TRACK NO. 11 ♪

51 3 0
                                    

"Infairness friend, hindi ko alam na gano'n ka ka-aggressive ah. Hindi ko alam na tototohanin mo yung sinabi kong lalapain mo si Isaac," inangat ko ang tingin ko kay Kianne at tinapunan siya ng nakamamatay na tingin.

"Naiinis na nga ako e, talagang nang-aasar ka pa? Ahhhhh...." Itinakip ko ulit sa mukha ko yung unan.

Hindi talaga ako lumabas ng CR kanina. Yung kaba ko ibang level e. Punyeta! Napatingin pa ako sa salamin kanina, sobrang pula yung mukha ko. Sobrang hiya, kaba at...kilig. Sumunod agad sa akin si Kianne na wala ng tigil sa kasasabi ng 'hindi ako makapaniwala' at 'mas matindi ka sa akin'.

Kahit ilang ulit ako naghilamos, hindi nawawala yung init at pagkapula ng mukha ko. Punyeta! Hiyang-hiya talaga ako.

Bumalik lang ako nung nalaman kong wala na sila Isaac. Grabe! Pag balik ko, wala ng tigil sa kakaasar. Late ko naman na-realize na nakakakilig pala ng sobra yung nangyari.

Ni hindi ko nga rin alam kung real ba ang mga naganap kanina. Hindi ko alam kung nasaan si Romeo at kung anong ginawa ni Isaac bakit parang uhaw na uhaw siya. I was just shookt.

"Pero nakakainggit ka girl," agad kong iniangat yung tingin ko sa kanya.

"May gusto ka na kay Isaac?!!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tanga hindi! I mean, nakakainggit ka kasi. Yung mga nangyayari sa'yo, yun na yun yung nai-imagine kong mangyayari sa akin with Harry. Huhuhu, nakakainggit ka girl," lumapit pa siya sa akin at marahas akong dinaganan.

"Aray!" Para kaming tangang nag-wrestling do'n.

♪♪♪

Pumunta ako kala Romeo. Nagtext siya sa akin na may nag-notify sa kanya na yung draw para sa makaka-date ni Isaac ay nagaganap na kasabay ng The Awards Show, na ipapalabas this coming Sunday.

Actually, pwede naman akong bukas pumunta kala Romeo pero shet, gusto kong malaman doon mismo na ako ang nanalo. Shet! Kahit nakakahiya yung ginawa ko kanina, g lang. Matutuloy ang date namin ni Isaac, sa ayaw at gusto niya. Pero syempre, gusto niya 'yan.

"Romeo dear, anong sabi?" Excited akong sumilip sa cellphone niya. Agad niya namang iniwas yung cellphone niya, napangisi ako.

"Bakit? Nanonood ka ba ng nyorn bago ako dumating?" Nahihiya siyang umiling ng todo. Napangisi ako lalo. Sus! Namumula pa siya oh. Obvious na obvious masyado.

"Eto yun oh," binasa ko naman agad yung text sa kanya. Ahhhh, mamayang 10:52pm ia-announce, 10:30pm na. Sarado na nga ang The Record Store e.

Napahawak naman ako sa cellphone ko, may isang message galing kay Kianne. Bakit naman ako tinext no'n? Parang ilang minuto palang naman ang nakakaraan ah?

From: Kianne Tanga
        (0917-123-4567)
uy, tanga! anong meron? kalat na kalat sa fb yung balita ng mga pasa ni isaac nung nakaraan. hindi ko alam, hindi ko pa nababasa. free data here.

"May net ka?" Gulat na tumingin sa akin si Romeo pero marahan niya sa aking inabot yung cellphone niya. Hahablutin ko na sana kaso hinila niya pabalik yung cellphone niya.

"C-cellphone mo na lang pala, i-connect ko na lang sa wi-fi," agad kong inabot sa kanya phone ko. Hindi na ako nag-isip ng kung ano. Punyeta! Alam kong hindi ako bibiruin ng ganito ni Kianne.

Pagka-connect ay agad akong nagbukas ng Fb, pagkabukas palang ay articles na tungkol kay Isaac at tungkol sa mga pasa niya nung nakaraan pa.

Agad akong nagbukas ng link, at napa-punyeta ako. Wala akong nabalitaan na nali-link si Isaac sa kahit sinong artista, bakit napabalitang nagkapasa siya dahil kay Kate Franco? May jowa yun ah. Binasa ko pa lalo. Oh my gulay, si Lenniel Fortalejo?

Nagbasa ako ng mga comments at puro pangba-bash kay Isaac. Agad na nag-init ang dugo ko. Mga punyeta! Bakit ngayon ko lang nabasa 'to? One hour ago pa yung article.

Halos mga Kateniel fans ang nangba-bash kay Isaac. Palibhasa, kumpara sa Kateniel, mas baguhan pa si Isaac, pero hindi ko maintindihan kung paano siya na-link kay Kate.

"Uy, Romeo, sorry talaga. Mauna na ako," marahan naman siyang tumango-tango.

"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako. Punyeta! Ayoko pa naman sa lahat yung naba-bash yung mahal ko. Ayoko yung feeling, parang ako kasi yung naba-bash, parang akin naka-direkta. Ako yung nasasaktan.

Pagkalabas ko ay naglakad na ako papalabas, gusto kong malaman ang buong kwento. Magpapa-load na lang siguro ako sa para sa Internet.

Nabigla ako ng biglang may humila sa braso ko.

Sisigaw na sana ako nang makita ko ang isang hot looking guy na nakatingin sa akin. Oh my gulay! Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Naalala ko yung nakakahiya kong ginawa kanina.

"Look at me..." Mahinahon niyang sabi sa akin. Oh my gulay! Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

"Look at me..." Pag-uulit niya, but this time, meron ng emphasis. Shet! Kahit na hiyang-hiya ako at kinikilig at the same time ay dahan-dahan ako tumingin sa kanya. My eyes met those damn hot eyes. Napaiwas ulit ako ng tingin.

"S-sorry talaga..." Nag-sorry na ako, kahit hindi naman talaga ako nagsisisi sa ginawa ko kanina. Nakakakilig kaya.

"I knew it," mahinang bulong niya. Shet! Ang hot no'n. Pinuntahan niya ba talaga ako rito para do'n? Shet naman! Kung anak ka nga naman ng swerte oh.

"I told you"

"Franze," napalingon ako kay Romeo and I made a mental note na sapakin ang nilalang na 'to para sa paninira ng magandang moment ko with Isaac.

"May problema ba?" Napatingin ako kay Isaac na inayos yung cap niya at binitawan ako sa braso. Agad kong na-feel ang longing feeling dahil bumitiw siya ng pagkakahawak sa braso ko.

"Wala 'to Romeo, humihingi lang ako ng sorry kay Isaac, may katangahan kasi akong ginawa kanina," napatakip ako sa bibig ko. "Oh my gulay! 'Wag mong ipagkakalat na pinuntahan talaga ko ni Isaac dito ah," tumango-tango naman siya pero nakatingin pa rin kay Isaac.

"Sige Romeo, makakapaghintay pa naman siguro 'yang sasabihin mo, p'wede ka ng umalis," nakakahiya man pero pagkakataon ko na 'to. Ginamit ko pa naman yung tinuro ni Kianne sa akin na inhale-exhale para maalis ang kaba.

"Sige Franze," tumango siya at dahang-dahang tumalikod sa amin. Napalingon ako kay Isaac. Walang mangyayari kung mahihiya lang ako ng mahihiya sa kanya.

"Why are you sorry for again?" Tanong niya sa akin. Punyeta! Yung mga mata niya. Napaka-expressive, napaka-ugh! Nakakakilig siya tumitig. Normal na ba 'yon? Normal ba na may ganito ka-gwapong nilalang?

"K-kasi...yung kanina. Hindi ko talaga sadya yung ginawa ko," nahihiya akong tumingin sa kanya.

"You're not involve with the issue?" Nagtaka naman akong tumingin sa kanya

"Issue?"

"About the bruises," mariin niyang sabi.

"Ahhhhh," saka ko lang naalala yung nabasa kong article kanina. "Ayos ka lang ba? Wag kang mag-alala, ipagtatanggol kita sa mga bashers mong mahadera!"

"I am asking you," intense niyang sabi sa akin. Gosh! Ang hot niya lalong tingnan. Mysterious na ewan.

"Issue? Wala. Never," wala naman kasi talaga akong kinalaman do'n. Sinabi ko pa 'yan with conviction.

Nagulat na lang ako ng marahan siyang nag-lean sa akin. Nakiliti pa ako dahil sa hininga niya sa tenga ko. Shet! Feeling ko onti na lang magha-hyperventilate na ako. Maya-maya pa'y bumulong siya sa akin.

"I don't believe you."

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon