TRACK NO. 28 ♪

41 3 0
                                    

We are golden, thats what the article says, we are bankable, they say. I am not quite sure. And I am not quite sure kung bakit umi-English-English ako bigla, pasensya, nadala.

After nung recording session, pakiramdam ko may koneksyon na kami ni Isaac, pakiramdam ko meron ng 'lingering feeling' sa pagitan namin, pakiradam ko lang naman, ayoko namang itodo sa ibang level yung paga-assume ko.

Yung number of streams ng More Than Words namin ni Isaac ay 'breakthrough' dahil sa sobrang dami neto. Some articles even say that the days of Kateniel is coming to an end, goodbye Kateniel, hello Labuyo couple.

The song has sold more than any Juliette song, sabi nga nila, we are phenomenal, minsan nga kapag pumipikit ako, pakiramdam ko panaginip lang ang lahat, parang too good to be true kasi, pero kapag gumigising ako, tapos tinitingnan ko yung phone ko, kapag nagri-reality check ako, so far totoo pa naman ang lahat. Minsan, para makasigurado ako, tinitingnan ko pa yung cellphone ni Kianne, at syemrpe kapag tapos na ang reality check ay palihim kong tinitingnan yung messages niya at natatawa ako dahil ang pabebe niya kay Dimitri.

Maraming naka-linyang proyekto, meron pa kaming ishu-shoot na commercial ngayon ni Isaac, buti na lang kahit na busy ay hindi pa rin nako-compromise yung pagpasok ko sa school na medyo naging mahirap na dahil ang dami na ring nakatingin sa labas ng room, minsan may nagtanong pa kung nagshu-shoot daw ba kami ng teleserye o pelikula, nakakatakot lang dahil pakiramdam ko, yung pagsikat na ganito kabilis, yung pagbulusok pataas, ganoon din kabilis ang pagbulusok pababa and I am not afraid of losing the fame, I'm just afraid that I might not get the chance to be with Isaac more.

Pero ngayon ay pressured pa rin ako dahil malapit na ang finals at hindi na gaya ng dati na marami pa akong oras para magbasa, kaya kahit ngayon na nasa tent ako at nag-aabang na tawagin para sa shoot ng commercial namin ay nag-aaral pa ako.

"Knock, knock." Narinig kong sabi ninuman.

"Who's there?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa librong dala ko, finals na kasi next week.

Napalingon ako sa kanya nung makarinig ako ng shutter sound. "Sorry, naistorbo ba kita?" Napangiti ako, na-tempt tuloy akong isara yung libro at ituon ang buong atensyon kay Isaac, pero naisip ko na onting sandali na lang din naman at tititigan ko si Isaac na walang ibang iniisip. Forever.

"Hindi naman." Ibinalik ko yung tingin ko sa libro na hawak ko at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Take it easy, lady," naramdaman ko yung kamay niya na ipinatong sa ulo ko and he smoothens the crease between my eyebrows. "Thank you, young lad." Napangiti siya sa sinabi ko.

Hindi ko rin alam kung kelan napalagay yung loob ko kay Isaac that I got to talk to him freely, yung hindi ko na kailangan ma-pressure, hindi ko na kailangang isipin kung anong dapat kong sunod na sabihin (although lagi namang fail kahit planado ako sa susunod na sasabihin ko).

"You know my mom is an architect and my dad is an engineer," napaligon ako sa kanya.

"To be honest, ayaw nilang maging musician ako, gusto nilang maging professional ako katulad nila, but the call of music is kind of hard to resist, plus my grandparents are in, so there's not much my parents can do. My parents, they're in New Zealand right now, I just hope I can see them again one of these days." Wala na, hindi ko na-focus ang sarili ko sa pag-aaral, napunta na ang buo kong atensyon sa kanya. Isaac naman kasi e.

"Uhmm...do you have plans after your graduation?" Tanong niya sa akin.

"Wala pa naman."

"Well, I can take you to my grandparent's island, I'm sure they'll be glad to finally meet you." Napangiti ako. I try to bite the inside of my cheeks but I can't stop myself from stifling a smile. Nagba-blush din ang pisngi ko.

"Are you asking me out?" Pabiro kong tanong sa kanya, napangiti ako dahil bigla na lang namula ang pisngi ni Isaac, for a moment ay hindi siya mapatingin sa akin, doon ko lang na-realize kung gaano ka-shameless yung tanong ko sa kanya, o yung biro ko. Ang husay ko talaga, alam na alam ko kung paano ipapahiya yung sarili ko sa kanya—"Yes, I'm asking you out." Napahinto ako sa pag-iisip at napatingin sa kanya, sa kabila ng pamumula ng pisngi niya ay nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Punyeta lang, saan niya natutunan yung ganyang pagpapakilig? Mapasalamatan nga.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon