TRACK NO. 01 ♪

172 3 0
                                    

Yung mga RK, tambay sa Starbucks.
Yung mga bibliophile, tambay sa Fullybooked.
Yung mga geek, tambay ng National Bookstore.
Yung mga fashionable, tambay ng Forever 21.
Yung mga mahilig maghang-out, tambay ng Valkyrie.
Kaming mga fangirls, tambay ng....Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, Fansites, mallshows, sinehan, mandirigma sa pila kapag concert or may pelikula at higit sa lahat, tambay sa Record Stores.

If you're not one, you'll probably say na OA kami. Mga walang magawa. Mga baliw na sunod ng sunod sa mga taong, umuutot at tumatae (pasinatabi sa mga kumakain) din naman, pero hindi nila naiintindihan. Yung struggles. Yung sakit kapag may jowa ang idols namin. Yung galit kapag may mga walang modong basher ang nang-aapi sa idols namin.

Pucha! Handa akong pumatay para sa kanila, pero syempre joke lang, pero malay natin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, naging fan din ako ng K-Pop groups dati pero hindi ko pa naranasan ang mabaliw ng ganito.

Yung tipong, nakita ko naman na sila pero kilig na kilig pa rin ako sa pictures nila.
Yung tipong, ngumiti siya sa side namin tapos inaangkin ko na para sa akin yun.
Yung tipong, una kang nasasaktan kapag may bad news kang nalalaman tungkol sa kanya.
Yung tipong, daig mo pa ang tatay niya sa pagtatanggol sa kanya.
Yung tipong, daig mo pa yung nanay niya sa pag-aalaga sa kanya (sa panaginip).

Hindi ako palaaway, hindi nga ako sumasagot sa mga nagsasabi ng masama sa akin e, pero oras na kantiin mo ang minamahal kong idol, pucha! All hell break lose, magdikit man ang langit at lupa, susuungin ko ang dagat-dagatang apoy mailibing ka lang pero of course, isa lamang 'yang creative visualization ng pagiging fangirl ko.

"Kamusta?" Napangiti ako kay kuyang bantay sa The Record Store. "Ayos lang naman. Kamusta?" Tanong ko sa kanya, ka-edad ko lang siguro siya. Ngiti lang naman ang sinagot niya sa akin.

Isa ito sa mga bibihirang record store na wala sa loob ng mall. Nagtitinda sila ng sari-saring CDs, DVDs, meron pa ngang mga plaka e, may mga Bluray discs at meron ding for adults only (pero hindi porn).

At ang pinakamasaya sa lahat, nagtitinda sila ng OPM albums plus freebies and giveaways! Yizzz! Naririnig ko na ang mga anghel na kumakanta ng Hallelujah habang pumupunta sa OPM part ng The Record Store.

"Uy Tanga! Dun lang ako sa Foreign Pop Albums ah," pagpapaalam ni Kianne sa akin, bestfriend ko, fangirl din syempre, Directioner, nako, binabangungot lang daw siya nung nalaman niyang aalis sa boy group si Zayn, kailangan ko pa siyang damayan dahil ayaw tumigil sa pagtangis, oo, yun yung tawag niya sa pag-iyak niya e.

Naiintindihan ko naman siya.

"Sige Tanga, dito lang ako," tumango naman siya sa akin bago tumakbo papunta sa rack ng mga Foreign Pop Albums.

Fangirl Rule #1: Never ever ever ever na mang-api ng idol ng may idol, nakakasira ng pagkakaibigan.

Nakasaksi na ako ng pagkakaibigang nasira ng dahil sa clash of idols. Magbestfriend, yung isa fan ng Girl's Generation tapos yung isa fan ng 2NE1. Ayun, nag-away sila sa The Record Store, schoolmates ko sila. Ayun, hindi na nagpapansinan.

Napatingin naman ako sa OPM rack ng CDs at halos magningning ang mga mata ko nang makita ko ang album nilang kumakaway sa akin.

Buong pag-iingat kong kinuha ang album para hindi malagyan ng fingerprint ko masyado.

JULIETTE: BLACK IN WHITE

Second full album ng Juliette since nung sumikat sila, at yung Black in White yung carrying single nila na nanlalampaso na ng mga kanta ng 1D sa The Music Show Oops, buti na lang iniisip ko lang 'yon, baka kinalbo na ako ni Kianne kapag narinig niya ako.

Against the Current.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon