"Narinig mo ba 'yon Tanga? Narinig mo ba?!!!" ecstatic kong tanong kay Kianne na mukhang naalimpungatan sa sigaw ko.
"Oo, punyeta ka! May tenga ako, naririnig kita at naririnig ko rin sila. Magpapahinga na ako, thank you and goodbye!" saka siya nagtalukbong ulit ng kumot. Sunday kasi at wala kaming pasok sa office at wala rin namang pasok sa umaga. January pa naman, malamig pa ang simoy ng hangin.
Buti na lang naturuan ako ni Kianne magmake-up kaya kahit papano ay nakakapagmake-up na ako mag-isa.
Maaga akong naligo para makapag-ready, na-overheard ko kasi kanina sa mga katulong na pupunta dito sila Isaac para sa band practice, hindi ko alam kung bakit madalas silang magpractice dito kahit sabi naman ni papa na hindi sila madalas dito kaya hindi soundproof ang band room, hindi rin pala madalas ginagamit.
Inaantok-antok pa ako kanina since puyat ako kahapon dahil sa pagri-review para sa quiz sa isang course subject namin, iinom lang ng tubig pero yung katawan ko biglang nagkaroon ng ibang level ng energy dahil sa narinig ko, kaya walang kain-kain, ligo agad at make up para maging friti.
"Ang ganda ko na ba? Tanga!!! Maganda na ba ako?" hindi siya gumalaw. Tumayo ako tapos niyugyog si Kianne. "Kianne!!! Maganda ba ako? Uy! Maganda na ba ako?!!!" hindi pa rin siya kumilos. "KIAAAAAAAANNE!!!" bigla niyang tinabig yung kamay ko.
"OO NA!!! Maganda ka na! Lala punyeta ka! Pero dahil alam kong hindi na ako makakatulog, pangit mo! Para kang butete! Che! Pangit neto!" marahas niyang tinabig yung kumot paalis sa katawan niya bago tumayo papalabas ng kwarto.
"Ay! Butete nga!" hindi ko na napigilang hindi matawa dahil nadulas siya dahil din sa kumot na inalis niya sa katawan niya.
♪♪♪
Ay! Anak may pasok ka ba ngayon? Bakit hindi mo ako sinabihan, hindi ako nakapaghanda ng maibabaon mo. Nagtataka ko namang tiningnan si manang.
Wala po akong pasok manang.
Ganon ba? Nagtataka lang ako kasi naka-dress ka, magsisimba ka ba? Napatingin ako sa suot ko.
"Nako manang, everyday ko 'to," pagdadahilan ko.
"HAHAHAHAHA!!!" Napatingin ako kay Kianne, tuwang-tuwa siya habang feeling ko namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya. "Lalandi ho siya manang kaya siya ganyan. Nako! Kung may guard lang sa simbahan, hindi siya papapasukin!" Sinamaan ko lang ng tingin si Kianne bago nahihiyang ngumiti kay manang.
"Ay gano'n ba? O siya sige, mag-aayos pa ako ng mga kwarto," pagpapaalam ni manang.
"Bakit mo ako pinahiya kay manang?"
"Kapalit 'yan ng panggigising mo sa akin!" sabi niya bago sumubo ng tinapay.
"Nagtatanong lang—"
"Oh my God, Tanga! Umutot ka ba?" Tanong ni Kianne sa akin.
"Hindi ako umutot."
"Umutot ka kaya! Dama ko! Sinusuntok ng baho yung ilong ko! Mas matindi pa 'to sa enerhiya mula sa apat na sulok ng Earth!" sigaw ni Kianne sa akin.
"Hindi nga ako umutot!!!"
"Sinong umutot?" Unti-unti akong napalingon sa nagsalita and I swear, kung pwede lang akong magpalit ng mukha, nagawa ko na.
Naririnig ko pa yung hagikhik ni Kianne mula sa likod ko. Nakangiti rin si Isaac. Napatingin ako sa mga ka-banda niya, shet, feeling ko onti lang hahagalpak na sila sa tawa.
Pulang-pula na siguro yung mukha ko. Mali! Sure ako, pulang-pula na ang mukha ko, ang init-init na kasi ng pakiramdam ko.
At sa mga ganitong pagkakataon ko nafi-feel na kinabog ko mga athlete sa Olympics, kumaripas ako ng takbo.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.