Chapter 1

455 28 68
                                    

"That's all for today. Class dismiss."

Napabuntong hininga ako matapos marinig ang sinabing iyon ni Ma'am Quinto. Agad kong niligpit ang notebook na pinagsulatan at inilagay sa loob ng bag. Kapagkuwan ay agad kong tinungo ang pinto at lumabas.

Nang makalabas ako ay binuksan ko ang Cellphone ko upang tingnan ang oras. 4:48. Napabuntong hininga ulit ako. Now what? Nailing ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Malapit na ako sa gate nang may sumalubong sa akin.

"Hi Cass!" Sinulyapan ko ang suot niya. Pula ito at kitang kita ang bungad ng dibdib. Napakaiksi din ng palda nito na animo'y hindi sa paaralan ang punta. Nang tingnan ko ang itsura niya ay mas lalong sumama ang loob ko. Pulang pula ang labi nito at halata ang mga kolorete na tila'y inihilamos niya lang.

Agad ko siyang inirapan at nilampasan ngunit hindi paman ako nakakalayo ay hinawakan niya na ako sa braso at hinarangan. Magsasalita na sana siya nang inunahan ko siya.

"Ilang beses ko ba dapat ulitin sa 'yo na 'wag kang lalapit sa akin kung ganyan ang itsura mo?" Nawala ang ngiti niya sa labi.

"Cas--"

"Wala akong kaibigang pokpok" Pagkatapos kong sabihin ito ay nilampasan ko siya. Nabangga pa ang balikat niya na hindi ko man sinadya ay sa tingin ko'y dapat narin.

Nang marating ko ang gate ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Tumayo ang balahibo ko. Tumingala ako at nakita ang kalangitang magsisimula na ata sa pag iyak. Agad kong kinuha ang payong sa loob ng bag at nag hintay ng sasakyan.

When I arrived home ay agad kong winalis ang nagkalat na mga papel na ginunting gunting ko kanina para sa project namin sa isa kong subject. Naglinis din ako pagkatapos ay nagbihis.

Nang matapos lahat ng trabaho ay pabagsak akong nahiga sa kama sa loob ng kwarto. At kagaya ng dati....Nahulog na naman sila. I smiled coldy. Hinayaan ko lang silang lumabas hanggang sa mabasa ang pisngi ko at unan. What's the use anyway? Kahit anong gawin kong pagpunas ay may susunod na lalabas. Hindi nila ako tinitigilan. At hindi nila ako titigilan. Mula sa aking hinihigaan ay tinanaw ko ang kalendaryo sa harapan.

Three years.... Napangisi na naman ako. Hinawakan ko ang dibdib ko at pilit itong pinapakalma sa pamamagitan ng paghimas.

"Tama na... Tama na please" Pero siguro nga may ulo ang mga luha ko at ang titigas ng mga ito dahil mas lalo pa silang nag labasan. Mas lalo pang humapdi ang nasa loob ng dibdib ko.

Nadagdagan pa ang bigat ng nararamdaman ko ng lumakas pa ang ulan sa labas. Nilipat ko ang posisyon ko sa may bintana. Bakit kailangang sumabay pa ito? Nakakatawa. Bakit ngayon pa umulan kung pwede namang kanina. Para ba mas masaktan ako?

Lahat nalang gusto akong saktan. Pati ikaw....

Hinayaan ko lang ang sarili kong magtangis. Wala naman kasi akong laban. Kasi mahina ako. Sobrang hina. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako kaya nang magising ako ay alas otso na ng gabi.

Umupo ako at inihilamos ang mga kamay sa mukha kong natuyuan ng luha. Inayos ko ang buhok ko at lumabas sa kwarto. Tinungo ko ang kusina at inihanda ang mga iluluto ko.Mag sisimula na sana ako sa pagluto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Bumalik ako sa sala at pinulot ito. Nang makitang hindi nakaregister ang numero ay kumunot ang noo ko. Sino 'to?

Nag-aalangan man ay sinagot ko ito.

"Hello? Sino 'to?" Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya pero nanatili lang itong tahimik. "Hello?" Wala parin. "Hello? Hello?" Nang wala pang sumagot ay naiiling na pinatay ko ang tawag.

People nowadays. Hays.

Bumalik ako sa kusina at nagluto. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ito sa mesa. Uupo na sana ako nang bigla na namang tumunog ang Cellphone ko. Napabuntong hininga ako at tinungo ang sala sabay kuha sa Cellphone. Agad ay pinatay ko ito at dinala papunta sa kusina. Nang umupo na ako ay nilagyan ko ng kanin ang plato ko at kaunting cornbeef. Nang susubo na ako ay tumunog na naman ang cellphone ko. Naiinis na pinatay ko ang baterya nito. Nilagay ko ito sa gilid at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ako ay bigla akong natigilan. Nanatili sa ere ang kamay kong may hawak na kutsara na sana a isusubo ko. Nanindig ang mga balahibo ko at dahan dahang sinulyapan ang ang cellphone ko.  Tumutunog na naman ito. Naibagsak ko ang kutsara. "Paanong...."

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang inataki ng kaba ang buong sistema ko. Nanatiling nakatayo ang aking mga balahibo habang nakatutok ang aking mga mata sa Cellphone kong patuloy na tumutunog.

Sigurado ako. Pinatay ko yan kanina. Siguradong sigurado.

Humugot ako ng hininga at ipinalibot ang tingin sa buong kusina, pati ang sala na kita mula dito ay nahagip ng mata ko. Ugh! Bakit kasi ako lang mag isa sa apartment na 'to. Mas lalo tuloy akong natakot. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone at napalunok. Kailan pa ako naging matatakutin?

Huminga pa ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Siguro nga ay hindi ko talaga ito nai-off kanina. Siguro ay na ang ilaw lamang nito ang tanging napatay ko.

Dahan dahan kong kinuha ito. Tumatawag na naman ang numerong hindi ko kilala. Nag aalinlangan pa ako kung sasagutin ito o hindi ngunit ilang sandali lamang ay nahanap ko nalang ang sarili kong inilalagay ito sa tenga ko.

"Hello?"

"B-buksan mo ang p-pinto...pak-kiusap" Nanlaki ang mga mata ko.

"Sino ka---" Bago ko pa matapos ang sinasabi ay pinatay niya na ang tawag. Shit.

Paulit ulit kong tinawagan ang numero ngunit hindi ko na ito ma-contact. Naguguluhan kong inilapag ito sa mesa nang biglang may kumalabog sa labas. Napamura ako at nataranta. Dali dali akong tumayo at kinuha ang kutsilyo sa may lababo. Nanginginig pa ang kamay ko habang tinutungo ang pinto na ngayon ay sunod sunod na ang katok galing sa labas. Ilang hakbang lamang ay narating ko na ang pintuan. Hindi parin mawala ang nginig sa aking kamay habang inaabot ang door knob. Hinigpitan ko ang kapit sa kutsiltyo at humugot ng malalim na buntong hininga. kaya ko 'to...Kaya ko 'to.

Ilang sigundo lamang nang maging buo ang loob ko ay walang ano anong binuksan ko ang pinto. Akma kong ihahanda ang kutsilyong hawak nang makitang walang tao. Biglang kumawala ang hiningang hindi ko namalayang pinipigil ko na pala. God! Ano bang nangyayari sa 'kin?



Isasara ko na sana ang pinto nang biglang humangin ng malakas. Sobrang lamig nito, sapat na para mag dulot ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko. Ilang beses pa akong napalunok at mariing napapikit. Gusto kong mainis at magpapapadyak sa kinatatayuan ko at magreklamo kung bakit hinahayaan kong mamayani ang guni guni sa isipan ko. Pero lamang ang takot at pagkabahala sa puso at isip ko. Ngunit kahit ganoon ay pinilit kong idilat ang mga mata ko. Malakas ang ulan, natural at hahangin talaga. Tsk. Isinara ko ang pinto. At agad na bumalik sa kusina. Ngunit nahulog ang kutsilyong hawak ko nang may makita sa loob ng silid.



"HI!"

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon