"Yes?" Nakakunot-noong tanong sa akin ni Isaac. Para akong natuod na ewan. Parang unang beses ko pa lang siya makikita, kunsabagay, unang beses ko nga naman siyang makikita ng ganito kalapit, hindi pala, nung unang beses ay nung niligtas niya ako, pero iba 'to...halos lumabas na sa dibdib ko yung puso ko. At mas matigas ang dibdib niya kumpara dati, wow, nagg-gym siya, sabi ng malandi kong isip.
"Ahhhh....k-kasi ano....ano....ang gwapo mo," gwapo naman kasi talaga siya. Tuwing nakikita ko siya parang nai-starstruck ako, palaki ng palaki, jusme!
Mas lalong nagwala yung pagkatao ko nung nakita ko siyang ngumiti. At ngayon, hindi na ako parang China, dahil this time alam kong para sa akin 'yon.
"Tagal mo Iceuy, ikaw yung crew sa The Fast Food Chain 'di ba?" Takang tanong ni Jackson sa akin. Mukha naman akong tangang nakatingin kay Isaac. Marahan lang akong tumango. Napansin kong biglang sumimangot si Isaac.
"Nice meeting you miss pero kailangan na naming umalis," nag-wave siya nung umalis at hinila si Isaac na hindi na nakangiti at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kilig na kilig pa rin ako dahil sa mga nangyari, kung alam ko lang na mangyayari 'to dapat pumayag na ako nung gusto akong make-up-an ni Kianne.
"Oh my gulay," hindi ako makahinga. Para akong may asthma na todo kung makapag-inhale-exhale na akala mo mauubusan ng hangin sa mundo.
Napakapit pa ako kay Kianne, para kasing kanta ni Jason Derulo yung legs ko, nag-wiggle-wiggle.
Umalis ito na hindi man lang nagsasalita or anything, pero iyown lhungs suaphat nuah!
"Te, wala na si Isaac. Pwede ka ng huminga," as if on cue ay napabuntung-hininga ako.. "HIndi ko kinakaya ang mga nangyari ngayon-ngayon lang," pumaypay-paypay pa ako sa sarili ko. Oh my gulay! Oh my gulay!
♪♪♪
"Uy Tanga! Sure ka ba do'n sa sinabi mo sa papa mo?" Nag-aalangang tanong ni Kianne sa akin. Kakatapos lang namin kausapin si papa dito sa The Agency, sinama pa ako sa loob ng conference room si Kianne, okay lang naman kay papa, he feels so happy about me agreeing, pumayag din naman siya agad nung sinabi kong sasama si Kianne sa akin.
"Mukha ba akong nagbibiro? Nasabi ko na nga at pumayag na siya 'di ba?" Nakasakay na kami sa jeep pabalik ng dorm, isang sakay lang mula dorm at The Agency.
"Nakaka-touch ka naman Tanga!" Bigla akong pinalo ni Kianne, natamaan ko tuloy si kuya sa harap kaya medyo napa-atras ito. "Sorry po," may kukunin pa naman siya kasi napansin ko na may kinukuha siya sa likod niya.
"Oo na, na-touch ka na, pero dapat may pagtulak? Natamaan ko pa tuloy si kuya, baliw ka talaga," broadcast na broadcast yung pinag-uusapan namin na akala mo inarkila namin ang jeep at pagmamay-ari namin ang buong space.
"E sobra akong na-touch e, sandali, miss..." napatingin naman ako do'n sa babae sa harapan niya, na mukhang nahihirapan na ewan. "Miss natatae ka ba? Kuya sandali lang, baka natatae na si ate," pinalo ko si Kianne. Siraulo talaga.
"Ano ka ba naman, sorry ate ah. Pero seryoso, natatae ka ba?" Marahan itong tumango sa tanong ko. Naloko na, sa byahe pa naabutan. "Kuya para po! Tigil muna po, si ate bababa, ate do'n banda sa The Fast Food Chain, merong CR do'n," pagpapaliwanag ko, buti na lang may nadaanang fast food.
"S-salamat," agad-agad na bumaba si ate. Nagpatuloy naman yung jeep sa pag-andar.
"Buti na lang napansin ko si ate, para kasi siyang hirap na hirap kanina," kwento ni Kianne. "Napansin ko nga rin e," sagot ko. Mahirap pa namang magpigil.
"Hold" Natigil yung sasabihin nung kuyang nabangga ko kanina kasi biglang tumili si Kianne, napatingin naman ako sa kanya. "Uy Tanga! Bakit ka ba sumisigaw diyan?" Napatingin ako sa mga pasahero, mga nagulat din kasi sila sa sigaw ni Kianne.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.