"Literal na hindi ka niya pinapansin Tanga," sabi ni Kianne habang inaayos yung mga papel na pinapaayos sa amin. Tumingin lang ako sa kanya. "So?" Hindi ko ma-gets kung ano naman ang ibig niyang sabihin.
"Obviously, ikaw ang sinisisi niya dahil sa issue. Magkaka-issue ba naman kasi siya sa Kateniel pa, solid 'yon," ibinilog pa niya yung kamay niya para ipakitang may solid siyang hawak.
"I don't care, at hindi niya ako sinisisi, ang sinabi lang niya 'i don't believe you'," inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-aayos.
"I don't believe you, saan? Sige nga," pagsubok sa akin ni Kianne.
"I don't believe you...re so beautiful, para kang anghel na nahulog mula sa langit, ayan. Hindi niya lang talaga nabuo kasi nahiya siya bigla," inirapan lang ako ni Kianne.
"You mean, sinuka ng langit?" Inirapan ko lang siya. Inggitera kasi. Ganyan kapag bitter, lahat na lang napapansin.
Nung natapos ako sa part ko ay agad akong sumilip sa phone ko, punyeta ng mga Kateniel fans, talagang bash na bash si Isaac, said na said pero of course hinding-hindi ko hahayaang maapi ang Isaac ko. Halos mapudpod na ang daliri ko kagabi kaka-reply sa mga bashing comments tungkol kay Isaac, hanggang kaninang umaga ang paglaban sa mga bashers ang inalmusal ko.
"Bilib din talaga ako sa'yo 'no, laban na laban ka ah," umiiling-iling pa si Kianne sa akin.
"Wag ako Kianne, kunyari ka pa. Hindi ka nga nakapag-review sa isang exam mo dahil sa fan war ng 1D at 5SOS e, 'wag ako," marahas niya akong tiningnan. "Oo na!!!" Inirapan niya lang ako at bumalik na sa ginagawa niya.
"But don't you think may merit ang rumor, malay mo totoo naman talaga na sabit siya sa love team ng Kateniel, there must have been something right?" Tanong niya sa akin habang inaayos yung September 2015 files.
"Walang merit-merit. Wala lang magawa yang fans ng Kateniel," sabi ko with matching irap pa.
"Wala namang usok kung walang apoy da ba?" Nilakihan niya pa ako ng mata.
"So may merit din pala ang rumor na hindi pa nakaka-move on si Harry kay Taylor gano'n ba 'yon? Da ba?"
"Ya know, hindi dapat tayo naniniwala sa rumors. Like oh em lang 'di ba? Duh! 'Wag tayong maniwala. Sino bang nagsabing may merit yang mga tsismis na 'yan?" Natawa ako sa sinabi niya, naramdaman ko naman ang pagrereklamo ng pantog ko bigla.
"CR lang ako Tanga," tumango lang siya at focus na focus pa rin sa pagso-sort na ginagawa niya.
Dalawang araw na ang lumilipas pero ang init pa rin ng issue, lalo pa siyang na-bash dahil sa pagkapanalo ng Juliette ng Best New Artist, natalo nila si Lenniel na first time lang ding magka-album.
Nakakainis lang, magkaibang station pa naman kaya mas lalo silang na-bash. Nakakainis lang talaga!
Medyo inaantok pa ako, maaga kaming aalis ni Kianne kasi mage-enroll pa kami, may kailangan pa kaming gawin sa school, may INC siyang grade samantalang pinapunta kami ng president namin kasi yung isang subject namin ay may mga kondisyon pa.
Pagkalabas ko sa CR ay inaantok akong humikab, grabe nakakapagod at nakakaantok.
"Coffee?" Napaangat naman ang tingin ko sa nag-offer ng kape sa akin at buti na lang nakakapit ako agad sa pader, punyeta! Punyeta talaga! Siguro alam mo na kung sino ang nakita ko.
Parang biglang hindi ko na kailangan ng kape, nagising na ako e. Nagising na ang diwa ko at ang katawang-lupa ko.
Dalawang araw niya akong hindi pinansin sa agency. Para lang akong hangin na dinadaan-daanan niya tuwing nagha-Hi ako sa kanya with smiling face pa, pero g lang naman sa akin 'yon, kuntento na ako na dalawang magkasunod na araw ko na siyang nakikita pero putragis, anak ka nga naman ni Lotus Feet, nasa harapan ko siya habang nakapamulsa at inaabot sa akin yung kape.
BINABASA MO ANG
Against the Current.
Teen FictionOne fan. One band. One music. And the last track playing on the playlist.