Its official. Hindi ako sanay na bawat ginagawa ko ay may article. Nung nag-sign ako ng kontrata sa The Agency, pinagbihis pa ako ng todo, may mga photo opt, at nag-trend pa. Hindi ko maintindihan kung bakit pinag-uusapan ako.
Sa isang iglap, parang nagbago ang lahat (in a very good way).
Nabigla pa ako dahil nung nabuksan ko na ulit yung mga Social Networking Sites ko, nag-triple pa lahat-lahat, basta, dumami exponentially lahat. Followers. Likes. Hearts. Comments. Hindi ako magkanda-ugaga sa pagbabasa.
Binigyan din pala ako ng cellphone.
Anyway, sa Instagram ko, sobrang dami na ng followers ko, from 145 naging 145K, nung nag-post ako ng selfie, nabigla ako sa dami ng nag-like, sa Twitter din, sobrang daming notif, itina-tag ako, kailangan ko pang i-private yung account ko sa Facebook dahil sa sobrang dami ng Friend Requests.
"Hi, Franze! Iba ka na!" Bati sa akin ni Ate Denise pagkatungtong ko ng floor ng The Agency. "Hindi naman ate, ako pa rin 'to, si Agua." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Humanda ka Agua, ngayon lang 'yan, dahil akin lang ang bukas!" Pagbabanta ni Ate Denise sa akin. Humarap si Kianne. "Subukan mo Claudia, subukan mo!!!" Lumingon si Ate Denise kay Kianne. "Gaga, ako si Amor." Natawa naman kaming lahat. "Ay, sorry, nakalimutan ko."
"Franze!" Napalingon ako nung tinawag ako ni Mrs. Tuazon. Nagpaalam naman ako kala Ate Denise.
Ipapaliwanag kasi sa amin ngayon yung first project ko.
Gosh, lakas maka-artista. Project raw.
Pagkapasok ko ay muntik na akong lumabas, hindi ko kasi inaaasahan na makikita ko sa Isaac ngayon. Dalawang linggo, isang araw, tatlo't kalahating oras at labing-isang minuto ko na siyang hindi nakikita mula sa labuyo incident na 'yan.
"Hi, pretty." Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. "Hi...handsome." Napangiti naman si Isaac sa sinabi ko. Napatingin ako kay Mrs. Tuazon na nakangiti rin.
"Well, let's get down to business." As usual, walang pasintabi si Mrs. Tuazon. Umupo na rin ako. Medyo nahihiya pa akong umupo sa tabi ni Isaac.
Bagay na bagay sa kanya yung puting t-shirt, jeans at cap. Ang bango at ang macho niya tingnan. Ilang bansa ba yung niligtas ko sa nakaraang buhay ko at parang blessed na blessed ako?
"Okay, I just received a call, and the Famous Product wants both of you to endorse them," nanlaki yung mga mata ko. "The Famous Product? Sure ba 'yan?!!!" Pasigaw kong tanong. Dahan-dahan pa akong napatingin kay Isaac, wait, isinigaw ko ba talaga 'yon? Isingaw ko?
"Itinanong ko lang." Pa-demure kong pagbawi. Inihawi ko pa yung buhok ko para medyo matakpan yung mukha ko. Shet! Nakakahiya talaga. Bakit ba hindi ako nag-iisip muna kapag nandiyan si Isaac? Naturally barbaric pa naman ako. Siguro naiisip niya, ang shunga-shunga ko na. Dapat friti at inosente ang maisip niya tungkol sa akin, hindi yung mga negative.
"Yes, I am sure. So, i-aayos natin yung sched niyo, especially you Franze, dahil sa appearance mo sa The Noon Time Show, ini-invite ka na rin ng The Variety Show at The Music Show para mag-guest." Wow! Hindi ko alam kung anong iri-react ko. Top-rated shows yun.
"And right now, dahil hot na hot ang loveteam niyong dalawa, we think it is best to pursue it more. I heard that Kateniel will be releasing a duet song and we want you both to go head to head against them." Napatingin ako kay Isaac. Uhmm...kalabanin ang Kateniel? Gusto ko sanang sabihin na baka masaktan lang si Mrs. Tuazon. Mrs. Tuazon, nahihibang na ba u? Ang risky kasi masyado na labanan ang Kateniel.
"We already picked a song, it will be More Than Words by Extreme." Paliwanag ni Mrs. Tuazon.
"My band is going to play this song?" Napatingin ako kay Isaac. "I think not." Diretsong sagot ni Mrs. Tuazon, napatingin ako kay Isaac. Naalala ko na naman yung sinabi niya dati.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
أدب المراهقينOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.