TRACK NO. 25 ♪

55 3 0
                                    

"Tanga! Tanga! Tanga! Tanga! Tanga!" Iniangat ko ulo ko. "Waaaaah! Tanga! Tanga!" Ini-untog-untog ko ulit sa study table ko yung ulo ko. Titingnan mo na siguro kung nasa tamang chapter ka dahil kamukha ng nakaraang chapter ang nangyayari ngayon pero wag kang mabahala, nasa tamang landas ka.

Kung gagawa ako ng diary, laging laman no'n ang pagpapahiya ko sa sarili ko kay Isaac.

Naiiyak na ako. Kung soccer lang ang pagkakapahiya sa national TV, baka may red card na ako.

I mean, gets ko kung paano ako napahiya sa unang pagkakataon. Sa pangalawa naman, maraming ibang pwedeng sabihin. Pwedeng, jjampong, o kaya wasabi (kahit hindi pula 'yan) o kaya naman la-bu-yo, dapat syllabicated, pero labyu? Seryoso ba ako?

Muli kong inuntog-untog ang sarili ko sa lamesa. Tanga ko! Ibang level na.

"It's official Tanga. Loveteam na nga kayo ni Isaac. Ang daming comments dito oh. Bagay na bagay raw kayo. Sinasalamin mo raw ang every fangirl's fantasy. And mind you bessy, kahit ako, agree'ng agree." Nilingon ko si Isaac—I mean Kianne. Syete! Ano bang nangyayari sa akin?

"Wow! Official na, kayo na ang Labuyo Couple." Hinampas pa ako ni Kianne ng unan. Nakakahiya talaga.

"Great, everytime na tatawagin kami niyan, maalala ko yung delubyong nangyari on national television." Walang enerhiya kong sabi. Marahas akong iniharap ni Kianne sa kanya.

"Tanga, isipin mo 'to. Yung delubyong 'yon yung dahilan kung bakit parang ikaw ang National Sweetheart ng Pilipinas. Tingin nila sa'yo purong-puro, walang bahid dungis."

"Wow! Bakit parang pag nanggagaling sa'yo ang sama pakinggan na ang puro-puro ko?" Mariin siyang pumikit. "'Wag mo ng pansinin kung paano yung dating sa'yo, ang ibig kong sabihin ay yung mga nangyari, yung mga kinakahiya mo, yun yung nagustuhan ng mga tao sa'yo, that's what makes you true. At 'wag mong pansinin ang English ko dahil masasapak kita." Hindi na ako nagsalita. 'Wag raw pansinin ang English niya e.

"Tingnan mo 'to. Mas pinag-usapan kayo ni Isaac sa The Game Show compared to Kateniel, mas trending topic kayo sa kanila, nagtataka na nga lang ako kung bakit wala ka pang nari-receive na tawag mula sa manager mo, for sure may nakapila ng endorsements para sa'yo." Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Paano ako matatawagan nun? Wala akong cellphone."

"Oo nga naman, punta tayong mall?

♪♪♪

Isang linggo na rin naman na ang nakakalipas simula nung pinalabas yung episode ng The Game Show. At hindi naman kasinungalingan ang sinabi ni Kianne dahil palihim akong nag-search sa laptop niya, totoo nga. Hindi pa ako makapaniwala nung una, sino ba naman ako? Atsaka Kateniel yun, kahit umutot lang sila ng sabay, magti-trending na agad 'yon.

Pumunta kami sa mall. Nahati naman na namin yung pera na bigay ni Tita Glends, plus yung pera na kinita ko mula sa trabaho sa The Agency, makakabili na ako ng maganda-gandang cellphone.

"Franze? Franze Galvez?" Napalingon naman ako sa lalaking tumawag sa akin. "Ang ganda mo po." Nahiya naman akong tumingin at ngumiti sa kanya, hindi ko kasi alam yung sasabihin ko. Napatingin naman ako kay Kianne na inirapan lang ako.

"Pwede po bang magpa-picture?" Tumango ako bago siya pumunta sa tabi ko, si Kianne yung kumuha ng picture namin.

Halos hindi na rin kami makapasok ng mall dahil sa labas palang ay ang dami ng taong lumalapit sa akin at nakikipagkamay o nagpapa-picture. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong dapat gagawin ko. Overwhelmed ako masyado sa dami ng taong lumalapit sa akin.

"Ate, pa-picture po." Hindi ko na alam kung sino-sino na yung tumatabi sa akin at humahawak sa kamay ko. Hindi naman ako maarte, medyo naguguluhan lang ako.

Sikat na ba ako?

Hindi ko mapigilang hindi tanungin ang sarili ko?

Sikat na ba ako? O madami lang taong nakakakilala sa akin. Ilang beses pa lang naman akong lumalabas sa TV ah. Kinakabahan ako, para kasing napi-pressure ako.

"Sandali lang po, salamat, salamat." Dahil sa dami ng tao ay umalalay na yung gwardya sa The Mall. Nung makapasok na kami ng mall ay inaya na kami ng gwardya na mag-stay na lang sa Security Office dahil mas kumapal at mas dumami yung tao na nakapalibot sa amin pagpasok.

Pagdating sa Security Office ay hindi ko mapigilang hindi mapatulala. Totoo ba 'tong mga nangyayari? Totoo ba na...sikat na ako?

Kahit sarili ko ay hindi tinatanggap yung salitang 'sikat'.

"Grabe Tanga! Na-stress ako sa dami ng tao kanina, iba ka na. Sikat na sikat ka na," bulong ni Kianne sa akin.

Hindi ko na-realize lahat ng mga nangyayari dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ngayon at nung nakaraan. Hindi ko alam kung kelan ako nag-umpisang makilala ng ibang mga tao. At hindi ko alam kung bakit natutuwa ako.

Dumating sila Mrs. Tuazon sa mall after 30 minutes, hindi ko alam kung sinong kumontak sa kanya.

"Kamusta Franze?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Doon na kami dumaan sa employee's entrance pababa sa basement.

"Okay naman po," sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat kong isagot. Feeling ko nga sa sobrang kaba ko, nanlalambot na yung tuhod ko. Buti na lang inaalalayan ako ni Kianne sa paglalakad na hindi pa rin nagsasalita.

"I just found out in the Internet, may lumabas na article tungkol dito. Honestly, good publicity 'to for you, because you're one of them. And atleast, you get the glimpse of how famous you are." Tumango lang ako. Sumakay na kami sa van.

"And now, while we're at it, we would like to make everything official," napatingin ako kay Mrs. Tuazon. May kinuha siyang folder at ibinigay sa akin. "That's a contract drafted by our lawyers for you, please read it, and if you have questions please don't hesitate to ask. We want you in The Agency family, please read it and understand the contract, and when you are ready, sign it. Sign with us, sign with The Agency." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatingin ako sa envelope na binigay sa akin ni Mrs. Tuazon. Eto na ba talaga 'to? Ako? Magiging artista?

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon