Para kay Francis Galvez,
Kamusta ka na? Sana ay masaya ka.
Nung kinailangan mong bumalik sa mama mo dahil sa pag-aaralin ka niya sa Maynila ay hindi ako nagdalawang-isip na hayaan ka, alam kong babalik ka, para sa akin, ngunit dumaan ang ilang buwan ay hindi ka bumalik o bumisita.
Noong napanuod kita sa TV isang beses ay tinanggap ko na na hindi ka na babalik sa akin, na hindi ka na si Francis Galvez, dahil ngayon kilala ka na bilang si Diego Morales.
Hindi ko alam kung mapapasakamay mo pa ba 'to dahil hindi ko alam kung saan ka nakatira, hindi ko alam kaya ilalagay ko na lang ang adres ng bahay niyo sa Roxas, sana makarating ito sa inyo.
Hindi ako galit na hindi ka na bumalik dahil ang totoo niyan, masaya ako sa naging tagumpay mo. Wala na sana akong balak pa na ipaalam sa'yo dahil tahimik na ang buhay mo, kung tahimik mang ituturing ang pag-aartista mo.
Kahit pa gano'n, hindi ako nagalit. Hindi mo na nga lang naabutan at nasilayan si Franze nung isinilang siya. Akala ko talaga lalaki siya, hinanda ko na na ipangalan siya sa pangalan mo, pero hindi ko alam na babae pala ang magiging anak natin.
Nung una kong nakita si Franze, alam kong nakuha niya ang mga mata mo. Iba pala ang saya na maidudulot na magkaanak ka. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero inilakip ko sa sulat ang mga litrato ni Franze noong bata siya.
Si Franze ang nagsilbing biyaya at kasiyahan ko sa loob ng labinwalong taon. Gustong-gusto ko siyang bigyan ng masaganang buhay pero hindi ko alam kung paano, hindi naman ako nakapagtapos, nagkataon lang na sinwerte ako na makahanap ng maayos na trabaho.
Nung araw na nalaman ko at naramdaman ko na may sakit ako, hindi ang sarili kong buhay ang kinatakot ko. Kundi si Franze. Hindi ko alam kung anong gagawin niya kapag wala na ako. Hindi ko alam. At isipin ko palang 'yon ay sobrang takot na ang nadama ko. Hindi ko kayang iwan si Franze ng mag-isa. Hindi ko kayang masikmura na mawawala akong maiiwang mag-isa ang anak ko. Si Franze ang buhay ko, ang kasayahan ko, kaya sana'y alagaan mo siya gaya ng pag-aaruga ko sa kanya, gaya ng pag-aalaga ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Franze at sobrang proud ako sa kanya.
Sana tanggapin mo siya. Para sa akin, at para sa ating pinagsamahan dati. Maraming salamat. Hanggang dito na lang Francis.
Nagmamahal,
Demetria AgosHindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal umiiyak. Punyeta!
Nakatitig lang si Kianne sa akin, nakaupo sa tabi ko. Matapos na umalis ni papa ay dali-dali na akong hinila papasok ng kwarto ni Kianne.
Tinanong niya ako ng tinanong, pero wala akong naisagot, minabuti ko munang basahin yung sulat na binigay ni papa, sulat nga 'yon ni mama, medyo malalim mag-Tagalog yun e.
"Uy friend, hindi ko na talaga kaya, pasensya na ah. Madaldal talaga ako e, kaya ko sanang magpigil pero 'te, Diego Morales, tatay mo? At akala ko alam ko na ang lahat ng tungkol sa'yo, daig ko pa ang manager mo dahil tinatadtad na ako ng mga bagets ng tanong tungkol sa'yo at kay Diego Morales," napatingin ako sa kanya.
Finally, hinarap ko na siya. "K-kianne..." Hindi ko alam kung bakit yun lang ang nasabi ko. Sininok-sinok pa ako. Somehow, nabago kahit papaano yung pananaw ko sa papa ko. All this time akala ko, iniwan niya kami. Maybe I was wrong but that doesn't change the fact na umalis siya at hindi na bumalik.
"Uy Tanga! May sinok effect ka pa, alam ko hindi tama pero punyeta, kating-kati na akong malaman ang details," minsan magpapasalamat ka na lang bigla na insensitive si Kianne, minsan nakakatulong din.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.