Nakatulala lamang ako ngayon sa kisame.lutang at nag iisip sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito.Kailan nga ba nagsimula?
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang sarili. Masaya ka na naman.... Natatakot ako.
Dinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko ito nilingon at nanatiling tulala sa kisame.
"Ayy dedma!" Humalakhak si Margarette at Fae.
"Hmmm... Bakit kaya parehong nawala ang dalawa kahapon..."
"Ewan ko, eh ngayon nga dalawa rin ang nawawala eh."
"Asan nga ba iyong si Angelo at Cassandra?"
Napakurap ako sa narinig. Hindi ko sila nilingon at pinanatiling blangko ang mukha.
"Ayy! No effect!"
"Galingan mo kasi sa pag sisinungaling.!"
Huminga ako ng malalim at bumangon.
"Cassi movie marathon daw!" Tumaas ang kilay kong nilingon sila. Tumango sila habang nakangiti.
"Ayoko--"
"Hep! Last day! Ano ba sobra ka na hah." Hinawakan nilang dalawa ang kamay ko at pinilit akong tumayo.
"Isang dama ko lang ng sakit." Agad nilang binitawan ang parehong kamay ko nang balaan ko sila. Naupo sila sa pagod sa pamimilit sa akin.
"Anong meron sa inyo ni Angelo?" nanatili parin akong tahimik.
"Anong makukuha niyo kapag sinagot ko ito?"
"Ouch!" Umarte ang dalawang nasaktan sa sinabi ko. Umirap lamang ako rito at tumayo.
"Kailangan niya pa talagang manakit bago pumayag sa pabor!"
Habang naglalakad palabas sa kwarto ay sinakop ko ang buhok ko at tinali. Sumunod naman sila. Nadatnan ko sa sala ang nakaupong mga kalalakihan. Naroon si Art na agad ay tumuon ang tingin sa akin. Inilihis ko agad ang tingin. Nasa gilid na sofa si Angelo kaharap si Art. Katabi niya si Cassandra na naputol ang pagsasalita nang lumabas ako kasama ang dalawang babae. Nginisihan niya ako at muling bumaling kay Angelo. Akmang ikakabit nito ang dalawang kamay sa balikat ng kaharap nang tumayo ito at iwan siya roon. May inis ang tingin niya sa akin ngunit pagod na akong suklian ng kahit anong reaksyon iyon at lumapit nalang. Sinalubong ako ni Angelo. Ngumiti siya ng kaunti.
"Naiwan mo kahapon.." Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin.
Nanlamig ang buong katawan ko sa nakita. Ang kinang ng kuwintas ay nagmistulang anestisya sa aking katawan.
Ang hugis patak ng luha nito ay nagpahigit ng hininga ko.
"Cassi..."
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtayo ni Art. Nang gumalaw ang paa nito upang humakbang patungo sa kinaroroonan namin ay nanginginig ang kamay kong kinuha ang kuwintas.
"Cass--"
"Salamat." Agad kong ibinulsa ito at nagpasalamat na hindi iyon naabutan ni Art.
"Anong nangyari?"
Umiling ako at huminga ng malalim. Nilagpasan ko sila roon at nakita ang nag aalalang tingin ni Ash. Nanginginig ang kalamnan ko subalit nanatiling kalmado ang imahe ko sa kanila.
Umupo ako sa sofa sa harapan ng tv. Sumunod roon si Art.
"Ano 'yon?" Tanong niya sa akin. Malamig ang tinig niya at hindi ko magawang balingan siya. Umiling ako at tinikom ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...