"Ang bait ni Romeo ah, naging cute siya sa paningin ko," komento ni Kianne.
"Ewan ko sa'yo Tanga," sagot ko naman habang inilalagay sa sanitized part ng durabox ko ang album na binili ko (na hindi pa bayad). Pinilit kong hindi malagyan ng fingerprint kahit na binuksan ko siya kanina sa The Record Store para malista ni Romeo yung code at pinapirma ako.
"Pero cute siya, hindi ko alam na papa pala niya may-ari ng The Record Store, pero parang nakita ko na siya sa university," patuloy na pagsasalita ni Kianne habang nagpapalit ng damit. Kakarating lang namin sa dorm at may sched pa siya mamaya sa The Fast Food Chain kaya naman matutulog pa siya and as for me, manunuod ako sa baba ng The Music Show.
"Oh? Mamaya mo na ako chikahin, may papanuorin pa ako," agad akong tumakbo pababa ng dorm dahil nasa common area lang ang TV. Nakipagpatayan pa ako dahil ayaw nilang ipalipat sa The Music Show ang channel dahil nanunuod sila ng Kalyeserye, pero walang nakapigil sa akin. Ang ending, nagsialisan silang dismayado nang dahil sa akin. Seniority wins!!
Siguro pupunta sila sa karinderya sa tapat, laging nakatutok sa Kalyeserye 'yon kapag ganitong oras.
Nilipat ko kaagad sa channel ng The Music Show. Heto na naman, excited na excited ako sa mga p'wede niyang sabihin. Sana hindi siya biglang maga-announce na may girlfriend siya! Nako! Nako lang talaga! Baka bigla akong lumuha ng dugo neto.
Nakaupo ako sa tapat ng TV nang naramdaman kong may umupo sa tabi ko, hindi ko na tiningnan kung sino. May Tanga radar ako, kilala ko na kung sino ang tumabi sa akin.
"Tanga gusto mo?" Alok ni Kianne sa akin at kahit hindi ko alam kung anong chichirya ang binili niya ay kumuha na ako.
Patalastas pa rin, the anticipation is killing me.
"Hindi ako makatulog, teka, paano mo napaalis yung mga bagets? Kalyeserye ngayon ah?" Takong tanong niya, naririnig ko yung matunog niyang pagnguya sa chips at nakakainis 'yon to the highest level.
"Uso ngumuya ng tahimik, kunsabagay tanga ka, 'di mo ako maiintindihan," sabi ko habang patuloy pa ring nakatingin sa TV. Punyeta! Bakit ang tagal?
"Wow, nagsalita ang tangang nakawala ng wallet niya," bahagya ko siyang tiningnan at naabutan ko siyang nagkakamot ng puwet. "Yuck! Iisa lang ang pinangkakamot mo ng p'wet at pinandadakot mo ng Kirei?" Gusto ko sanag isuka yung ilang chips na nakain ko. Nakakadiri talaga 'tong babaeng 'to.
Bigla niyang tinapal sa bibig ko yung unsanitized hand niya bago nagsalita, "langhapin mo ang enerhiya mula sa apat na elemento ng Earth!!!"
Hinampas-hampas ko ang kamay niya. Napaka-baboy talaga ng nilalang na 'to.
Bahagya akong lumayo at sasagutin sana siya pabalik nang narinig ko ang intro sounds ng The Music Show, agad akong napaupo ng maayos na akala mo girl scout. Medyo nakalimutan ko na rin ang "enerhiya ng apat na elemento ng Earth"
Ayan na...ayan na...ayan na...bigla na lang bumaba ang balikat ko. Si Yeng ang nakikita ko at hindi ko nakikita si Isaac. Fan din ako ni Yeng pero...pero...baket?!
"We're really sorry, the scheduled interview was postponed dahil nagkaroon ng bad colds si Isaac, but in turn narito si Darren Espanto as our guest," biglang pumalakpak si Yeng. Hindi na napalitan ng simangot ang mukha ko dahil do'n. Walang amor kong pinatay ang TV. Nakipagdigma ba ako sa AlDub warriors para makanuod tapos wala?!
Pero wait, bigla akong kinabahan. May bad colds daw si Isaac. Oh my gulay! Paano siya nagkasakit? Hindi ba siya umiinom ng vitamins? Hindi ba siya umiinom ng Bear Brand? Panlaban sa Micronutrient Deficiency, pero seryoso, sana hindi naman malala. Magpi-perform pa naman sila sa The Award Show this coming weekend.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.