TRACK NO. 19 ♪

53 3 0
                                    

"Tanga, medyo malapit na ako mag-freak out," bulong ko kay Kianne. After two weeks ay nakabalik na kami ng school. Na-delay lang din yung paglipat naming sa bahay ni papa dahil nasa abroad silang mag-asawa.

"Taray naman dis gurl, peymus lang pumi-freak out na, dati mababaliw lang ang ginagamit ah," bulong ni Kianne sa akin. Muntik ko na siyang batukan kung hindi lang talaga ako nai-stress sa mga matang nakatingin sa akin.

Simula kaninang umaga, yung tingin nila sa akin ay para bang tinubuan ako ng pakpak, para bang tatlo yung butas ko sa ilong, although aware naman ako kung bakit nila ako tinitingnan—dahil doon sa video.

It feels weird at first, lalo na kapag pinapanuod ko yung video pero nakakatuwa yung ibang mga comments na nagsasabing ang ganda ko (na hindi sinasang-ayunan ni Kianne), na ang ganda raw ng boses ko (na wala ng masabi si Kianne) at ang ganda ko ulit.

Masarap sa feeling na naa-appreaciate ng tao yung talent mo, pero kapag ganitong klaseng appreciation naman, parang hindi ako masasanay.

Feeling ko anytime, lalapit sila sa akin at sasabihing ako ang kanilang alay sa Banal na Santisima para sa kahirapan, global warming at higit sa lahat, sa world peace. Thank you..

"Bilisan na natin," hinila ko na si Kianne. Medyo nakahinga na ako ng maluwag nung makarating kami sa dorm, awkward pa rin ng konti dahil sa tingin ng mga bagets sa akin pagpasok ko.

Naimpake na namin yung mga gamit naming since last-last week.

"Kamusta?" Napalingon naman ako sa nagsalita, si Tita Glends. Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi kami close, mas close talaga sila ni Kianne, pero hindi ko alam kung bakit pero siya yung tipo ng tao na kahit hindi ko ka-close, alam ko na malalapitan ko, pakiramdam ko tuloy maiiyak ako dahil kahit papano'y napamahal na rin ako sa dorm at kay Tita Glends.

"Okay naman po, kayo po?" tanong ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin.

"Nakausap ko ang papa mo, nandiyan na siya kanina pa. May kotse sa kanto ng The Street, mag-iingat kayo ah." Paalala ni tita Glends, hindi ko alam kung masaya ba siya na aalis na kami or malungkot dahil aalis na kami.

"Siya nga pala, dalhin niyo na 'to," kinuha naman ni Kianne yung inabot ni Tita Glends, pagtingin ko ay passbook galing sa The Bank, nagtataka kaming tumingin sa kanya.

"Inilagay ko diyan lahat ng ibinayad niyo para sa dorm, tinanggap kita dito sa dorm dahil sa pagkakaibigan namin ng mama mo, tinanggap ko lang ang bayad niyo dahil ayun ang gusto niyo, pero eto tandaan mo ginawa ko 'yan para sa mama mo, at dahil napalaki ka niya ng tama." Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

"Ikaw din Kianne, gusto ko lang malaman niyo na pinasaya niyo ang buong dorm dahil sa presensya niyo, o siya, mag-iingat kayo." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Umalis na si Tita GLends, napatingin ako kay Kianne at kita ko rin ang pagtangis niya.

"Tara na?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin bgao niya pinunasan ang luha niya.

♪♪♪

Masaya ako anak na sa wakas makakasama na kita sa bahay. Tipid lang na ngiti ang binigay ko papa.

Ako rin po, happiness is the key to success, mwahahaha!!! Mariin akong napapikit, alam na alam ko na kung anong iniisip ni Kianne.

Mabuti naman at kung gano'n. Nando'n din si Sheila para salubungin kayo."

Maya-maya pa'y pumasok na kami sa isang executive village. Ang lalaki ng bahay, halatang mayayaman ang nakatira.

"Shet tanga, dama ko, maraming gwapo rito, hihihi." Kinikilig na sabi ni Kianne.

Ilang kanto lang ay tumigil na ito sa isang malaking bahay, maganda yung pagkakagawa sa bahay, yung theme ay parang Europian, Victorian type, siguro pinasadya talaga. Naghuhumiyaw na Royalties of Showbiz ang nakatira.

Bumaba na kami ng sasakyan at kahit ako ay hindi mapigilang mamangha sa disenyo ng bahay, dito ba ako titira?

Pagpasok ay nakarinig agad ako ng ingay ng tambol at gitara. Hindi soundproof ang bahay? Saka ko lang na-realize na galing yung ingay sa lawn area sa likod ng bahay.

"Ano lyon?" tanong ni Kianne. Pareho kaming naglalakad papuntang likod-bahay.

"Dad, nandito ka na pala—ikaw?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Kilala mo siya? Anyway, Dimitri, ang step-sister mo, Franze at ang kaibigan niya si Kianne." Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Isaac na nakadungaw rin mula sa labas.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon