Hindi ako makatulog, I mean, hindi na ako nakatulog. Malapit ng sumikat ang araw pero hindi pa rin ako nakatulog, simula kagabi, simula nung dumating kami, kahit na nung kumakain kami sa isang restaurant, tulala ako.
"See you tomorrow." Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman ko yung labi ni Isaac. Nararamdaman ko pa rin yung tibok ng puso ko, nagwawala na. Napahigpit yung yakap ko sa unan ko.
Sinampal ko pa yung sarili ko kanina, para lang maka-sure na nangyari yung kanina. S-in-ave ko pa yung article tungkol doon kanina sa phone ko. At mind you, sobrang dami. Totoo ang lahat. Kasi kung hindi, hindi magwawala ng ganito ang puso ko.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapahagikhik. "Sshhh...punyeta, magpatulog ka!" napalingon ako kay Kianne na masama akong tinitingnan.
"Sorry, hindi ko mapigilan, kinikilig talaga ako," bigla naman siyang bumangon.
"Oo na, kinikilig ka na, pero alas tres na ng umaga, baka naman gusto mong magpahinga tayo 'no? Hindi ako makatulog sa kaka-hihi mo diyan," sabi niya bago ibinagsak ang sarili sa kama.
Napabalik ang tingin ko sa kisame, matapos niyang iabot sa akin yung bulaklak, hinalikan niya ako sa pisngi, sa harap ng maraming tao, sa harap ng media, sa harap ng mga ka-batchmates ko. Sobrang haba ng hair ko talaga, next time I knew, nasa van na ako katabi si Isaac, wala na, naaning na ako, hindi na ako aware sa mga nangyayari.
Nung akala ko okay na ang lahat, medyo nakakahinga na ako ng maayos, hinalikan niya ako sa pisngi matapos siyang magpaalam sa akin, muli na naman akong napahagikhik.
"FRANZE!!!"
"'Pag ikaw kinikilig hindi kita pinipigilan ah, hinahayaan kita, so shut up ka na lang. Napahinto naman siya at padabog na ibinagsak yung sarili niya sa kama. Napabalik lang ulit ang tingin ko sa kisame, nire-relive ang mga nangyari kanina.
♪♪♪
Excited na excited akong nagbihis kanina pagkagising ko, kumain muna kami, after lunch ang alis namin ni Isaac papunta sa rest house nila sa island nila, sa bakasyon na kaming dalawa lang ang magkasama.
Napapahagikhik ako habang kumakain, napaangat yung tingin ko kay Kianne na ang sama lang ng tingin sa akin. "Kain?" Nakangiti kong tanong sa kanya at saka niya ako sisimangutan.
Mga ala-una nung narinig kong nandiyan na si Isaac, nagmamadali akong pumunta sa kwarto para mag-ayos at magbihis. Ang dami kong dala, swimsuit, one-piece, two-piece, no-piece...oops, wala akong no-piece ah, 'wag judgemental. Nag-ready din ako ng cardigan at saka shirt.
Nung nakapagbihis na ako ng beach outfit ay dali-dali kong kinuha yung backpack ko at tumakbo papalabas, ni hindi na ako nakapagpaalam kay Kianne dahil hindi ko siya nakita at sobrang excited na ako.
Nung nakita ko ang sasakyan sa labas ay agad kong binuksan yung pinto.
"Hi, friend!" napahinto ako, nakita ko si Kianne na nakaupo sa passenger seat habang naka-shades, napatingin ako sa likod at nakita ang Juliette na nandoon rin, napatingin ako kay Isaac na nakangiti sa akin, apologetic.
Bumaba si Kianne, "nako friend, sasama kami ah. Hihihi!" Gusto kong sapakin si Kianne dahil ginaya niya pa yung paghagikhik ko, feeling ko tuloy parang bigla na-bad mood ako.
Ang siste tuloy, bad mood ako buong byahe, pero hindi ko masyadong ipinapahalata dahil na rin sa katabi ko si Isaac na siyang nagda-drive.
"Friend! Nandito na tayo!" sabi ni Kianne sa akin, napatingin ako sa relo ko, magfa-five na, mga ala una na yata kami umalis sa bahay.
Inalalayan ako ni Isaac sa pagbaba, ang una kong nakita ay dagat, unli-dagat, napalingon ako sa paligid, ang ganda.
Sumakay kami sa yate, iniwan ni Isaac sa isang inn yung sasakyan niya, na-amaze naman ako sa ganda at sa linis nung beach at nung tubig, wala ring masyadong tao, or dahil sa pagabi na, hindi ko alam. Ang ganda ng paglubog ng araw.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.