"Tanga! Tanga! Tanga! Tanga! Tanga!" Iniangat ko ulo ko. "Waaaaah! Tanga! Tanga!" Ini-untog-untog ko ulit sa study table ko yung ulo ko. Ang galing ko kasi masyado, hindi na ako nakuntento na ipahiya ang sarili ko sa harap niya, ginawa ko pa sa harap ng live audience, na live na ipanapalabas sa TV, in short, ipinahiya ko ang sarili ko sa buong Pilipinas, and abroad para sa mga kababayan nating OFW.
"Uy, Tanga! Ibang klase ka, alam mo bang trending ang hashtag IsaNze ngayon? Iba. May loveteam na kayo ni Isaac, agad-agad." Napahinto naman ako at agad na hinablot kay Kianne yung cellphone niya.
Tiningnan ko yung trending topic sa Twitter, top spot. Wow! Top spot! So kailangan ko palang ipahiya ang sarili ko ng gano'n para magka-top spot? At trending topic kami, ibig sabihin mas dadami yung may alam. Mas nakakahiya!
"Oh my God! Half a million views na agad Tanga sa Youtube kahit kaka-post pa lang 2 days ago, I mean, hello stardom na ba 'to?" Sumilip ulit ako sa phone niya.
"Tingnan mo yung comment, dalian mo! Sinisiraan na ba ako? May magpapatumba na ba sa akin?"
"Sandali! Wait, 'akin lang si Isaac, pero kung si Franze naman ang magiging kaagaw ko, susuportahan ko na lang sila.' Omgs! Tanga! Karamihan ng comment positive, talagang tanggap na tanggap ka ng buong nation, lalo pa't fan ka ng Juliette." Napatingin ako sa kanya, pero hindi pa rin maaalis yung fact na ipinahiya ko yung sarili ko sa kanya.
"Uy, Tanga! May tumatawag sa'yo," tiningnan ko yung phone ko, si Mrs. Tuazon.
"Hello po."
"Hi, Franze. A call came in, magi-guest kayo ni Isaac sa The Game Show, tomorrow they will tape the episode, my secretary will contact you for further info." Tumango lang ako kahit hindi naman makikita ni Mrs. Tuazon. "Okay po." Grabe si Mrs. Tuazon, walang pasakalye, walang kamustahan.
Pagkababa ng tawag ay napatulala ako. Magkikita naman kami ni Isaac bukas. Alam kong gustong-gusto ko naman 'to, pero hindi ko alam kung ano pang mukhang maihaharap ko sa kanya at sa buong sanlibutan, hiyang-hiya ako.
Wait! Kailangan kong mag-practice! Kailangang i-practice ko lahat ng gagawin ko bukas.
"Tanga! Tulungan mo ako!" sigaw ko. Nahulog naman si Kianne sa kama. "Oh? Anyare?" takang tanong ko.
"Baka pwedeng sabihan mo ako sa susunod na sisigaw ka, pa-inform naman ako kahit konti lang, para naman hindi ako magugulat ng ganto," inismiran niya pa ako.
"Anyway, tulungan mo ako. Maggi-guest daw kami ni Isaac sa The Game Show, kailangan kong mag-practice, kailangan hindi na ako mapapahiya bukas. Kailangan ko i-redeem ang pagkababae ko!" Napatingin naman siya sa akin.
Inabutan naman ako ng bulaklak ni Kianne, kahit hindi ko alam kung para saan ay kinuha ko pa rin. "Ngayon, lapirutin mo yung bulaklak." Kahit hindi ko alam kung para saan ay nilapirot ko pa rin yung bulaklak. "Ngayon, ibalik mo sa dati." Napatingin naman ako sa bulaklak at kay Kianne. Durog na durog kasi yung bulaklak, hindi ko na mababalik sa dati. "Yang bulaklak na 'yan ay parang virginity, kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik pa." Seryosong sabi ni Kianne sa akin.
Binato ko sa kanya yung bulaklak. "Hindi ayun yung ibig kong sabihin, Tanga! Ano 'to? Jane the Virgin?"
"Taray naman dis gurl, Franze the Virgin!" Binato ko sa kanya yung una kong nahawakan.
"Gaga! Bakit binato mo yung cellphone mo?" huli na ng ma-realize ko kung anong nabato ko. Shet! Shet! Shet! Kahit chipipay 'yan, nandiyan lahat ng alaala ng kahapon ko.
♪♪♪
Uhmmkutshintha? tanong ko. Inirapan lang ako ni Kianne.
Tanga, game show yun. Pabilisan. Bakit ang pabebe mo? Hindi ka naman friti. Naiirita niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.