Matagal din akong nag-isip. Matagal din akong nagmuni-muni. At matapos ang ilang oras, hindi pa rin mawala sa isip ko yung tanong ni Kianne sa akin. Hindi mawala dahil kahit anong pilit kong sagutin ang tanong niya, walang lumalabas na sagot.
Nakauwi na ako at nakatitig lang ako sa kisame. Sabi naman ni Kianne sa akin na sa dorm muna siya magpapahinga ngayong gabi dahil miss niya na raw ang mga bagets at si Tita Glends pero alam ko naman na gusto niya lang akong mapag-isa. Babaeng 'yon talaga.
Tumayo ako at kinuha ang speakers sa drawer. Kinuha ko ang shuffle ko at nag-umpisang magpatugtog.
Pumailanlang ang isang K-pop song, hindi ko alam kung paano nagkaroon ng kantang ganyan sa shuffle ko pero wala na akong pake do'n, ang mahalaga maingay. Mas maingay sa utak kong gulong-gulo na.
Sumabay na ako sa beat ng kanta kahit wala akong naiintindihan kundi cheer up, baby. Cheer up daw e. Edi todo bigay ako sa pagsayaw. Tama na ang pag-iyak. Simula sa araw na 'to, fats ko na lang ang iiyak. Hindi na ako. Pumailanlang din ang kung anu-anong kanta hanggang sa tumugtog ang How to Save a Life. Napatigil ako sa pagsayaw at pagod na pagod na tumayo doon sa gitna ng kama ko.
Sa isang iglap, tumulo na naman ang luha ko. Marahas kong pinunasan ang luha ko. Fats lang ang iiyak!!! Hindi ako. Parang tanga kong pinapagalitan ang sarili ko. Oh well, may fats din ang mga mata ko kaya may lumalabas sa mata ko. Pawis 'yan! Pawis at hindi luha!!! Pagde-deny ko kaya naman nagtodo ulit ako sa pagsayaw.
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Pagsigaw ko habang sumusunod sa bawat beat ng kanta. "AHHHHHHHHHHHH!!! WHAT DID I DO WRONG...HOW TO SAVE A LIFE!!!" Hingal na hingal ako sa pagsayaw, pagtalon at pagsigaw kaya kahit ako hindi ko maintindihan ang sinasabi ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa pagod. Para akong yagit dahil basang-basa ako ng pawis.
Napatigil ako ng biglang bumukas yung pinto. "Ang ingay mo Tanga!!! Gets ko na heartbroken ka!! 'Wag ka namang mandamay!!" Nagulat ako dahil bukod sa hindi ko alam kung bakit nandito si Kianne (hindi naman ako aware na dito na pala yung 'dorm' at si Dimitri pala si Tita Glends), sobrang gulo ng buhok niya, ang gusot ng damit niya at parang namamaga na ewan yung labi.
"Anong ganap sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang—" Nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko si Dimitri na walang damit pantaas at magulo rin ang buhok at namamaga rin ang labi. Agad namang napatingin si Kianne sa likod niya at nanlaki ang mga mata.
"Tama Agua! Tama ang naiiisip mo at isipin mo na lang, 'wag mo ng bigkasin pa!!!" Sigaw ni Kianne bago umalis sa pinto. Napamaang ako. Bakit ang guilty?
"You know what? Both of you are weird," parang naalibadbaran na sabi ni Dimitri sa akin. Pumamaywang ako, mukhang walang idea ang aking kapatid.
"Sorry ha. Naistorbo ko ba ang moment niyong dalawa? Naghuhumiyaw kasi 'yang namamaga mong nguso," bigla namang namula ang mukha ni Dimitri at agad na tumakbo paalis.
Napangiti ako. Atleast, something good is happening out of all these things that is happening.
♪♪♪
Naisip ko na bisitahin si mama. Sobrang tagal ko na siyang hindi nabibisita. Halos linggo-linggo akong nagpupunta rito pero dahil sa mga mabilis na pangyayari ay nung g-um-raduate pa ako yung huling beses na nagpunta ako kay mama.
Naisip ko na baka makatulong sa magulo kong isip.
Pagdating ko ay hindi ko inaasahang maabutan ko si papa doon, at mas hindi ko inaasahan na maabutan ko siyang humahagulgol do'n. Napalunok ako.
Napansin ni papa na nando'n ako ay agad niyang pinunasan ang mga mata niya at nakangiti siyang humarap sa akin. Aalis na sana siya nung magsalita ako.
"Sabi ni mama sa akin sa sulat dati na kahit kailan ay hindi siya nagtanim ng galit sa'yo, kasi ang sabi niya pagpapatawad ang isa sa mga dahilan kung bakit siya naging masaya," medyo maluha-luha kong sabi sa kanya.
Narinig kong napahigit ng hininga si papa. Paglingon ko ay nakayuko na siya. Unang beses ko pa lang na makita siya umiyak. At totoo nga siguro na a man's tears meant a lot more than his words.
Ilang minuto rin kaming gano'n nang may inabot siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin bago tuluyang tumalikod sa akin.
Nang makuha ko ay agad akong napatingin doon. Paano napadpad kay papa yung dream house ni mama? Saka ko lang naalala na halos dalawang buwan na akong graduate pero hindi ko pa rin nakikita kung anong nasa loob.
Tumingin ako sa nitso ni mama at binuksan yung envelope at kinuha ang drawing sa loob. Mukhang makulay dahil sa parang bakat mula sa likod ng papel.
To say I expect something like a mansion is an understatement, no'ng buhay pa si mama, sabi niya, gusto niya ng palasyo, kapag naging architect daw ako ay sa palasyo raw dapat ako tumira. And I expect a palace or a mansion, after all, it's her dream house.
Pero ng buklatin ko ang nakatiklop na papel ay hindi ko napigilan ang paghikbi ko. Parang gripo na bigla na lang binuksan ang mga mata ko dahil hindi na tumigil sa pagtulo ang mga luha.
Akala ko mansyon.
Akala ko palasyo.
Iba pala ang 'dream house' ni mama, dahil ang dream house ni mama ay yung drawing ko nung bata ako, yung drawing ko, na ako, si mama at si papa, dahil ang dream house ni mama para sa akin ay hindi isang marangyang palasyo...kundi isang buong pamilya.
"Pa..." Lumingon si papa sa akin. At hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko na tumakbo papalapit kay papa, tulad ng lagi kong nakikita nung bata pa ako sa mga kaklase ko tuwing sinusundo sila ng mga papa nila. Tumakbo ako papalapit kay papa at mahigpit kong niyakap si papa.
Ibang klase yung pakiramdam ko. Sa isang yakap ay naramdaman ko ang pagmamahal ni papa na hindi ko tinatanggap dahil pinairal ko ang galit. Yung pagmamahal ng isang amang nangulila sa anak. At halos hindi ko mapigilan ang paghagulgol ko sa dibdib ni papa.
"S-sorry pa...sorry pa..." Paulit-ulit ako sa paghingi ng tawad dahil ang tigas ng puso ko, dahil sa tiniis ko si papa. Paulit-ulit ako, paulit-ulit pero inaalo lang ako ni papa tulad ng ginagawa ng mga papa nung mga kaklase ko dati tuwing nadadapa o nasasaktan sila. Inaalo ako ni papa. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Sobra.
Ganito pala ang pakiramdam ng magpatawad. It did make me feel better.
Totoo nga na ang pagpapatawad ay isa sa mga dahilan kung bakit ka sasaya.
At doon sa harap ng puntod ni mama ay buong puso kong pinalaya ang sarili ko sa lahat ng galit. Sa lahat. Doon sa harap ng puntod ni mama...ay nagpatawad ako.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Genç KurguOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.