Chapter 2

355 26 68
                                    

"Hi!"

"S-sino ka?!" Agad kong pinulot ang kutsilyong nahulog ko kanina. Lintek. Kinakabahan na talaga ako! "Sino ka sabi eh!" Sigaw ko nang makitang nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin. Hindi sinasagot ang tanong ko.

Nang makita kong tumayo siya ay mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo at itinutok ito sa kanya. "W-wag kang lalapit!" Paulit ulit na usal ko ngunit patuloy parin siya sa pag hakbang. Paunti-unti. Para bang binibigyan ng mahabang oras ang aking kaba.

Nararamdaman ko na ang malamig na pawis kong lumalabas sa nuo ko. Paulit ulit akong lumunok. "P-pakiusap. Wag mo a-akong saktan. Kunin mo nal-lang ang g-gusto mong kunin." Nagmamakaawa kong sabi. Ngunit naging dahilan lang ito sa pag lapad ng ngisi niya.

Nakakatakot ang itsura niya. At hindi ko alam kung paanong nakapasok siya gayung wala naman akong nakita kanina. Tanging ang pintuang iyon sa harapan lamang ang nag-iisang pintuan ko sa apartment kaya mas lalo akong natatakot sa kanya, dahil alam kong hindi basta basta ang kaya niyang gawin.

"Hindi naman bagay ang gusto kong makuha dito."

Ngayon pati panginginig ng mga tuhod ko ay dama ko na rin. Kung ganoon ay ano? Sa itsura niya ay parang hindi siya magnanakaw. Mas nakakatakot pa siya sa magnanakaw. "U-umalis ka na. Wala akong pera!"

Nauwi sa nakakakilabot na ngiti ang kanina'y ngisi niya. At sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang siya napunta sa likod ko.

Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Sisigaw na sana ako pero agad niyang natakpan ang bibig ko. Ang lamig ng kamay niya. Gusto kong mag pumiglas pero animo'y natulos ako sa kinatatayuan. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang hininga niya sa may batok. Malamig...

"Hindi bagay. Hindi pera. Kundi ang 'yong kaluluwa."

At sa ganoong pagkakataon tila'y tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang takot. Ngunit bago pa man iyon ay namayani na ang malakas na tawa sa silid.

Nanatili akong nakatayo. Nanlalaki ang mga mata at pinakawalan ang nahigit na hininga. Hindi parin magawang lingunin ang taong nanggugulo sa akin.

Wala na ang malamig niyang kamay sa bibig ko at malayo narin siya sa akin. Nasa gilid ko na siya at hindi tumitigil sa malakas na tawa. Hindi katulad ng kanina, ang tawa niya ngayon ay parang normal. Maluha luha pa siya. Titigil maya maya at matatawa na naman.

Kumunot ang noo ko. Yung takot na umataki sa loob ko kanina ay napalitan ng inis at pagkayamot nang lingunin ko siya at panoorin ang pagtawa.

"Y-yung...Yung..HAHHAHA! Yung itsura mo! pfffttt hahahhaa!" Yumuyuko yuko na siya at nakahawak sa tiyan. Ako naman ay napaawang nalang ang bibig. What the hell?!

Nagulat pa ako nang hampasin niya ako sabay tawa. "G-grabe! Haha. Nakakatawa talaga" Sabay tawa na naman siya.

"Ugh! Tumigil ka nga!" Napasigaw na ako sa inis. Kunot na ang nuo ko at tinitigan siya ng matalim. It's not funny! Hell. "Sino ka ba?! Gago ka ba?!"

Natikom ang bibig niya at nakangiwing tumingin sa akin. "Ako nga pala si...ahm..." Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ano.."

Tumaas ang kilay ko. I think he doesn't want me to know him. Bago pa man niya natuloy ang sinasabi ay agad ko na siyang binulyawan.

"Alis." Tinulak ko siya papunta sa pintuan. Pero dahil malakas at mabigat siya ay hindi ako nagtagumpay. "Alis sabi!" Naiinis kong saway.

Ngumiti lamang siya at tiningnan ako. "Can you make me a name?" Marahan niyang tanong.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon