na ngumunguya ng Tortillos, at as usual, matunog ang pangnguya niya. Living with her nickname, Tanga.

"Ang daydream, ikaw. Ang living in the reality, ako. Okay na?"

Binato niya ako ng chips. "Punyeta 'to. Ipamukha mo pa, yung mas bongga, nakakahiya naman to dis gurl."

"Maiba ako, kailan ba tayo lilipat sa bahay ng papa mo. Jusko, Tanga, nag-search ako, grabe! Ilang kembot lang pala nandoon na tayo sa bahay nila Kate. Shet! Nai-imagine ko na makakasalubong ko siya anytime."

"Pagbalik natin sa Manila, lilipat na tayo okay? Siya na rin naman nagsabi. At makakasama natin ang asawa at anak niya." Paalala ko sa kanya.

"Come to think of it, wala akong nabasa na binanggit kung sino yung anak niya, ang alam ko lang, asawa niya si Sheila Montes."

"Aba malay ko—"

"FRANZE!!!" Nagulat naman kami ni Kianne sa sigaw ni Ate Denise, sabay kaming napalingon. Kami kasing tatlo yung magkakasama sa kwarto at bigla-bigla na lang siya pumasok ng kwarto, walang pasabi.

"Ano ba yun Ate Denise, nakakagulat ka naman."

"Kumanta ka ba sa something na event tapos mukha kang dugyot?" tanong niya sa akin.

"Wow, na-imagine ko ang ganda ko sa description mo ah." Sarcastic kong sagot kay Ate Denise.

"Tanga, wala ka no'n." Agad kong sinamaan ng tingin si Kianne.

"Wag muna kayo mag-away. Ito oh, tingnan mo. Viral sa Fb ngayon yung performance mo." Napatingin naman ako sa pinakita ni Ate Denise, nakita ko yung sarili ko na mukha nga akong dugyot pero ito yung time na kumanta ako para ma-stall yung oras para sa Juliette.

"Ayan yung kumanta ka nung kanta ng The Fray 'di ba?"

"Viral?" Takang tanong ko.

"May reporter na nagpost sa Fb, sikat ka na!!!" Pinagsawalang-bahala ko na lang, peymus? Easy.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon