"Paintindi mo nga sa akin kung saan banda sa 'you can never tell anyone about my bruises, or you will not like it' ang nakakakilig?" Takang tanong ni Kianne sa akin na ngumunguya ng Roller Coaster.
"Yung...lahat," nagpagulong ako ng mga ten times ulit sa kama ko. Ganito pala mag-roll in place, ang saya lang.
"Binabantaan ka niya loka!" Singhal neto sa akin, feeling ko nga gusto niya na akong sabunutan. If I know, inggit lang siya kasi nangyayari sa akin yung mga pantasya niya.
"Anong binabantaan? Napaka-judgemental mo naman," inirapan ko siya. Judgemental kasi.
"Hindi ah. Nagbabanta talaga siya," inirapan din niya ako.
"Bakit nagmamaldita ka? Inggit ka lang e," marahas niya akong hinarap at inirapan. "Excuse me, ni-like ni Harry ang tweet ko sa kanya," sabi niya with hand movement pa.
"Oo nga pala, ilan nga kayo ulit? Ahhh, 50,000 Directioners worldwide ang na-like ang tweets, in random. Napakagaling," pumalakpak pa ako. Binato niya ako ng isang pirasong Roller Coster. "Punyeta ka! Namemersonal ka na ah. Close ba tayo? Ang sakit mo magsalita ah!" Sabi niya sabay higa at talikod sa akin. Natatawa lang ako sa kanya habang patuloy na gumagawa ng natitira ko pang plates.
Inspired e. Pag inspired, mas mabilis makatapos ng plates. Hihihi. Kinikilig si acoe.
Binabantaan niya ba ako? Pero bakit ang sexy? Nako kung si Kianne 'yan para ng si Chucky-levels ang dating sa akin niyan. Yung kanya, ang gwapo pakinggan. Nakakakilig naman sa lahat ng threat ang threat niya ang nakakabusog sa sarap.
"Atleast, milyon kasi ang fans ng 1D worldwide at kasama ako sa 50,000 na napansin nila," pagmamaldita niya sa akin, muli siyang humarap para sa Round 2 ng verbal battle namin.
"Quantity over quality? Alam mo, hindi kailangan ng malaking fanbase, ang kailangan yung mga fans na loyal, yung parang friend na hindi ka iiwan, yung hindi lang dahil sa issues mawawala na," inirapan ko rin siya.
"Oo na! Mag-aaway pa ba tayo? Sasabunutan na ba kita?" Nagmamaldita niyang tanong sa akin pero alam ko namang nagbibiro na siya.
"Pero maiba ako, so hindi totoong nagka-bad colds siya? Kaya hindi siya natuloy ay dahil sa mga pasa? Pero bakit wala na siyang pasa nung na-interview siya nung nakaraan?" Takang tanong ni Kianne pero hindi ako nakasagot, naglakbay na kasi agad ang imagination ko.
Na-imagine kong ginagamot ko ang pasa niya, alalang-alala ang mukha ko tapos hahawakan niya yung kamay ko at sasabihing 'ang lambot ng kamay mo', tapos mamumula ang mukha ko tapos titingnan niya ako sa mga mata ko, eye to eye tapos unti-unti ay lalapit siya sa akin tapos
"Hoy Tanga! Alam ko na yang naiisip mo, na-imagine ko na 'yan, dami pa ngang versions e," sinamaan ko ng tingin si Kianne. Epal kasi, lakas ko na mag-imagine e.
"Anyway, paano ka makakasama sa The Romeo Day niyan? May last shift pa tayo sa The Fast Food Chain, may tatapusin ka pang mga plates, masisingit mo pa ba 'yon?" Napaisip ako sa tanong ni Kianne, ang dami kong ginagawa. Tapos tumutulong-tulong din ako sa Council kasi ininvite nila ang Juliette para sa akin, nakakahiya.
"Makakasama ako, nakasulat na sa kalendaryo ko 'yon atsaka aalis na rin naman na tayo sa trabaho right? Mag-uumpisa naman tayo sa lalong madaling panahon e," paalala ko sa kanya.
"Oo nga pala, kaso nakakalungkot." Nagtataka kong tiningnan si Kianne. Akala ko kasi siya yung unang matutuwa dahil aalis na kami sa The Fast Food Chain, hindi na kami mapag-iinitan ni Kahon.
"Bakit?"
"Pag umalis tayo, si Kahon na lang ang virgin sa The Fast Food Chain, kawawa naman," hindi ko na napigilang mapahalakhak, siraulo talaga 'tong babaeng 'to kahit kelan.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.